My Girlfriend

45 4 2
                                        

My Girlfriend [One shot]
©All Rights Reserved
Tagalog// 04/16/18
...........................................................................

"Hindi ko talaga alam kung bakit naging girlfriend kita?" Tanong ko sakanya nakakapagtaka bakit Mahal na mahal ko tong baboy nato.

"Aba katapos mo kong landiin mag tataka kapa? Ginag*go mo ba ako?"
Inirapan nya ako at saka  sabay kagat sa kinakain nyang Fried Chicken. Tsk ang Takaw talaga.

"Psh. Sungit nito, kung linandi kita eh bakit ka naman nag palandi?" Tanong ko sakanya at sabay bato ko ng throw pillow kaya ayun nahulog yung kinakain nyang manok.

Ayun nagulat napanganga pa sya at lumitaw tuloy yung dalawa nyang bilbil sa baba. Tapos sabay lingon sakin.

(>_>) (<_<)

Ang sama ng tingin nagalit ko ata
(-______ -) masama pa naman magalit yang baboy na yan. (._.) beastmode na si g*go.

"Nag tataka ka kung bakit naging girlfriend mo ako? Edi sana sa una palang hindi mo nako linigawan diba? Hindi yung puro ka reklamo. Tignan mo ginawa mo dinamay mo pa yung manok ko. Hala sige lalayas na lang ako t*ngina break na tayo" sigaw nya sakin sabay walk out.

Grabe (-_-)

Ang Drama talaga ng baboy na yun, Pero kahit ganun yun. Mahal na mahal ko yun.

Nakakatawang isipin pero adik na adik ako sa babaeng yun. Natatandaan ko pa nung una ko syang nakita.

Nag lalakad sya nun sa hallway kasama tropa nya. Aaminin ko hindi kagandahan ang baboy na yun. Madami syang bilbil pati baba nya meron na din. Malaki braso nya mas malaki pa sakin. Hindi sya sexy pero may curve naman sya  yung tipong coke in can.  Nakasimangot sya nun trip ata sya ng tropa nya. Natawa ako sakanya nun ng literal. Kapag kasi naka simangot sya mas lalong nagiging flat yung ilong nya. Feeling cute si gago

Pero baliw ata puso ko, kasi sa maniwala man kayo o sa hindi. Na love at first sight ako sa tabachoy na yun. Sa una iniisip ko siguro natuwa lang ako sa madami nyang baba kaya imposible na mainlove ako.

Pero sa panahon na lagi ko syang nakikita mali pala ang akala ko. Hindi pala ako attracted sa madami nyang baba. Siguro nagustuhan ko na lang sya bigla.

Malakas syang tumawa kahit mataba sya wala syang pake kung pinagtitinginan na sya. Basta ang alam nya masaya sya kaya tatawa sya kahit gaano ito kalakas.

Pala mura sya ang hilig nya mag mura. Para syang isang machine gun na sunod-sunod kung mag mura. Nakakaturn-off daw sabi ng iba. Kasi kababaeng tao ang talas mag salita.
Pero para sakin isa yun sa mga katangian nya na gustong gusto ko sakanya.

Hindi kasi sya mahiyaing tao in other words makapal mukha. Kung tutuusin napakalakas ng loob nya wala syang inuurungan. Hindi sya nahihiya kung ano sya, kapag inaway mo sya aawayin karin nyan hindi yan mag papatalo.

At iniidulo ko sya sa pagiging ganon. Kasi kahit lagi syang pinagsasalitaan ng masama binabaliwala na nya lang ito. Tapos lagi nyang sinasabi na

"T*ngina pabayaan mo sila mga kulang sa pansin yan. Mga walang nanay yan kaya nag papapansin"

Minsan kahit alam ko na matatag sya. Alam ko na nasasaktan parin yan kaso tinatago nya lang, Ang pinaka-ayaw nya kasi ang makita ko syang umiiyak. Feeling nya ang hina-hina nya.

At minsan naiinis ako sa sarili ko kasi kahit alam kong nasasaktan na sya wala akong magawa.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na "Mag Diet ka nga ang taba-taba mo na"
Kasi ayoko syang saktan, wala naman akong pake kung ano ang itchura nya. At saka bakit ko sya pipilitin mag diet kung sa simula't sapul kaya ko nga sya minahal dahil gusto ko kung ano sya.

