Ang Crush Ko!

88.1K 942 18
                                    

Ang boring talagang gumala kapag wala si Bessie!  Walang nagrereklamo.....walang madaldal.......walang matakaw........walang critic.  Kainis talaga yang si Lex!  Inagaw ang friendship ko sa akin.  

I left Cammy in the house.  Ayaw din namang lumabas ng bahay ang maarteng bata dahil mainit daw. Ang sabi pa 'I'd rather stay here in our home with the comfort of AC than to go out.  Tska, I want to read because I cannot believe that Mason got a point higher than me!' 

Ewan ko ba sa batang iyon.  Ang init ng dugo kay Mason samantalang si Mason, wala lang sa kanya ang ginagawa ni Cammy.  Sabagay, eversince naman, Mason is a happy kid.  Lumaki kasi sa masayang pamilya. Si Cammy ko rin naman kaso talagang sobrang sungit at suplada.  At tingin ko, alam ko na kung kanino nag-mana.

"Sandra?" napalingon ako sa tumawag sa akin.  Of all people talaga naman! Bakit ang gwapo....as in ang gwapong tatay ng anak ko pa ang makikita ko! Gumaganda ang mundo ko! Kaso hmp!  Suplado talaga!

Pinigilan kong ngumiti.  "Troy right?" wiz!  As if naman, hindi ko sya kilala no! Eh nag-google na ako tungkol sa kanya. Nakapag-save na nga ako ng maraming pictures niya eh.  Ggguuullllaaayyyyy!!!! Hindi ko mapigilan ang kilig ko! Pero syempre, dapat hindi mahalata at baka sabihin, malaki ang pagnanasa ko sa kanya!

Tumango siya.  Tumingin sa paligid na tila may hinahanap.  "You're alone?" haist naman talaga!  For sure, si Bes ang hinahanap niya.

"Yah.  Bea is not around.  You know naman, she's already married di ba?" tumango siya. "What are you doing here by the way?" 

"I'm just checking the mall," napakunot ako ng noo.  "Oh, I think Ice hasn't told  you yet.  I own this mall.  This is one of the branches," tumango siya nang may empleyadong bumati. 

Again......pretending I'm  not amazed of his wealth.  At para hindi lumaki ang mata ko sa bilib, I smiled para lumiit ang mga magaganda kong eyes.

"Yes......she hasn't told me.  I don't think there's a need for her to do that," ibinalik ko ang tingin ko sa swimsuit na suot ng mannequin.

"That suits you," napalingon ako sa kanya ng nakataas ang kilay, lips twisted. 

"Really?  Thank you.  Kanina ko pa nga iniisip kung bibilhin ko yan e," it's a magenta color two piece na halos wala nang matatakpan sa akin.

"Yes. It seems like......" but he was interrupted with the woman at his back.

"Troy, I just want to remind you about your meeting with Mr. Lex," sinipat ko ang babae.  Maganda siya.  Matangkad, matangos ang ilong, jet black hair na tuwid na tuwid at halos umabot na sa baywang nito.  She's very sophisticated.  But one thing I don't like about her.......suplada!  Sama ng tingin sa akin.

"Okay.  By the way, Sandra, I want you to meet Gwen.  She's my P.A.  Gwen, meet Sadra, Beatrice's friend," pakilala niya sa amin.

Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis.  "Correction.  I am Bea's best friend," dukutin ko talaga ang mata ng babaeng ito! Kung makatingin akala mo pag-aari niya si Troy eh P.A. lang pala sya!

"Whatever!" mahina niyang sabi pero napatingin kami pareho sa kanya ni Troy.  Sya naman, deadma!

"Okay Sandra, we really have to go.  Enjoy your shopping!" at bago pa ako makapag babay sa kanya, tumalikod na silang dalawa.

At kitang kita ko kung paano dikit dikitan ng Gwen na iyon ang tatay ng anak ko ha!  

"Landi nito! Tse!" napalingon ako nang may marinig akong humahagikgik sa likuran ko.  Yung sales lady pala.  Nginitian ko siya. "Wag mo akong isumbong ha," sabay kindat ko sa kanya.

Mr. Nuknukan Trilogy (d' 2nd) - Troy (Published by Bookware - EBook)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora