Angel's Ring

214 5 4
                                    

"Naku naman. Late na ako sa first class ko.

Kailangang bilisan kong maglakad."

Yan yung sabi nung nakasabay kong maglakad.

Hindi halatang maingay siya kasi narinig ko yung sinasabi niya.

Plano pala niyang maaga sa school eh dapat maaga siyang gumising.

Hilig kong makinig o makarinig ng mga sinasabi ng ibang tao.

Ewan ko kung bakit.

Hindi naman tsismosa na tao.

Ako si Cyrin Flores, Engineering student.

Freshman, hindi gaanong matalino at wala gaanong kaibigan kasi daw mataray ako.

Paki ko sa kanila.

Eksena nila. Mga insecure lang sila sa akin.

Hindi ko namalayan na may ereresearch pa pala ako sa library ngayon.

Kailangan ko na rin yatang magmadali.

Sa pagmamadali ko eh ay may nakabunggo ako.

Akala ko isang gwapong lalaki pero isang babae lang pala.

Nagkalat mga gamit niya malapit sa putikan.

Tinulungan ko siyang magdampot.

Dinampot ko yung isang bondpaper na parang project niya pero tinabig niya kamay ko at sa gulat ko ay natapon sa putikan.

"Sorry ate ha pero parang kasalanan mo na yun kung bakit natapon yung bondpaper sa putikan." taray ko sa kanya.

Tinulungan na nga ayan tuloy ang nangyari.

"Kasalanan ko pa ngayon?

Sino ba sa atin ang hindi tumitingin sa daan at nakabunggo?

Ako ba?

Sorry ha?

At salamat sa iyo, sa isang iglap lang ay nasira ang isang buwan kong pinaghirapan na project", sabi niya na parang maiyak iyak na.

"Sorry ate ha.

Gusto ko lang naman makatulong pero parang hindi mo rin yata gustong tulungan.

Sinabi mo na lang sana ng hindi na umabot sa ganito." pagtataray ko ulit sa kanya.

Kinuha niya yung project niya sa putikan at naglakad na papalayo sa akin.

"Kreizelle Sandoval pala pangalan niya.

Architecture student. Nakita ko kasi pangalan niya sa bondpaper na naputikan.

Same school din pala kami.

Tatandaan kita."

Natapos na ang first semester at hello second semester.

"Pwede maki share?" tanong ko sa babae na busy sa kanyang N3310 na cellphone.

Nakatalikod kasi siya sa akin.

Hindi siya umimik kaya pumunta ako sa harapan niya at pinatong ang mga pagkain ko.

Nasa canteen kasi ako ngayon.

"Diba ikaw yung nabunggo ko noon?

Kamusta na pala yung project mo?" tanong ko sa kanya.

Friendly naman ako minsan.

Imbis na sagutin niya ako eh tumayo siya at naglakad na papalayo.

Bastos yun ah.

Angel's RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon