Stay

48 5 1
                                        

March 13.

Friday the 13th to be exact.
Sabi nila malas ang araw na ito pero para sa akin, ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko.

Dahil sa wakas, kami na ni Bryan; matagal na akong may gusto sa kanya at sa araw na 'to ay sinuklian niya ang paghangang nararamdaman ko sa kanya.


Naging maayos ang relasyon namin sa loob ng dalawang taon.

Sa mahabang panahon na iyon, hindi ko lubos maisip na hahantong din kami sa hiwalayan.

Akala ko, siya na.

Akala ko, kami na hanggang dulo.

Ngunit tila hindi nakikiayon sa amin ang tadhana.

Nagkamali na naman ako.

Umasa na naman ako.

Ang tanga tanga ko.

Ang bilis ko mahulog sa isang tao.


"Bakit ba nila ako iniiwan?! Drake, may problema ba sa'kin?! Bakit lahat na lang ng minamahal ko?! Hindi ba pwedeng yung ibang tao na lang ang mawala?!"

Si Drake; my best friend.

Lagi kong tinatakbuhan sa oras ng kalungkutan.

Sana wag niya rin akong iwan.



Isang taon na ang nakalilipas at heto na naman ako, kaharap si Drake. Umiiyak dahil sa isang lalaki, palagi na lang. Palagi na lang ako naiiwang luhaan at sawi sa pag-ibig. At si Drake ang parati kong nasasandalan sa mga ganitong pagkakataon.

"Drake! Niloko ako ni Bryan! Sabi niya mahal niya ako at hindi niya na ako lolokohin! Bakit nakita ko siyang may kahalikang ibang babae?! Drake, ayoko na!" hindi ko na napigilang humagulgol sa harap ni Drake nang makita siya. Inilagay ko agad ang aking mga kamay sa kanyang braso dahil mukhang kakailanganin ko ng kanyang suporta.

Iwinaksi ni Drake ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Pilit siyang lumayo sa akin saka ako nito hinarap nang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Summer, ano ba? Alam mo namang matagal nang nagloloko ang gagong yon pero anong ginawa mo? Ha?! Binalikan mo pa rin kahit ilang beses ko nang sinabi sa'yo na tigilan mo na dahil ikaw lang din naman ang nasasaktan. Mahal mo? Sige, balikan mo! Pero wag kang iiyak iyak sa harap ko na parang hindi kita pinagsabihan." napahilamos siya sa mukha na parang nahihirapan sa sitwasyon.

"Drake naman.." naluluha kong awat sa kanya.

"Summer, gusto kita. Pero mukhang di mo naman yon napapansin dahil puro na lang si Bryan ang nakikita mo kahit na paulit-ulit ka pa nitong saktan. Summer, ako yung nandito sa tabi mo kapag kailangan mo ng masasandalan. Ako nagpupunas ng luha mo sa tuwing iniiyakan mo yung lalaking 'yon. Ako lahat, Summer. Pasensya na pero ayaw na muna kitang makita, masyado akong nasasaktan. Sana maintindihan mo." nahugot ko ang aking paghinga dahil sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko na siya nagawa pang habulin nang tuluyan niya akong iwan mag-isa na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang biglaang pag-amin.

Kanina pa ako tulala kahit kanina pa nakaalis si Drake sa harap ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin at gawin.


Nagdaan ang isang buwan ngunit ganun pa rin siya. Malamig ang trato sa'kin.

Nami-miss ko na ang best friend ko....

Nami-miss ko na si Drake.



January 15. It's my birthday.

STAYWhere stories live. Discover now