CHAPTER 5

8.4K 340 9
                                        

Psalms 85:8

I will listen to what God the LORD will say; he promises peace to his people, his saints--but let them not return to folly.




*****

RYSHA POV


"arghhh!!"



Napatingin kami dun sa babaeng bigla na lang sumigaw..basa ang damit nya at sa tingin ko ay juice ang tumapon sa kanya..


Nandito kasi kami sa canteen dahil lunch break na..


"Lizeth naman.."


Halos pabulong na sabi ni Zairah..si Lizeth kasi ang nakabangga dun sa babae..tapos nagkataong may hawak pa syang juice kaya ayun..natapon dun sa babae..


"you ruined my style!!.."


Sabi nung babae kay Lizeth..galit na galit na sya..tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Zairah..


"why?.."


"that's Nerissa..and she is the strongest elementalist in academy..kaya maupo ka na lang.."


"what?..hahayaan na lang natin na sigawan nya si Lizeth?.."


Tumungo lang si Zairah..tumingin ulit ako dun sa Nerissa na yun at dinuduro nya si Lizeth..hindi ko ata kayang makita na ginaganun si Lizeth..kaya tumayo ako at lumapit kina Lizeth..sakto namang nagfoform na ng water ball with spike si Nerissa at akmang ititira yun kay Lizeth..kaya palihim kong diniffuse ang element ni Nerissa..alam kong nagulat sya dahil bigla na lang nawala ang element nya pero hindi nya lang yun pinahalata..


Nasaan na ba kasi sina Throy?..ganito ba talaga sa mundo nila?..


"ikaw na babae ka..pagbabayaran mo ang ginawa mo..I swear.."


Binangga nya si Lizeth kaya napaupo ito sa sahig habang sya naman ay patuloy lang sa paglalakad..nung makarating sya sa harapan ko ay tumigil sya..


"ikaw ang bagong estudyante diba?.."


"obviously.."


Napasinghap na lang ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin..bakit..may mali ba sa sagot ko?..


"bago bago mo pa lang..marunong ka nang sumagot.."


Mataray na sabi ni Nerissa..napangisi na lang ako..at kapag ngumisi ako, humanda ka na sa sasabihin ko..


"sa pagkakaalam ko..tinanong mo ako..kaya sinagot kita..may mali ba dun?.."


Muling napasinghap ang mga estudyante..dumami na silang mga nakapalibot sa aming dalawa..hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na maraming nakatingin sa akin..


"aba't..hoy babaeng kulay brown ang buhok..tingnan mo kung sinong binabangga mo..hindi mo ba ako kilala hah?.."


Mataray pa din nyang sabi..pero halata namang pikon na pikon na sya..mukang magiging masaya ang pananatili ko sa mundong ito..


"malamang hindi kita kilala..bago pa lang ako sa mundong ito..diba..?.."


"aba't ----- "


Natigilan si Nerissa ng pumagitna sa amin si Throy..nagkatinginan silang dalawa saglit tapos hinila na lang ako basta ni Throy palabas ng canteen..


At sa wagas nyang paghila ay dito kami nakarating sa may elemental tree..wow..ang ganda pala ng punong ito sa malapitan..


"ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo hah?.."


Galit na galit na sabi ni Throy..ngumisi na ako..you know na guys..


"ginagawa ko?..sa pagkakaalam ko kausap ko yung babaeng yun tapos bigla mo na lang akong hinila.."


Napasabunot si Throy sa buhok nya..waring nagpipigil ng galit..


"hindi sa lahat ng oras..mambabara ka ng kahit na sino..Ry..si Nerissa yun..sya ang pinakamalakas na elementalist..kayang kaya nyang pumatay ng kahit na sino kapag ginusto nya.."


"sa pagkakaalam ko..bawal pumatay ng kapwa elementalist..diba.."


Napabuntung hininga muna si Throy bago nagsalita ulit..


"dati..oo..pero marami nang elementalist ang napapatay ng kapwa elementalist..and yet..wala man lang nahuhuli.."


Napahawak na lang ako sa noo ko..hindi ko alam na ganito na pala kagulo sa mundong ito..dahil ba ito sa labindalawang gems ko?..


"Ry..air element mo lang ang pwede mong gamitin dito..kaya mag-ingat ka..wag kang padalos dalos.."


"kapag naagaw ko ang atensyon ni Nerissa..posibleng maagaw ko din ang atensyon ng labindalawang elementalist na may hawak ng mga gems ko.."


Napailing na lang si Throy..naupo sya sa may harap ng elemental tree..kaya naupo na lang din ako sa tabi nya..


"gagawin mo talaga ang lahat, mahanap lang ang mga gems mo.."


Seryosong sabi nya habang pinaglalaruan ang damo..


"my gems are my life..at saka hindi pwedeng manatili sa mundo nyo ang mga gems ko..dahil lalong gugulo ang mundong ito.."


Buntung hininga lang ang tanging naisagot sa akin ni Throy..


Alam kong mapanganib ang misyon kong ito sa mundong kinalalagyan ko ngayon..pero hindi ako pwedeng matakot o maging mahina..kailangang kong maging malakas para sa buhay ko..at para na din sa kaligtasan ng elemental world..






*****

Cazznelly -- salamat ^_^

God bless guys!


----nnaeillek

FINDING MY GEMSWhere stories live. Discover now