Alam kong crush nitong si Abhie si Shane. Ewan ko pero natutuwa kasi ako kay Abhie sa tuwing nakikita kong namumula siya kapag pinag uusapan si Shane..





Maya maya lang dunating na kami sa tapat ng bahay nila Shane.





"Dito nalang ako Elle! Baka kasi sungitan niya ako pag nakita niya ako." - suhestiyon niya.





"Sigurado ka?" - tanong ko, pero ang totoo niyan ayoko muna siyang isama sa loob dahil ayokong makita niya kung paano maging desperado si Shane.





Tumango tango siya. At sinabing hihintayin nalang niya ako.






Nag doorbell na ako at tamang tama nakita kaagad ako ng kasambahay nila, nginitian niya kaagad ako dahil kilala na ako dito.






"Oh iha, ang tagal mong hindi napadalaw ah. Nasa taas si Shane, puntahan mo nalang."





"Ah, sige po Manang salamat po!" - sabi ko, at pumasok na ako sa loob ng bahay nila.






Kahit pakiramdam ko ang bigat bigat ng paa ko pinilit ko pa rin ihakbang iyon at ng makarating ako sa kwarto niya kumatok ako ng isang beses. Yun kasi ang sabi niya saakin noon. Kumatok lang ako ng isang beses at alam na niyang ako yon.







Narinig kong sumigaw siya na pumasok ako. Kaya naman pinihit ko na ang door knob at pumasok.





Nakahiga siya ngayon sa kama niya at nakapikit. Magkadikit nanaman ang dalawang kilay niya at halata sa mata niyang kagagaling niya lang sa pag iyak, mejo namamaga kasi yon.






Ipinatong ko ang bag niya sa paanan ng kama niya at umupo ako sa gilid ng kama.





Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.






"Nasasaktan ka nanaman ba?" - tanong ko sakanya.. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya, at parang may kumirot sa dibdib ko ng makita kong may tumulong luha sa mata niya, punong puno parin ng sakit yung mata niya.






Pinunasan ko yun gamit ang thumb ko.





"I'm sorry Shane.. Hindi mo na kasi akong pwedeng gamitin para makalimutan siya.." - bulong ko..





Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.






"No, I'm sorry Elle.. Nasaktan kita. Masyado akong naging selfish.. Hindi ko naisip na nasasaktan na kita." - sabi niya, saakin lang siya nakikipag usap ng ganyan.. At hindi ko alam pero gusto kong maging ganyan siya kay Abhie..





Umiling iling ako..






"Okay na ako Shane. Ang importante magkaibigan pa rin tayo ha?" - sabi ko sakanya, naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hinila niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya, hinimas niya ang buhok ko.





"I'm really sorry.." - bulong niya..






Sandali pa kaming tumigil sa ganung ayos, umupo na ulit ako.





"Kaya mo pa ba?" - tanong ko sakanya, isang mapait na ngiti ang ibinigay niya saakin.






"Mababaliw na yata ako Elle. Hindi ko alam kung bakit dumating sa ganito. Alam mo naman diba? Ayoko nito. Ayokong mahalin ang Ate ko." - desperadong sabi niya, palagi niyang sinasabi na ayaw niya ng nararamdaman niya. Sino ba naman kasing gugustuhin na mahalin ang isang kapatid na higit pa sa kapatid.






Crush Kita Konti LangWhere stories live. Discover now