Pinagmasdan ko lang iyon hanggang sa tuluyan na itong naging magic dust. Lumipad ito papunta sa taas naming dalawa ni Throy. Then after a minute, para itong biglang sumabog at nakalikha ng iba't ibang kulay at parang naging mumunting ulan. Napangiti na lang ako dahil sa nasaksihan ko.



"Masaya ako na naging masaya ka sa kauna unahang foundation day mo."



Napangiti na lang ako sa sinabi nyang iyon. Naramdaman ko pa na hinawakan nya ang kamay ko at hindi ko na lang yun pinansin. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko dun sa mga bituin na sobrang nagliliwanag sa kalangitan.



"Rysha."



Lumingon ako kay Throy nung tinawag nya ako.




O_O



Hala.



Dug dug. Dug dug. Dug dug.



Wrong move.



Pero bakit hindi ko sya magawang itulak? Bakit hindi ko magawang makakilos pa.



Nung lumingon kasi ako sa kanya, nagkataon na nakatingin din pala sya sa akin. At sa sobrang lapit ng mukha nya, magkadikit ngayon ang mga labi namin.



O_O


O_O


Ganan parehas ang mga itsura namin pero nanatili lang kami sa ganung pwesto.



Dug dug. Dug dug. Dug dug.



This weird feeling again.


Waahhhh!!



Mababaliw na ata ako.



Pareho lang kaming natauhan nung biglang may sumabog sa kalangitan. Fireworks. Agad akong tumalikod sa kanya at napahawak sa labi ko.



A-anong nangyari?



D-did we just kissed?



"Ahm, ano. S-sorry. It was an accident.", narinig kong sabi ni Throy.



Pero hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam ko pati ay kasing pula ng sili ang mga pisngi ko. Tapos yung heartbeat ko, hindi na naman normal. Namamawis na din ang mga palad ko tapos may kung ano sa tiyan ko na hindi ko maintindihan.



"Rysha.", muling tawag ni Throy.


"W-wag kang magsorry. K-kasalanan ko din na humarap ako sayo."



Ang awkward pag-usapan -_-



Paano pa ako makakaharap kay Throy nito?



Napakagat na lang ako sa labi ko at naalala ko na naman ang nangyari kanina.



Waahhh. Erase erase erase. Aksidente lang yun Rysha. Kalimutan mo na yun.



"Nandito lang pala kayo."



Sabay kaming napalingon kina Michael, Brylle, Aaron, Lizeth at Zairah.



"Wow Rysha, ang ganda ganda mo girl.", nakangiting sabi sa akin ni Zairah.



Umupo sa tabi ko yung dalawa. Bale napapaggitnaan nila ako. Tumayo naman si Throy at lumapit kina Brylle.



"Okay ka lang ba pare? Namumula ka.", sabi naman ni Brylle kay Throy.



Nagkatinginan kaming dalawa pero ako na agad ang umiwas ng tingin.




*****


I'm back ^_^ .. Nakakadalawa na si Throy..haha

Maraming salamat at pasensya na sa katagalan.. ^_^

God bless!


-----nnaeillek

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon