"Hoo." Umiling na lang si TJ habang may ngiti ang sumilay sa mga labi.

Wow, alam pala ni TJ kung pa'no ngumiti?

Pumara na siya nang makarating na sila sa village niya. Hindi na niya pinapasok pa ang tricycle dahil nakasanayan niya na ang naglalakad papasok sa village nila dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila.

"O, bakit hindi ka na sumakay? Stalker ka talaga? Umuwi ka na nga!" pagtataboy niya kay TJ nang paalisin na nito ang tricycle nang hindi ito kasama.

"Feeling mo naman," bale-walang sabi nito at nilagpasan na siya. Tuloy-tuloy 'tong pumasok sa village nila. Don't tell her sa village din nila nakatira si TJ?

Kasunod siya nito habang naglalakad, at tama nga ang hinala niya!

"Hoy! Kayo ba 'yung bagong lipat dyan?" tawag niya kay TJ nang akmang bubuksan na nito ang gate ng bahay.

"Hindi. Itong bag ko lang ata?"

"Wow. Masaya?" naniningkit ang mga matang balik niya.

"Ha?" takang tanong ni TJ.

"Hotdog."

"E, cheesedog."

Aba't talagang ayaw paawat ng mokong? "Tae mo."

"Bilog-bilog."

"Yuck! Kadiri 'to!"

"Ako pa'ng naging kadiri? Ano ba'ng sinabi ko? E, ikaw 'tong may sabi ng tae dyan. Tss." Tsaka tuloy-tuloy na pumasok na sa bahay ang walang'ya.

"Tsshhh... Pangeeeet!" pahabol na sigaw niya. Napahiya siya ro'n, ha. Buti na lang walang audience.

Humahaba ang ngusong pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila. Wala pa ang mommy niya at ang kasamabahay nilang si Ate Lulu lang ang naabutan niya. Tuloy-tuloy na umakyat na lang siya sa kwarto niya.

Naman! Hanggang sa bahay ba naman.... Pader lang ang pagitan nila, e. School, room, club.... at pati ngayon, sa bahay? Ugh! Bakit hindi niya alam na ang pamilya ni TJ ang bagong lipat na kapit-bahay nila? So stupid of her.

**********




BAKIT ang sunga-sunga ni Yanna? Hindi alam na kami ang bagong lipat dito? Isang linggo na kami rito, jusko naman po, hindi makapaniwalang naisip ni TJ.

Kung sabagay, hindi naman sila nagkikita sa loob ng village. Ngayon lang. Pa'no naman kasi, late laging pumasok si Yanna tapos 'pag uwian naman, hindi rin sila nagkakasabay.

Bumuntong-hiningang ibinagsak niya sa kama ang katawan niya at pumikit. Hindi siya makapaniwala. Napakalaki na talaga ng pinagbago ni Yanna. Dati, hindi man lang 'yon makatingin ng diretso sa kanya. Pero ngayon, lahat binabara. Katulad na lang kanina, parang wala lang at parang kayang-kaya nito ang paghahamon nu'ng Drea na 'yun.

Narinig niya kasi ang pakikipag-usap ni Lexi kay Drea kaya nga binalaan niya si Yanna. Pero tigas ng ulo, hindi pa rin nakinig. Buti na lang talaga't sinundan niya... Kargo de konsensya ko pa 'pag nagkataon, iiling-iling na naisip niya. Natawa pa siya. Kargo de konsensya? Sa'n ko napulot 'yun? Napangiti na lang siya.

Kahit na nga ba hindi niya na dapat pakialaman si Yanna, hindi pa rin kaya ng konsensya niya. 'Ba naman, kinakailang naging boyfriend siya, e.

Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali kung bakit iniwan siya ni Yanna noon at ngayon naman, e, kinakaila siya. Mas lalo tuloy niyang gustong gantihan si Yanna.

**********




"HELLO?" sinagot ni Lexi ang tawag ng kaibigang si Andrea.

"Sorry, Lexi. Hindi namin nagawa," pagbibigay-alam agad ng kaibigan.

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin