3rd point of view
Isang preskong umaga ang gumising sa dalagang mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno. Habang nakatingin sa mga dahon nito, pilit niyang inaalala ang mga nangyari.
Araw ng kanyang paglisan at siya'y tahimik na nakatingala sa langit.
Siya ang napili bilang pambayad sa nasisirang yelong pader ng kanilang bansa. Wala man lang pumigil o nalungkot dahil lahat na ata ng mamamayan sa bansang Qufio ay kinamumuhian siya.
Sa kabilang banda, natutuwa na rin siya sapagkat malalayo na siya sa mga mapang-api na tao.
Mabilis ang andar ng glass boat dahil malayo-layo pa ang kanilang destinasyon.
Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang may kaunting sira na yelong pader. Mataas at pumapalibot ito sa buong Qufio.
Ilang minuto ang lumipas nang may makita siyang pigura ng tao. Hindi niya alam kung guni-guni lang ang nasilayan niya sapagkat ang taong iyon ay nakalutang sa ere.
Isang mabilis na pangyayari ang naganap. Tumilapon ang bangkang sinasakyan nila at ito'y nawasak sa lakas ng pagkabagsak sa tubig.
Nagtamo siya ng sugat sa balikat habang ang tatlong sundalo na kasama niya ay kasalukuyang nakikipaglaban sa higanteng isda na kung tawagin ay Pulta.
Halos manigas na siya sa lamig ng tubig at sinamahan pa ito ng hapdi dahil sa kanyang sugat. Sinubukan niyang lumangoy subalit ang dyaket na kanyang suot ay naging mabigat dala ng pagkabasa.
Napagpasiyahan niyang hubarin ito nang mapansin niyang tumahimik ang paligid. Sa kanyang paglingon, nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang patay na ang kanyang mga kasamahan at maging ang Pulta.
Nanginig ang kanyang katawan nang may maramdaman siyang hindi nakikitang pwersa na nag-angat sa kanya mula sa malamig na karagatan.
Halos maiyak siya nang mapako ang kanyang paningin sa isang lalaking naglalakad sa ere.
Ito ay nakasuot ng itim na balabal at nakamaskarang may mga bago at tuyong dugo.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil mukhang ito na ang kanyang katapusan.
" You're free now." Wika nito habang hinahawakan ang kanyang asul na buhok.
Napadilat siya ng wala sa oras. "A-ano po?" Takot at pagtataka ang rumihistro sa kanyang mukha.
Napakagat siya ng labi nang ilapit nito ang ulo sa bandang tenga niya.
"Are you scared?" Pabulong na tanong nito sa kanya.
Lumunok siya ng maraming beses bago tumango bilang sagot. Bumigat ang kanyang paghinga. Parang kahit anong oras pwede ng tumulo ang kanyang luha.
Nanlalabo ang kanyang paningin, ngayon niya lang napagtantong nauntog siya sa pangyayari kanina. Pagod at gutom siya dahil nilakad lamang nila ang paglalakbay na maski ang pagkain ay hindi na nila naisipang gawin.
"Well, don't be. I'm here to protect you anyway,"
Tuluyang nanghina ang kanyang katawan at nawalan ng malay nang marinig ang mga katagang iyon.
Sa likod ng maskara , ang misteryosong lalaki ay may ngising itinatago.
...
Author's note:
Hi guys!
Sana nagustuhan ninyo ang prologue nito! Maraming salamat sa mga nagbasa at sa mga susuporta nito.
Vote, comment and follow me if you want!
Yun lang, salamat ulit!
©shadia28
Genre: Fantasy and Romance
YOU ARE READING
The Sole Blue Haired Lady
FantasySi Gul Heera ay isang alipin na napili bilang pambayad sa serbisyong pagpapatibay ng nasisirang yelong pader ng kanyang bansa. Sa kanyang mundo, ang kulay ng buhok ang batayan ng kapangyarihan at antas ng isang tao. Ano nga ba ang kanyang kapangyari...
