"Sus, si tito, magdadramahan pa ba tayo?"
Napatawa naman si tito kaya napatawa na lang din ako. Pagkatapos akong isayaw ni tito Jethro ay inihatid na nya ako table namin ni Throy. Kaso napatigil ako dahil ang daming lalaki ang nakatayo dun sa tabi ng table.
Agad naman kaming nilapitan ni Throy. Hindi pa kasi kami nakakasadsad dun sa may table dahil nga napatigil ako.
"Thanks dad.", sabi ni Throy.
Ngumiti naman sa kanya si tito Jethro. Then hinawakan ni Throy ang kamay ko at hinila ulit palayo dun table namin.
"Throy, teka lang naman. Masakit na yung paa ko."
Medyo mabilis kasi ang paglalakad ni Throy kaya napapabilis din ang paglalakad ko. Eh masakit na nga ang paa ko dahil nakaheels ako.
Nagulat naman ako nung bigla akong buhatin ni Throy. Yung way pa ng pagbubuhat nya ay parang pangkasal. Mabuti na nga lang na konti na lang ang elementalist dito sa may pwesto namin kaya hindi kami agaw atensyon.
"Throy!"
"Masakit diba ang paa mo, ayan, ginagawan na kita ng pabor."
Natahimik na lang ako sa sinabi nyang iyon. Hanggang sa makarating kami sa labas ng venue. Naglakad pa ng konti si Throy then napansin kong nasa likod na kami nung venue. Maingat nya akong ibinaba at iniupo sa isang bench. Lumuhod sya sa harap ko at tiningnan ang paa ko.
Nung macheck nya ang paa ko, tumayo sya at parang may hinahanap. Nung makakita sya ng isang halaman ay pumitas sya ng dalawang dahon. Lumuhod ulit sya sa harap ko at inilagay ang dalawang dahon sa dalawang paa ko.
Hanggang sa mawala na ang sakit ng paa ko.
"Salamat Throy."
Ngumiti sya sa akin then umupo sya sa tabi ko. Tumingala naman ako at pinagmasdan ang mga bituin pati na din ang bilog na buwan.
"Nag-enjoy ka ba sa foundation day?", seryoso nyang tanong sa akin.
"Oo naman.", nakangiti kong sagot sa kanya habang nakatingala pa din.
"Malapit nang matapos ang foundation day."
Napatingin ako sa kwintas ko dahil sa sinabing iyon ni Throy. At tama nga sya, malapit nang matapos ang foundation day dahil unti unti nang nagiging magic dust ang kwintas na bigay nya sa akin.
KAMU SEDANG MEMBACA
FINDING MY GEMS
Fantasi12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."
CHAPTER 61
Mulai dari awal
