Rank 1: Gian Duke Vangauge lV-A
Rank 2: Empress Serenity Mcfade lV-B
I signed... Hay sa susunod di na ako mag papatalo. Ngayon lang yan tutal 2nd grading pa naman. Matatalo ko din siya! Asa namang susuko ako!
"Hayyy ... Sila na naman, ang galing talaga ni Gian Myloves! Siya parin ang rank 1!" I rolled my eyes in 360 degrees. Ano ba tong bestfriend ko! Rank 2 na nga section namin nakuha pang sambahin yung lalaking yun.
"Wag kang mag alala besty alam kong kaya mo yan! May tiwala kami sayo! " determindong sabi ni Hiede.
"Hmp. Oo naman! Kayo nga lang tong inaalala ko. Wag kayong mag alala dahil sisiguraduhin ko na sa susunod na grading malalampaso ko na yang mayabang na section A na yan! " may pag asa kong sabi.
"Puro kayabangan lang naman ang mga alam ng mga yan. Porque mga anak ng mga businessman! Tss. Filty rich brats! " naiiritang litaniya ko pa. "Uy best! " sabay pasimpleng siko sakin ni Hiede. "Ano? Kakampihan mo yang mga yan? Totoo naman Anh sinasabi ko ah! Porque nasa section A sila akala mo kung sinong matatalino!? Eh puro pasikat lang naman sila! Atsaka yang Duke na yan! Duke-Duken ko yang mukha niya eh!? Akala mo kung sinong snob pero palihim namang pinapatulan yang mga nanlalandi sa kanya!" may bahid na pag kairitang sabi ko sa kanya.
"Really? " ani ng isang baritong boses. Bigla akong napalingon sa pinggalingan nito. Ang boses na yun! My ghaddddd! Ibig sabihin narinig niya yung sinabi ko! Pero Teka lang. Ba't naman ako natatakot? Totoo naman yung sinabi ko! Well, partially.
Taas noo ko parin siyang hinarap. "Oo, ano naman sayo? "
He just smirk at lumakad na siya palayo.
*dug *dug *dug *
Pilit kong iniignora ang namumuong pag hanga sa aking dibdib. Mali toh! Maling mali!
Unti unti kong narinig ang maiingay kong kaklase habang papalapit sa classroom. Nang tuluyan na kaming makalapit bigla namang nawala ang ingay. Oh nanahimik bigla! Then loading...
Ahhh alam ko na! Pag katapak na pagkatapak ko sa pintuan para silang nabunutan nang tinik.
"Ay ano ba yan! Akala namin si Maam Magsaysay na. " ibubuka ko pa sana ang bibig ko nang.....
"Hulaan ko! Rank......... 2 na naman tayo noh! " energetic pa niyang pahayag. Tss. Mga sira ulo talaga tong mga kaklase. "Yehey! Rank 2 na tayo! Ulit! " nag lulundag lundag pa niyang sabi.
"Tse! Ngayon lang yan! Makikita mo sa susunod! Ang pangalan ko na at ang section natin Ang nasa rank 1! " aba syempre dapat confident ako! "Yan ang president namin! Whoooooohhh!!!! " hay, mga may topak talaga!
Maya maya pay pumasok Ang isa kong kaklase. Ang aming messenger.
"paparating na si Maam! "
Agad namang nagsibalikan ang lahat sa kani kanilang upuan. Bura ng mga vandal, pulot ng mga crumpled papers , ilang saglit pay pumasok na ang teacher. Makikita mo ang malaking deperensya mula sa ginagawa nila kanina. Ngayon may ilang nag babasa ,nagsusulat at may kanya kanyang hawak. Mga pakitang tao talaga ang mga taong toh! Tsk.
"Nandito ako para iannounce na may magaganap na debate, section A vs section B, at siyempre Miss Mcfade. Ikaw ang magiging representative ng iyong section. " mahabang litaniya ni Maam Magsaysay.
"Yun oh! " napatingin naman ang lahat sa sumigaw kong kaklase. Pasaway talaga!
"ehem. Ang galing talaga ni Prez. " sabay mahinhin na pumalakpak na akala mo di sumigaw kanina.
Ok, awkward. -_-
*recess
Sabay kaming bumaba ng bestfriend ko papuntang canteen. Halos punong puno na ang mga tables. Isa nalang din ang vacant na upuan.
"best. " tawag sakin ni Hiede.
"Di sige, umupo kana, may vacant pa namang iba. Tsaka siguro wala na namang mag rerecess. " wala narin naman siyang magawa kundi ang pumayag. Umupo na ako sa pang dalawahang table. As usual sobrang ingay ng canteen, rinig na rinig ko pa ang asaran ng mga kaklase. Napatawa nalang ako kung paano ito nag kukulitan at nag aasaran. Akala mo parang walang bukas kung mag tawanan.
Pero biglang napawi ang aking ngiti nang may humarang sa aking paningin. Umupo ito sa may harap ko.
"Ano naman ginagawa mo dito? " mataray kong tanong.
"Lunch time. " kibit balikat nitong sagot. "eh ba't dito ka pa umupo? " tumingin naman siya sakin. "No vacant. " Aba! Ganun!? Kahit kailan pa cool talaga tong Duke na toh!
Oh bakit affected ka? Aba siyempre affected ako kasi napaka...... Ahmmmm.... Basta!!!!
Ok baliw na ng siya.
Tinigil ko na rin ang pag tatanong dito. Maya maya pay tumayo na ito. Sabay sabing......
"You can't beat me, miss rank 2" sabay pinag patuloy ang pag lalakad.
"Bigla namang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Ginagalit talaga ako ng posteng yun!
"Hoyyyyy Teka lang yabang! Bawiin mo nga yung sinabi mo! " saka pilit na humabol dito.
May naramdaman akong tila pumatid sakin kaya bigla akong napasubsub sa sahig. Nakita kong napatingin sakin ang lahat. My goodness grace! I just created a scene. Naramdaman ko rin ang pag titig niya.
"tss. Tanga" namula naman ang aking pisngi. Alam kong siya yung nag salita. Pinilit kong tumayo. Subalit napapa upo ako. Doon ko naramdaman ang sakit ng aking paa, takte! Mukhang na sprain ang right foot ko. I Tried standing pero di parin,
Nanlaki naman ang aking mata nang naramdaman ko ang aking pag angat sa ere. Dahan siyang lumakad, doon ko napagtanto. Sh*t! Binuhat niya ako! Nang makarating sa clinic agad ginamot ng naka abang na nurse ang aking paa.
Habang ginagamot pilit kong di pinapansin ang kanyang presensya. Bakit ba kasi di ako mapalagay!?
Di namalayang nakatulog na pala ako. Sigurado umalis nayun. Di man lang ako hinintay. Teka nga muna! Bat niya naman ako hihintayin!? Tumingin ako sa naka bendang paa. I tried to walk, nag tagumpay naman ako, subalit paika ika nga lang. Nang makalabas nang clinic. May kung anong matalim na bagay ang kumislot sa aking dibdib nang wala akong madatnan sa labas.
Marahan kong pinukpok ang ulo. Hayss ano bang nangyayari sayo Serenity!bwiset! Padabog akong humakbang pero huli na nang malala kong may sprain pala ako. Kaya naman inaasahan kong hahalik ako sa sahig, ngunit datapwat subalit... May kung anong bagay ang aking nasandalan. Bahagyang nakapulupot sa bewang ko.
"You're really a disastress Miss Rank 2" napalingon naman ako sa pinanggalingan nang malamig na boses. With that... I stiffed.
أنت تقرأ
Tanging Hiling
عشوائيMagkaribal sa halos lahat nang bagay. Tinalo pa ang pusa at aso sa pag aaway. Ganyan nga siguro sila. Pero sinong nag sabi na hindi pwedeng mahulog ang loob niya dito. Talaga bang hanggang Mag kaaway lang sila? O may chance pa? Matupad kaya ang...
