Chapter 1 : Bonding to my Girl Best Friend

4 0 0
                                        



Majoy P.O.V :

Ako nga pala si Mary Joy C. Palanca na isang 2nd yr college na nag-aaral sa San Sebastian Academy. Isa lamang ako simple, payat, medyo matangkad, mapagmahal, mabait at masunurin na anak. Habang nag-uusap kami ni Rose sa telepono , tungkol sa aming buhay "Bes,musta na yung sinasabi mo sa akin na si Christian yung boyfriend mo" sabi ni Rose sa akin, "Ah, yun ba wala na kami nu'n niloko lang pala niya ako, akala ko mahal niya ako" sabi ko kay Rose.

Rose P.O.V:

Ako nga pala si Rose Ann D. Sua na isang mabuting kaibigan ni Majoy noong high school pa kami hanggang ngayong college na kami kahit hiwalay na aming university na pinag-aaralan ay nagkakaroon pa kami ng time na magbonding o mag-usap pa rin.

=== Flashback ===

"Bes, musta na yung sinasabi mo sa akin na si Christian yung boyfriend mo." sabi ni Rose

"Ah, yun ba wala na kami nun niloko lang pala niya ako, akala ko mahal niya ako" sabi ni Majoy

"Ah ganun ba, Bes, may darating talaga para saktan lang at may darating din na mamahalin ka ng totoo at tapat, malay mo dba dumating yung sinasabi ko sayo na mamahalin ka na hindi ka lolokohin" sabi ni Rose

"Oo nga baka may dumating pa na mas deserving ka sa kanya na hindi ako lolokohin" sabi ni Majoy

"Tsaka wag ka na umiyak diyan, ano ka ba naging kaibigan mo pa ako dba, andito lang ako para sayo siyempre magtutulungan tayo, Bestfriend Forever!!!!" sabi ni Rose

=== End of Flashback ===

Pagkatingin ko sa orasan ay nagulat ako, akala ko alas-diyes lang yun pala ay ala- una ng madaling araw at ako na lang pala ang gising sa bahay namin kaya natulog na ako.

Majoy P.O.V:

February 14, nung pumunta kami nila mama sa luneta para mag-celebrate ng valentines day. Habang nakasakay kami nila mama sa jeep. Bigla kong tinext si Rose. "Rose, Happy Valentines Day, Sino kasama mo ngayon Boyfriend mo ba.... Joke lang..... hahahahaha" ilang minute lang ay nagreply din si Rose "Hahaha.. anong boyfriend ka dyan wala ako nun noh.. wala sa bokabularyo ko yun, saka nay un kapag tapos na lahat ng gawain ko sa buhay.." Tapos ay nagtext ako sa kanya "Ah, ou nga pala wala sa bokabularyo yung boyfriend dahil hindi ka pa nagkakaboyfriend"

Tapos nagreply siya sa akin "Kasama ko si mama, andito lang kami sa Sm, kumakain lang sa mga fastfood parang date lang, Eh maiba nga pala tayo musta na ang puso mo" tapos ay nagreply ako sa kanya "eto medyo nakakamove-on na sa kanya hirap pala noh". Tapos ay hindi na nagreply si Rose sa akin kaya pagkatapos namin nila mama sa Luneta park ay nagyaya na si kuya na umuwi kaya pagkauwi naming sa bahay ay diretso na ako ng kwarto para magpalit ng damit at matulog na.

Rose P. O.V:

February 15, nagtext ako kay Majoy "Bes alis tayo ngayon kung pwede ka lang naman ngaun" Nagreply agad si Majoy sa akin " Pede naman ako ngayon, Bakit saan ba tayo pupunta?" Nagreply agad ako sa kanya " Ala lang bonding ulit tayo, kain sa labas or shopping..." Nagreply agad din siya sa akin " Ah sige bihis lang ako tapos text na lang kita kapag malapit na ako..." Nagreply din agad ako sa kanya "Sige bihis na din ako"

Majoy P.O.V:

Nagbibihis na ako nun bigla kumatok si mama sa kwarto ko "Anak! Saan ang punta mo niyan" ang sabi ko naman kay mama ay "Ma, may pupuntahan lang po kami ni Rose sa mall po..." Nagsalita si mama " Ah ganun ba , Anak sige ingat ka na lang kayo wag kayo masyado magpapagabi alam niyo naman sa paligid niyo masyado delikado na ngayong mga araw.." Ang sagot ko kay mama naman " opo mama mag-iingat kami noh.." At umalis na ako ng bahay para hindi masyado mag-antay si Rose ng matagal....

Habang nag-aantay ako ng masasakyan sa kanto namin ay biglang tumawag si Rose sa akin:

Rose: Hello!! Bes

Majoy: Oh!! Bes

Rose: San ka na ?? Bes

Majoy: Nag-aantay ng masasakyan sa kanto namin Bes.. kaw ba Bes san ka na??

Rose: Ah ganun ba Bes!! Dito pa ako sa amin Bes..

Majoy: Ou!! Bes Sige lang

Rose: Sige!! Bes baba ko muna to mamaya na lang ah...

Nung binaba na ni Rose ang tawag ay nakasakay na rin ako ng jeep papuntang mall. Habang nasa jeep ako ay nagbayad ako at pagkatapos nun ay sinuot ko na yung headset ko sa tenga ko.

Rose P.O.V:

Nakabihis na ako nun ng bigla ako inutusan ni mama bumili ng patis sa tindahan at pagkabili ko ay binigay ko na kay mama ang binili ko at nagpaalam na ako kay mama at pinahatid niya ako kay tito sa mall. At sandali lang ay nakarating na agad kami sa mall dahil malapit lang sa amin ito. Habang hindi ko pa nakikita si Majoy ay naglibot libot muna ako sa mall at saglit lang ay nakakita ako ng sapatos sa isang sikat na shoes store kaya pumasok ako dito.

Habang sinusukat ko ito ay bigla tumunog ang aking cellphone at pagkatingin ko ay si Majoy pala ang tumatawag at sinagot ko ito:

Majoy: Hello!! Bes

Rose: Oh!!! Bes

Majoy: Saan ka?? Dito na ako sa mall kararating ko lang..

Rose: Asa may shoes store ako

Majoy: Ah ok!! Bibili ka na naman ng bagong sapatos

Rose: Alam mo naman dba Bes!! Yan lang talaga ang paborito ko

Majoy: Sige papunta ako diyan!

Rose: Bye Bes

Binaba ko na yung phone at tapos ko na rin masukat ito at binayaran ko na sa counter ito at saglit lang ay nakita na ko ni Majoy kaya lumapit na siya akin. Pagkatapos naming dun ay naglibot na kami pumunta kami sa sinehan para manuod ng bagong movie na Love is Blind at pagkatapos naming sa sinehan ay hindi parin maalis ang kilig sa amin dalawa at medyo tanghali na nagyaya na ako umuwi dahil may pupuntahan pa kami ni mama. Kaya umuwi na din si Majoy nun

Tadhana para sa Isa't - isaDes histoires addictives. Découvrez maintenant