Disclaimer: Lahat ng tauhan, pangyayari, at mga bagay-bagay na nailathala dito sa kwento ay kathang isip po lamang. Anumang pagkakahawig nito sa totoong buhay ay nagkataon po lamang.
May mga salitang hindi kaaya-aya sa ilang mambabasa, kaya ipagpaumanhin niyo po dahil parte po ito ng kwento at huwag tularan. Unang kwentong horror ko po ito kaya po pagpasensyahan niyo na po kung hindi maganda. Gusto ko lang pong ibahagi ang kwentong ito, kaya salamat po sa mga taong nagbabasa nito.
---
Alam mo maglaro ng tagu-taguan?
Talaga? Alam mo? Tara, laro tayo!
Ako taya, ikaw magtago.
Magbibilang na ako ha! Sige, tago ka na!
Pagbilang ko ng tatlo, nakatago na ikaw!
Isa...
Dalawa...
Tatlo!!!
BULAGA!!!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"
---
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH---"
Tinakpan ko ang bibig ni Vensai bago pa makabulabog sa iba. Kalalaking tao madaling matakot. Daig pa ang bakla kung makareact. Psh.
"Ayoko na! Tama na! Huwag mo nang ituloy!" sunod-sunod niyang reklamo. Inirapan ko nalang siya kaya nagpout siya. Kita mo, bading talaga kahit kailan.
"Eh sino ba naman yung nacucurious at tanong nang tanong sa kuwento kung bakit bawal pumasok sa lumang building?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "Bakla." Dagdag na bulong ko. Sana narinig niya.
"Ano?! Hindi ako bakla no!" angal niya tsaka nagcross-arms at inilayo ang tingin niya sa akin. Sabi ko nga narinig niya.
Magsasalita pa sana ako nang may sumingit bigla, "Hoy! Kayong mga lovebirds! Huwag nga kayong gumawa ng sarili ninyong mundo!"
"Psh, we're not." "Hindi kami lovebirds!" sabay naming angal.
"Kita niyo na! Kita niyo na! Magkasabay pa nga kayo eh!" sabi niya. Aangal sana ulit si Vensai nang iniangat ni Renzo ang isang kamay niya upang siya'y patigilin, "Patapusin niyo kasi muna ako! Napagdesiyunan namin kung saan tayo magtetest of courage! At alam niyo ba, alam nyo ba? Sa lumang building ang venue!" sabi niya, o mas tamang sabihin na sigaw niya. Lakas ng boses eh, kung makapagsalita parang isang kilometro ang layo. Psh.
Bago pa ako makapagreact ay inunahan na ako ni Vensai, "Ano?! What?! Bakit?! Why?!" See? Reaction king-slash-queen kasi siya eh. Psh.
"Hindi mo pala alam 'yan Ven? Ay, oo nga. Bago ka lang kasi nagtransfer. Ganito kasi 'yan, every year, parang naging tradition ng mga taga 3rd year, lalong-lalo na dito na section, na magtest of courage sa lumang building. Para rin daw ito mapatibay ang ating pagsasamahan! O diba, ang astig?!" pagpaliwanag niya. Tinakpan ko nalang ang tenga ko baka kasi tuluyan na akong mabingi.
"Eh bakit pa kasi sa lumang building? Paano kung---paano kung mameet natin 'yung bata?!"
"Huh? Anong bata, anong bata? May anak kayo?"
"Psh." Inirapan ko nalang siya. Ang ingay eh.
"Anong anak? Tanga 'yung bata sa lumang building ang ibig kong sabihin no!"
ESTÁS LEYENDO
Isa, Dalawa, Tatlo! (Tagu-taguan)
Historia CortaTagu-taguan maliwanag ang buwan! Wala sa likod, wala sa harap! 'Pag bilang ko ng tatlo nakatago na kayo! Isa... Dalawa... Tatlo!