Mahal ko sya. Hindi nya kailangan mag paganda o mag papayat para makuha nya ang atensyon ko. Kasi sa simula pa lang inlove nako kung ano man sya.

Yes, hindi sya maganda o sexy sa paningin ng iba pero for me i know she's the right girl that i want to spend of my life.

Kahit napaka moody nya mahal na mahal ko yan. Nakakatawang isipin na 6 years na kaming dalawa. At tuwing anniversary namin lagi kaming mag pupustahan. Lagi nyang sinasabi na

"uy! Lumagpas na naman ang isang taon pano ba yan tol! Ano hiwalay na tayo? Wala namang forever eh. So ilang months na lang ba tayo tatagal?"

Oo ang negative nya mag isip pero ni minsan hindi ko inisip na bitawan sya.
Pero dahil baliw yang si baboy pinapatulan ko ang kalokohan nyan.

Kaya nag pustahan kami bawat taon ang pusta nya hindi daw kami mag tatagal. Baka mga after 3 months hiwalay na daw kami. At ang pusta ko aabot pa kami ng isa pang anniversary.

Pero matatag kami, umabot kami ng 6 years kaya lagi syang talo.

At ngayon ang pang 6th Anniversary namin. Pero badtrip si taba may walk out pang nalalaman eh sa kusina lang naman dumaretcho. Feel at home rin itong si taba eh. Lagi ubos laman ng ref ko pag nandito yan sa bahay eh.

Pero dahil sweet akong boyfriend dito ko sya sinuprise. Na surprise ko nga sya pero nasapak naman ako kanina, ang landi ko daw eh hindi naman daw kami mag tatagal mag hihiwalay naman daw kami. Tapos ang dami ko daw alam. -_________ -

Palibhasa walang sweet bones sa katawan.

"Payatot!!"

Napalingon naman ako ng tawagin nya ako sa endearment nya sakin. Pero hindi talaga ako payat masculine lang.

Ang dami nyang hawak, may isang galon ng ice cream sa kaliwa nyang kamay at dalawang box ng pizza sa kanan naman nya. At aba matindi nadala nya pa yung isang jar ng nutella.

"Oh bakit dala mo yan?"
Tanong ko sakanya.

"Dahil break na tayo dadalhin ko lahat ng pagkain mo pa-uwi at dahil madami to bilang Ex-boyfriend ko ihahatid mo ko sa bahay ko"

>_> hindi ko alam kung takas ng mental tong taba nato.

"At sino naman nag sabi na break na tayo?"

"Ako! Narinig mo naman diba?" Aba nag taray pa.

"Ulol! Umupo ka nga rito sa tabi ko, T*ngina dinudugo ka lang kaya ganyan ka eh. Walang break na mangyayari baka gusto mo ma-massacre, tsk ang gulo nyo talagang mga babae"

"Hmp. Ano ka chicks? Uuwi nako"
Nag lakad na sya papuntang pinto. Hays! Tumayo na lang ako sa pag kakaupo at sinundan ko sya. Kaya napatingin sya saakin.

"Oh! Bakit pipigilan mo ako?" Tanong nya at nakataas pa ang isang kilay

"Hindi. Hahatid na kita tanga ka pa naman baka ano pang mang yari sayo edi nawalan pako ng future soon to be wife"

Pftt. Kinikilig si taba namumula ang mukha eh. Psh konting lambing pa bibigay nato.

"Leche ang land-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya ng kabigin ko ang ulo nya palapit sa mukha ko at dali daling hinalikan. Ang daming sinasabi eh -___ -

Ng pinutol ko ang halik ipinagdikit ko ang aming noo at saka sya tinitigan sa magaganda nyang pares na mata.

"No matter what happen i will always love you taba. Happy 6th Anniversary at sa muli ako na naman ang nanalo sa pustahan natin. Pero wag na wag mong iisipin na iiwan kita kasi hindi iyon mang yayari okay? Because your the only one that i love remember that. I love you my girlfriend.

"I love you too payatot, happy Anniversary"

Once again we shared a wonderful kiss.




My god i love this girl so much

The End

•••••••••••

Author's note:

Hope you like it. First time ko po gumawa ng one-shot kaya hindi sya gaano kaganda. Pero i'll try next time. At sorry sa mga wrong grammar at typos.

Vote and share guys 😘

Thank you....

My GirlfriendWhere stories live. Discover now