Chapter 19: Yue and Kyla

222K 2.6K 134

CHAPTER 19: Yue and Kyla

Yue's P.O.V.


*cellphone rings..*

calling..

+6391914342**

Sino naman 'to? Di naka-save sa phone ko.

Pero dahil cute ako eh sinagot ko na din.

"Halloooo?"

"..."

wa imik? nantitrip ata 'to eh.

"Hi hello? tao po?"

"..."

woot. wa imik pa rin. 

"Wui! Imik naman dyan, nantitrip ka lang ata eh.Gege, yaman mo sa cellphone ka pa nantitrip, sana pinasa mo na lang sakin yun load! Ge, bababa ko na to.."


"Wait lang,"

Woot. bebot tumawag. 

"Yun nagsalita din, kala ko pipi kausap ko."  

"Sorry about that... Medyo nagdadalwang isip kasi ako kanina..."

Wow. dalwa pala isip nya. bakit akin, isa lang. 

"Ahh... eh sino po ba ito?"


"Ako yung bestfriend ni Sairyl."

Bestfriend ni Sairyl? Eh diba bestfriend ko si Sairyl? Eh di ako yung kausap ko? 

"Ang pangalan ko ay Kyla."

Boplaks ka talaga Yue! Yung babaeng bestfriend ng bestfriend mo! 

"Aiy oo. Ako si yue. Anong maipaglilingkod ko sa iyo binibini?"

Narinig kong huminga sya ng malalim, may problema sya? 

"Could you meet me now at *too-toot*?"

O-oo ba ako? My mom told me not to trust stangers.  Parang bata. 


"Sure." 

"Ok. See you then, bye." at binaba na nya yung phone.Pano kaya nun nalaman number ko? woot.


Nagbihis na ako at nagdiretso na sa *too-toot*...

Nung andun na ako, I saw her... The Kyla girl. She is seating on one of the tables outside the cafe, she is looking blank and sad. The wind is blowing her hair, ok, i think my heart just skipped a beat. Toinks, Yue, nuber, taken na yan. Maghunos-dili ka. 

"Hello... Kyla, right?" napalingon sya sakin, mukha naman syang nabigla. lalim siguro ng iniisip nito.

"Yes, have a seat." at umupo din naman ako. Woot.~

"Pano mo nga pala nakuha number ko?"

"Inalam ko." woot. stalker? 

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, inalam ko talaga number mo kasi may gusto akong malaman tungkol sa bagay na alam mo."



"Bagay na alam ko?" ano ba alam ko? Basta alam ko, para magunli sa smart for four days eh type 60 and send to 258. 








"Gusto kong malaman, anong meron kina Sairyl at Cedric?"




woot. serious mode, Yue. Seryosong usapan na 'to.


End of Chapter 19

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!