Chapter 2 Beach Bump

202 2 0
                                    

 We don’t need to buy tickets for Air transportation.

Sumakay na kami sa eroplano. ^___^ Siguro iniisip nyo, pano na kaya yung kotse nung tatlo? Naiwan na? Well, like me, they have servants too, kaya naman oks lang na iwan ang mga kotse dun. Iuuwi rin naman kasi yun. You are also probably thinking that what about me since I have no luggage. That can be solved easily. Girl scout nga pala si Joanne. May dala syang extra bag, ewan ko ba kung bakit may dala yung ganun! At dahil malapit lang kami sa mall, dumaan na muna kami dun at nag shopping spree for 10 minutes! Easy as pie! Hahahaha! Laking tuwa ko nalang at puno pa ang ATM ko.

Our airplane landed.

 NP: Airplanes

-------------------------------------------------------

Can we pretend that airplanes

In the night sky are like shooting stars

I could really use a wish right now, wish right now, wish right now.

 ------------------------------------------------------

Diba sabi ko kanina, “We don’t need to buy tickets for Air transportation.”? That’s true. Because this is OUR airplane. Pinaghati-hatian naming barkada ang pagbili sa eroplanong to, para naman kapag sawa na kami sa Pilipinas at gusto na naming mamasyal sa ibang bansa, we can go there easily. No need to buy and fall in line to buy tickets or whatsoever, just that! Pero, tuwing long weekends lang kami naalis ng bansa. Students pa rin kami, we’re still studying.

“Yes! Land at last!” sigaw ko.

“Guys, let’s go!” nag-aaya si Nica

May sariling bahay sila Nica rito sa Boracay. Rest house pala tawag dun. Tuwing summer lang napunta si Nica sa rest house kaya naman ay may care taker ang bahay dun.

“Good morning ladies!” ^____^ sabi ni Kuya Seo

Si kuya Seo [pronounced as 'Soh'] ay ang friendly driver ni Nica dito sa Bora.

“Hello kuya Seo! Kumusta na po?” tanong ko sa kanya. I missed him! He’s a friend of mine even if he’s a driver. Last last year ko sya huling nakita. Last year kasi, nagpunta ako sa Hawaii para magbakasyon kasama mga lola ko.

“…Okay pa! buti naman at sumama na kayo kay miss. Lonely sya last summer dito eh. Kaya ayun, 2 days lang nag-stay.” Explain ni kuya Seo

“Don’t worry kuya Seo! 5 days kami ngayon dito! ^0^” sabi ni Nica

At sumakay na kami sa limousine. After 30 minutes of drive, nakarating na kami sa rest house nila Nica. Ang ganda pa rin nung rest house! Walang kupas.

“DUN AKO SA BASEMENT!” I yelled from the back of the limo.

“Psh! Lagi ka naman dun Pam! :P” sabi ni Ren

“Yaan nyo na, Maingay naman kasi yang si Pam. Pabayaan nyo ng mga daga ang mabulabog! XD” pang-aasar ni Joanne

“Aba! Halika nga dito!” bumaba ako ng Limo at hinabol si Joanne.

“Ilapag nyo nalang yung gamit nyo sa mga napili nyong kwarto. Punta lang ako sa dining area.” Sabi ni Nica.

Nasa loob na kami ng bahay. Nasa part ng may sala.

“HAHAHA!!! Kakain ka na naman noh?” sabi ni Joanne

“Ano ka ba Joanne? Kita mong nagpapasexy pa yan lalo para kay Papa R nya noh?” sabi ni Ren

(From the dining area) “Tama!” Nica

Biglang pumasok si kuya Seo.

“Ladies, may party nga pala mamayang gabi. Pupunta ba kayo?” tanong nya.

UnexpectedlyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang