Jayson' POV:
Forever? Oo , may forever , forever naghihintay. Yep , ako yung kahit anong sakit makita syang masaya sa iba , ay tinitiis pa rin. Yung nasisiyahan na lang ako sa forever niya , dahil masaya sya dun.
K , tama na yung drama , papasok pa ako sa school. Sa katunayan , male-late na nga ako. Pero wala akong pake , wala naman talaga din syang pake sa feelings ko diba? So why even try.
Naligo lang ako ng saglit , nagbihis ng uniporme at hinablot ang bag na nasa sahig. Lalabas na sana ako sa kwarto , nang nakita ko ang aking sarili sa salamin. Napahinto ako at napasabing........
"walang nagbago"
Oo , wala talagang nagbago , at im not referring sa aking physicality , kundi sa pakitungo nya sa akin. Mas masakit ngang maalala yang bagay na yan , na walang nagbago , kahit feelings lang man nya sa akin , wala.
Tama na yung drama , lumabas na ako sa kwarto , takbo pababa ng hagdanan at sabay sigaw "sa school na lang ako kakain ma!"
"Oo sige , mag ingat ka jayson ha? Bye!" Sambit na man ni mama sa akin.
Oo , jayson ang pangalan ko , payak lamang ang pamumuhay , yung hindi tinatawag na payat , pero di na man tinatawag na mataba. Yung tipong hindi nakakakita ng araw ang kaputian.
Paglabas ko sa bahay , nagstretching muna ako , sabay langhap sa masarap na simoy ng hangin. Sinulit ko ang gandang ibinigay ng umaga.... hanggang dumating sya...
Xam's POV:
"HONK! HONK!" Malakas na pagbusina ng kotse namin.
"Kuya lakasan mo nga! Parang bingi na kase yang kaklase ko!"
Sigaw ko kay kuya , eh , pano na mang di ako mainip na nakakainis na man yung hinintay mo sya't bale wala lang sa kanya. Masakit kaya yung hinintay mo sya , at bale wala lang sa kanya yung effort mo. Naiiwan ka na lang mag isa.
Kaya nga may forever diba? Para yan sa mga forever alone na kagaya ko.
Natauhan na man tong kaklase ko kayat dali syang pumunta patungo sa kotse namin.
"Hinintay mo ako?" Tanong nya sa akin na medyo flattered yung tono ng boses.
"Hindi , tinesting ko lang kung ano ang feeling na ihinto ang kotse namin sa tapat ng bahay nyo!" Pilosopo ko namang sagot sa kanya.
"Kaw , talaga. Salamat Xam ha?"
Ah , oo nga pala , Xamwell Verzosa , kaibigan nitong si jayson. Langyang masungit talaga ako. MAPUTI. maputing maputi pa kaysa nitong si jayson , parang bampira na nga eh. Chubby , wala na talagang tawad tong weight ko , chubby talaga.
"Sige na! Kuya paki bilisan nga lang... walangya kasi nitong mokong na to , male-late na kami!"
Kaya binilisan talaga ni kuya yung takbo ng sasakyan.
Mabuti na lang at nakarating na man kami sa school na may extra 4 minutes pa.
"Hoy! Bawal daldal! Tumakbo ka na!" Sabay hablot sa uniporme ni jayson na tumatakbo patungong gate.
Beastmode na talaga kung tumakbo. Kaya lang napahinto akong biglaan dahil malapit kong mabangaan ang isang babae...
Chesa's POV:
"Ah , sorry miss , mauna ka nang pumasok" sabay ngiti ng taong malapit akong nabangaan.
"Okay lang yun , salamat" ningitian ko naman sya pabalik.
Mabuti't gentleman na man yung lalake.
Yung tipong huminto sya nang alam nyang masasagasaan nya ako. Yung tipong alam nya kung saan sya didistansya upang di ako masaktan. Sana ganun lang din yung nangyarin noon.
Forever na talaga. Forever di pwede. Di pwedeng magmahal dahil alam mong malalayo ka na naman sa iba.
Alam kong may rason kung bakit ayaw nilang ipagpatuloy tong nararamdaman ko. Pero alam ba talaga nila ang tibok ng puso kong ito?
ESTÁS LEYENDO
Para Sa Walang Forever
Novela JuvenilSi Jayson , si Xam , si Adriana , si Francis at si Chesa. Listahan ng mga taong naniniwala sa forever. Pero di mo akalaing ibat ibang klase ng forever pala ang kanilang pinapaniwalaan : Forever naghihintay Forever alone Forever bitter Forever tanga...
