3R: Rigid Ran Romance

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya ko yan! Aja! actually papunta ako sa bahay nila ngayon! at may dala dala akong gayuma..este pagkain pala! isipin niyo yun! nag-aral ako magluto para sa kanya. Ganoon pala talaga pag naiinlove ka ano? magbabago at magabago ka para sa taong mahal mo. And the funny thing is? you won't even mind. Kilala niyo ako sa pagiging masungit at sinabi ko noon sa srili ko na kung magkakaroon ako ng lalaking mamahalinn kailangan siya ang magsisilbi sa akin and not the other way around! But the thing is...I like fussing about Rigid. Gusto ko siyang ipagluto, gusto ko ako nag-aayos ng gamit niya and it's not even a degradation to my personality, so yeah I think I've changed. At dahil yun sa nainlove ako sa King of Jerks na yun. Napangiti ako dahil sabi ng members niya sa student council na madalas na daw nakangiti ngayon si Rigid ako kaya ang dahilan non? *blush* eeeh!!! >_< wag kayong ganyan!!! kinikilig ako!!!!

Ako lang daw ang nakakapagpangiti sa kanya, lagi daw niya akong pinupuntahan sa room na para daw bang hindi kumpleto ang araw niya pag hindi niya ako nakikita. haay sino nga ba naman ang mag-aakala na ang bangayan naming ito ay mauuwi sa isang napakasayang relasyon! Hmm relasyon? pseudo palang..pero anu bey! dun na din ang punta namin! hihihi!

Pinagbuksan ako ng pinto ng katulong nilang si Erika nginitian ko siya

"Uhm...si Rigid?" tanong ko sa kanya,umismid ito

"Nasa kwarto" pabalang na sabi nito, agad naman tumaas ang kilay ko? echusera much? ano'ng problema nito? Pero siyempre foreign land ito hindi pa ako pwedeng mag-inaso...ni hindi pa nga ako girlfriend eh, kaya naman binigyan ko nalang siya ng isang napakatamis at napakaplastik na ngiti

"Ah ganoon ba? sige salamat pupuntahan ko nalang siya" sabi ko at akmang aakyat na ako ng hagdan ng magsalita ulit ito

"Girlfriend ka ba niya?" tanong nito sa akin at humalukipkip...ooohhh what is this? sasagot palang sana ako ng

"Oo bakit Erika may problema ka ba doon?" tanong ni Rigid na bahagyang nakasilip mula sa kwarto niya, magulo ang buhok halatang kagigising palang. Awtomatiko naman akong napangiti ng sumenyas ito sa akin na umakyat na.

Nakita ko pa ang pagkalukot ng mukha ni Erika pagkaakyat ko. Pero kiber? wala akong pakialam sa kanya noh...bahala siya jan.

Naglahon ang ngiti ko ng pumasok ako sa kwarto ni Rigid to find him topless! O_O oh em gee bakit parang biglang uminit ang panahon? My eyes roamed around his face down to his washboard stomach and visible eight pack abs...gulp..shet >_< ang hot! ibinalik ko ang pangin ko sa mukha niya who was now grinning naughtily

O_O hindi ko pa kaya yun!

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon