Chapter 20

2.1K 46 5
                                    

Let's see kung ano mangyayari kay fafah Arvind :0
And anyway sorry kung ang lame nung nilagay kong video diyan. Yan lang kasi yung nakita kong video para ma-imagine niyo yung kinakanta ng recorder mamaya. Kay Barney yan. Hiniram ko lang . haha!

****

Arvind's POV

Nagising ako dahil sa pakiramdam ng pangangalay.
Shit!
Ano ba nangyari?

Tatayo sana ako kaso ano ba tong posisyon ko?!

Nakatali ang mga kamay ko patalikod.
Tapos nakaluhod ako at nakapatong ang ulo sa isang kahoy...

Inilibot ko ang paningin ko at mukhang nandito pa rin ako sa storage room.

Sinubukan kong sumigaw pero Shit ! Shit !

May busal ang bibig ko!

"Hmmmmpfff!!!"

Sa mismong tapat ko at ilang metro ang layo sakin ay ang pintuan.

Tang-*na, wala bang nakakarinig?!

At ano ba yung mga lubid na konektado sa kung saan-saan?

Pati sa pintuan nakakonek sya.

"Gising ka na pala."

Napalingon ako sa gilid ko.

Hah! Sya pala.

Sino nga ba namang mag-aakala na siya ang walangyang pumapatay?

Kahit ako, naloko niya.
T**g-ina niya.

"Hmrrrrmpfff!!!"

Sigaw ako ng sigaw at nagpupumilit na kumawala sa pagkakatali.

Takte makawala lang ako dito papatayin kita!
Papatayin kita!
Hayop ka !

Pero ano bang masasabi ko kundi puro ungol dahil sa letsugas na nakabara sa bibig ko!

Tumawa siya ng mahina at inilagay ang daliri sa mga labi niya.

"Sssshhhh... Baka magising mo sila."

Tss! Yun nga ang purpose ko gago!

"Pakialamero ka kasi. Hindi ka pa naman dapat mamamatay. Kaso, excited ka. O de sige, pagbigyan. Katulad mo yung walang kwenta mong kaibigan. Si Dave."

Hayop ka talaga!

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Sana, totoo na lang nakamamatay ang tingin para kanina pa siya bulagta ngayon.

Bwisit!

"Nakikita mo ba yang mga konektadong lubid na yan? Tignan mong mabuti... Yung nasa pinto.. Konektado sa bagay na nasa ulunan mo."

Itinuro niya pa ang uluhan ko at ako namang si uto-uto, tumingin den sa itinuro niya.

At doon sa taas, nakita ko ang isang malaking blade?!
Nanlamig ang buong katawan ko. Pag nalaglag yang blade na yan, taena tapyas yung ulo ko sa katawan ko!

Narinig ko uling tumawa ng mahina ang gago.

"Wag ka mag-alala, hindi naman malalaglag yan unless...."

THE REUNION'S SECRETWhere stories live. Discover now