ENDLESS FALL 1

7 2 0
                                        

Hi guys! Expect CONYO languages and multiple grammatical and typo errors. I'm a frustrated writer. So please bare with me. 😘

**********

CARLY's POV:

''oy Carly matagal ka pa ba dyan? male-late na tayo !'' sigaw sakin ni Trish mula sa sala.

''Oo na! Napaka time concious mo talaga! May 3O minutes pa naman tayo .''  sigaw ko habang nagmamadaling maligo.

Binilisan ko na lang magbihis dahil lagot ako sa kanya pag na late kami. Hate na hate niyang madungisan ang pagiging punctual niya. Kahit naman okay lang na ma-late kami. tch.

After 5 minutes ready na ako. Masama pa ang tingin na ipinukol niya sa akin nang nadatnan ko siya sa sala. Nginitian ko na lang siya at nagsorry.

''Kung hindi lang talaga sira ang kotse mo iiwan na kita dito e.'' sabay irap sakin.

Di nalang ako sumagot dahil baka mas lalo siya mainis. hehehe. Nasa talyer kasi ang kotse ko . Sira ang aircon. Mamayang hapon ko pa makukuha kaya nakisabay muna ako sa aking BFF.

----

Saktong 1O minutes bago mag-8AM, narating na namin ang ZACYR . We bid our goodbyes as I  step out her car. Magkaiba kami ng work. May sarili akong boutique while siya, chef sa resto ng family nila, which soon will be hers na rin.

As I was saying, ang boutique ko ay pinangalanan kong ZACYR dahil wala lang. Trip ko lang. hahahahaha! Okay. That was corny -.- Basta may rason kung bakit ganyan ang pangalan pero ayoko nang ikwento. Hindi na mahalaga yun... Sa ngayon. ✌😉

habang papasok ako sa building, may bigla akong nakabangga. Muntik na akong ma-out balance kung hindi lang ako nasalo netong mamang ito.

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at bubulyawan ko na sana ang kung sinumang aanga-anga na bumangga sakin nang natulala ako sa aking nakita.

OH-EM-GEEE. as in OH MY GOSH !!!
ANG GWAPO! Naka business suit siya ngunit halata ang muscles niya . For sure may six packs abs yan. OMG! medyo kalahating dipa ang layo namin pero amoy na amoy ko ang pabango niyang tila inaakit akong amoy-amoyin siya. Naglalaway na ata ako.

''done checking me out?'' He said while grinning.

Bigla naman akong nawala sa aking pagkatulala dahil sa nagsalita siya. Antipatiko! sasagot na sana ako nang nagsalita siya.

''Look, I'm sorry. Nagtetext kasi ako kaya hindi ko napanain na mababangga na pala kita''

''It's okay. Apology accepted. '' sabi ko nalang na nakangiti at tinalikuran ko na siya. Kinapa ko na rin ang gilid ng labi ko kung naglaway nga ako. Buti nalang wala. hihi.

Bahala na kung pagkamalan niya akong suplada dahil tinalikuran ko siya bigla. I can feel the sudden rush of blood to my face. Oh em gee! I'm blushing. That man! Who is he? Is he working here? Or a new client perhaps? Ugh! I hope I can meet him again.

---
Nang nasa opisina na ako, sinalubong ako ng sandamakmak na paperworks. Okay. THIS.WILL.BE.A.LONG.DAY. hayyyyyy -.-

**********
ZEKE:

  Mas lalo siyang gumanda. Apat na taon na rin mula noon huli ko siyang makita. Bakit parang hindi niya ako nakilala?

-------------------------
Ayeeeee! Yan muna guys. Sino kaya si Zeke at ano ang koneksyon niya sa ating bida? Next update kung may 5 votes na. Mwah mwah!

Carly on the chapter cover. 💕💕💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ENDLESS FALLWhere stories live. Discover now