Hey You! I Like You!

22 4 3
                                        


HER POV

Kringgg ! Kringgg! Kringg !

“Okay class dismissed.” Sabi ng teacher namin saka niligpit ang mga gamit at lumabas ng classroom.

“Hayy ! buti naman tapos na ang klase. Tara gala muna tayo?” Dinig kong sabi nang kaklase kong babae sa mga kaibigan niya.

“Sige tara. Buti nga shortened period e.” tugon  naman nung isa.

Oo nga maaga kaming nadismiss ngayon kasi may meeting daw lahat nang teachers tungkol dun sa Intramural Athletic Meet na gaganapin bukas.

Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong alas tres palang.

“Fritz! Una na ako ha? Andyan na kasi ang sundo ko.” Baling sakin ni Rye, kaibigan ko.

Tumango nalang akong bilang sagot. Saka siya nginitian.

Nagpunta muna ako sa powder room bago umuwi. Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa loob nang classroom kasi ang dami kong dalang libro.

Nang makapasok ako sa loob ng CR nakita ko ang tatlong babaeng busy sa pag-aayos. Laglagpasan ko nalang sana sila para pumasok sa pangatlong cubicle ngunit hinarangan ako nung isa.

“Look who’s here” sabay taas nang isang kilay.

“Padaan.” Pabulong ko iyong sabi pero sa paraang maririnig niya.

“Ohh! The four-eyed nerd.” sabi naman nung isa na humarap na sa akin.

Lalagpasan ko na sana sila nang hilahin ako nang isa pa saka ako tinulak kaya nabangga ako sa pintuan nang isang cubicle. Apat lang kaming narito kaya wala ni isang nakakakita sa ginagawa nila sakin.

Gusto kong maiyak  hindi lang dahil sa sakit ng braso kong nabunggo, kundi dahil sa pang-aapi nila sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Ewan, wala naman akong kasalanan sa kanila pero inaaway nila ako.

Gusto kong magalit at awayin sila pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa. Baka makarating pa ito sa school administration at mawalan ako nang scholarship kaya pinipili ko na lang na manahimik.

Tinitigan ko lang sila at akmang papasok na sa loob ng cubicle pero narinig ko munang nagsalita ang siguro leader nila. Siya kasi yung palaging nasa gitna.

“Loser! Four-eyed freak!” tapos umalis na sila. I’ve been through worst that whatever derogatory terms they call me hindi na ako nasasaktan.

Pagkatapos ko mag-ayos sa CR bumalik na ako sa classroom. Wala na akong classmate na nadatnan.

At…

At…

At…

Wala na naman yung bag ko!  Kainis siguradong tinago na naman nila iyon .  Panlimang beses na ata to. Akala ko kasi sawa na sila sa pantitrip sakin kaya iniwan ko yung bag ko dito. Yun pala hindi pa.

Hinanap ko na ang bag ko. Gusto ko nang umuwi. Hinalughog ko ang buong classroom.

Tinignan ko sa loob nang book shelf. Wala.

Sa likod ng pinto. Wala rin.

Halos mawalan na ko nang pag-asa nang may maalala akong hindi ko pa tinitignan.

Hinanap ko dun at. Ayun! Nilagay nila sa loob nang basurahan. Kaasar. Buti puro papel lang ang laman nito. Yun nga lang medyo nadumihan yung bag ko. Pinagpag ko na lang lalabhan ko nalang pagkarating ko sa bahay.

Lumabas na ako ng classroom dala-dala ang lima kong libro. Kailangan kong simulan nang magreview kasi pagkatapos ng Intramural Meet may exam daw kami sa lahat nang subjects. Di ko nga alam ang trip nila e.

Hey You! I Like You! (One Shot)Stories to obsess over. Discover now