"Hindi ko magets Michael.", yun na lang ang sinabi ko.


"Wag mo na ngang intindihin dahil kapag naintindihan mo, malilito ka lang."


"Hah?"



Hindi ko na talaga maintindihan ang mga sinasabi ni Michael. Tumawa naman sya at medyo ginulo pa ang buhok ko.



"Pre, it's my turn.", nakangiti namang sabi ni Brylle na lumapit pa sa amin.



Ibinigay naman ako ni Michael kay Brylle so kami nang dalawa ngayon ang magkasayaw.



"Ganda natin ah. Nagmuka kang babae.", pang-aasar ni Brylle.



Napairap na lang ako pero syempre pabiro lang. Medyo sumasakit na din yung paa ko dahil nakaheels nga pala ako pero hindi ko na lang yun pinansin.



"Tingnan mo oh, halos lahat ng lalaki, sayo nakatingin."



Napatingin naman ako sa paligid namin at tama nga sya, ang daming nakatingin sa amin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Brylle.



"Hindi kasi sila sanay na muka akong babae kaya ganun na lang sila makatingin."



Tumawa na lang si Brylle at hindi na nagsalita pa. Hanggang sa lumapit sa amin si Aaron at sya naman ang kasayaw ko ngayon.



"Naks, kaya pala naman wagas makabakod si Throy eh.", nakangiti nyang sabi sa akin.



Isa pa ito, hindi ko din maintindihan ang mga sinasabi nya. Siguro iisipin ko na lang na may sariling lenggwahe ang mga lalaki kaya minsan ay sila sila lang din ang nagkakaintindihan. Tss.


Napatingin naman ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Throy na kasayaw si Audrey. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanila dahil parang may mga karayom na naman ang tumutusok sa puso ko.


After ni Aaron ay si tito Jethro naman ang lumapit sa akin at nakipagsayaw.



"Kamukhang kamukha mo talaga si Akeesha.", nakangiting sabi sa akin ni tito Jethro.


"Well, ganun po talaga kapag parehong maganda.", pagbibiro ko naman sa kanya.


"Pero alam mo, nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay namin."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon