Hindi

214 3 0

"Ok,that's only for today. Class dismissed"
ani ng aming guro bago lumabas.

"hays! Finally she's one of a hell boring kind of a teacher" bulaslas ni Juvi habang umuunat.

'sinabi mo pa! Grabe yung pag kurot ko sa sarili ko. Magising lang sa nakaka-antok nyang klase! Tingnan nyo oh!" sabi naman ni Kyla at pinakita nya sa amin ang mamula-mula nyang braso dahil sa pagkurot sa sarili.

napatawa kaming tatlo

"Kung di lang sya nangbabagsak nang estudyante malamang tuwing time nya nananaginip lang ako." ani Juvi.

"eh napaka-istrikto naman kasi ni ma'am Barela eh! Di naman natin major ang history subject nya! Bwusit!" ani Kyla at patabog na pinasok sa bag nya ang makapal na History book.

Napa-iling nalang ako at palihim na natawa sa mga reklamo nila habang inaayos ang gamit ko.
Sanay na ako. Tuwing history ganito naman palagi ang senaryo.

"Pero kailangan ko syang pagtiisan! Ayoko kayang mabagsak sa subject nya at
i-re-take yon.Jusme! Ayoko syang makita ulit!" -kyla habang sinasabunot ang sarili.

"nastress tuloy ako!  Maya anong oras na?" tanong sakin ni Juvi.

napatingin naman ako sa wrist watch ko.

"3:45pm palang"

tumango naman sya.

"wala na tayong pasok sa Literature diba? Wala raw si ma'am Chua." Kyla.

"Oh? Naks! Nice one! Mag mall tayo!" todo ngisi naman ni Juvi.

Tumayo na ako at sinuot ang shoulder bag ko.

"hmm pass muna ako,pupuntahan ko pa sya eh" malumay kong sambid

napakunot-noo naman silang dalawa.,well I already expected that kind reaction.

"na naman?! Palagi kana lang nasa kanya tuwing may oras tayong makapag-bonding"
Halatang naiinis na sambid ni Juvi.

"Juvi! Tama na!" saway ni kyla.
"Sige na Maya, ikamusta mo nalang kami sakanya "

"nakakatampo kana Maya ah! Halos lahat ng oras mo nasakanya"

binalewala ko nalang ito at agad tumalikod sa kanila para umalis.

Nasa hamba na ako ng pinto ng mapatigil ako sa tanong nya.

" Maya! Hindi ka pa ba napapagod? "

--

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko pinihit pabukas ang pinto ng kwarto nya.

Napangiti ako ng makita sya na mahimbing na natutulog. Payapa syang nakapikit at tila walang problema.

"Max"bulong ko sa pangalan nya at hinalikan sya sa noo.
umupo ako sa katabing upuan ng kanyang kama at hinawakan ang kamay nya.

Pinagmasdan ko ang mukha nya.
Maputla ito, namamayat na rin sya.

Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko. Kaya huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kung pwede lang ayokong panghinaan ng loob. Ayoko,sa harap nya

"605 days" sambid ko, nakatitig lamang ako sa maputla nyang kamay habang pinaglalaruan ang mga daliri nya.

"605 days kanang natutulog boo,hindi ka pa napapagod?" mahina kong tanong sakanya.

Naalala ko naman ang tanong sakin ni Juvi.

"Maya! Hindi ka pa napapagod?"

Hindi ka pa ba napapagod? Basahin ang storyang ito ng LIBRE!