Viral - Ballpen Girl

383 15 3
                                    

"Nakakainis naman! Nandito lang yun kanina eh."

Inilabas ko na ang lahat ng mga gamit sa loob ng bag ko. Hindi ko pa din makita yung ballpen ko. Entrance exam pa naman ngayon. Baliw din kasi tong univ na to eh. Bawal gumamit ng pencil tapos no erasures.

Tinignan ko na din pati ang bulso ko pero wala talaga. Sampung minuto na lang mag-uumpisa na yung exam, pag tumakbo ako baka makaabot pa ako.

"Aray! Ano ba! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

Bulyaw ko sa lalaking nakabunguan ko. Hindi ko na inaantay pa ang sagot niya, wala na akong oras malelate na ako. Pinulot ko na ang mga gamit ko na nahulog, ganun din siya.

"Hoy! Akin yan!"

Bigla niyang inagaw ang ballpen na pinulot ko. Alam ko namang kanya yun pero malapit na talagang mag start yung exam. Sa labas pa dawn g gate yung mga bilihan, miski tumakbo pa ako hindi na ako aabot at hindi ako papayag na dahil lang sa ballpen ay hindi ako makakapagexam.

"Hoy ka din! Ang kapal mo ha? Akin to!"

Inagaw ko din sa kanya yung ballpen at inilagay na sa bag ko, nung binalik ko na ang tingin ko sa kanya ay na bigla ako ng picturan niya ako.

"Para saan yan? Burahin mo nga yun!"

Pilit kong inaagaw ang cellphone niya pero dahil lalaki siya at malaki ay hindi ko na ito maagaw. Hindi katulad nung ballpen na mabilis kong naagaw sa kanya.

"Ipopost ko to sa facebook, twitter at IG. Isama pa ang friendster! Para malaman ng lahat na isa kang magnanakaw."

Iniwan niya akong nakanganga dahil sa mga sinabi niya. Oh shocks! Masisira ang reputasyon ko ng dahil sa ballpen? Hindi bali madali naman yan makakalimutan ng mga tao basta ang importante ay may ballpen na ako at makakapagexam na ako.

Paupo na sana ako sa kaninang pwesto ko ng may mahagip ang mga mata ko. Shocks! Nandito yung lalaki kanina.

"You have 2 hours to finish the exam and guys no cheating."

Mag-uumpisa na sana akong mag sagot kaso ayaw sumulat nung ballpen. Napamura ako ng mahina. Sh-t talaga! Hindi pwede to. Sinubukan ko ulit isulat sa scratch paper halos mabutas na nga yung papel pero wala talagang tinta.

Tinignan ko ang relo ko. 15 minutes na agad lumipas, sayang yung oras ko. Kinakabahan na ako, hindi pwede to! Ito lang ang univ na gusto kong pasukan.

"Yes miss? It there any problem?"

Nakatingin nap ala sa akin ang nagbabantay, nahalata na siguro niya na hindi ako mapakali.

"Yes ma'am. Nawalan po kasi ng tinta tong ballpen ko."

Napailing siya. Yumuko naman ako at pinipigilan yung mga luha ko.

"Here, take this but please next time bring an extra pen."

Naglakad na ako papunta sa kanya para kunin ang ballpen habang nakatingin ang ibang mga estudyante sa akin. Nung pabalik na ako sa upuan ay nadaanan ko yung may ari ng ballpen.

"Buti nga sayo."

Mahinang bulong niya habang tumatawa pero narinig ko pa din yun kaya naman pasimple ko siyang sinipa sa paa. Bwiset na lalaki to! Alam siguro niya na walang tinta yung ballpen nay un kaya hindi na niya ulit inagaw.

Joan Anastacio tag you in a post "Best ohmyghad! Ikaw to diba?"

Kinakabahan na ako habang nagloloading pa lang yung post ni Joan. Pakiramdam ko kakainin na ako ng buhay kung sakaling tama ang hinala ko sa post na yun. Isabay pa na napakabagal ng free data ko at ang hina pa ng signal dito sa bahay.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now