Suicidal's note 2

22 0 0
                                    

Dear Diary,

Nakaupo ako ngayon sa Starbucks at hinihintay ang mommy ko. Namimili na kasi kami ngayon ng gamit para sa eskwela dahil next week na ang pasukan. Kinakabahan na ako. Parang ayoko ng pumasok, parang hindi ko kaya.

Ang lamig, buti nalang nakalong-sleeves ako. Pero sabagay, kahit naman mainit maglolong-sleeves ako kasi kailangan ko itago yung mga sugat ko sa braso dala ng paglalaslas ko. Hindi pwedeng makita ni mommy. Ayokong idisappoint siya dahil tiyak sisisihin nya sarili niya kung bakit ako naging ganito.

Mahal ko naman ang magulang ko. Pero kasi sobrang weak ko kaya nagagawa ko lahat ng to. Feeling ko hindi ko kakayanin lahat. Jusko po kung may makakatulong lang sana saakin. Nga pala, only child lang ako kung di ko pa nasasabi. Mahirap mabuhay ng walang kapatid. Wala kang mapagsasabihan ng problema, lagi kang magisa sa bahay hays.

Parehas nagtatrabaho sila mommy at daddy. Kaya madalas naiiwan ako sa bahay mag-isa. Kung para sa iba masaya maging only child para saakin hindi. Oo nakukuha ko mga gusto ko pero hindi sapat yun para sa tunay na kasiyahan. Material things can't buy happiness. Kung meron man, siguro panandaliang kasiyahan lang dahil alam naman natin na balang araw maaaring masira ang mga ito.

Sa ngayon nga, may baby malapit saakin. Naiiyak nanaman ako sa tuwing naaalala ko na hindi ako nabiyayaan ng kapatid. Kaya ganito nalang ako kung matuwa at the same time maiyak pag nakakakita ng baby. Well, nabiyayaan kami pero binawi agad ni Lord. Baby boy dapat siya kaso binawian siya ng buhay sa sinapupunan ni mommy nung 7 months old siya. Siya si baby Roi, kinuha agad siya ni God dahil may nangailangan siguro agad ng kaluluwa niya para ipahiram sa ibang nangangailangan.

Pero buti na rin yun at kinuha na siya ni God dahil alam kong mahihirapan lang siya dito sa mundo gaya ng nangyayari saakin. Ayaw ko din lumaki siya na makita nya ang ate nya na suicidal. Ayoko naman na lalaki siya ng walang ate kung sakaling mamatay ako ng maaga dahil sa pagseself harm ko. Siguro nga may rason si God para hindi ibigay saamin si baby Roi.

Buti nalang may mga pinsan akong pwede kong maging kasama kahit na only child ako. Tropa tropa ba, tapos parang magbebestfriends na? More than 50 kaming magpipinsan sa mother's side at more than 50 din sa father's side. Ang laking pamilya no? Yung akala nyo lang masaya lagi pero most of the time may problema.

Sa lahat ng magkakapatid, si Tito Revin(panganay) at Reesha(si mama na pumangalawa) lang ang nakapagtapos ng pagaaral kaya naman ngayon, sila lang yung may maaayos na trabaho. Kaya naman minsan, halos ako lang ang nakakabili ng medyo mamahaling gadgets. Oo masaya pero nalulungkot ako dahil kahit gusto kong bigyan mga pinsan ko, hindi naman kami ganun kayaman.

Hayaan mo balang araw kung sakaling buhay pa ako, magtatrabaho ako ng maigi para lahat ng pamangkin ko mabiyayaan ko ng magagandang gadgets.

O siya, mamaya nalang ulit andito na si mommy! Sususlat ako sayo pag nakauwi na kami. Ciao!

-Rie

A SUICIDAL'S DIARYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz