Chapter Two: Runaway Bride, Broken Groom

104 6 0
                                        

Grace’s POV:

Ngayon na yung araw na pinakahihintay ko. Yung kasal ni Sir Justin at Ms. Penelope. Maaga ako dumating sa venue ng kasal para mapolish lahat-lahat. Ayun may mga dumating na mga guests. Ininstruct ko si Martha na iassist ang mga guests pati na ung iba pang invited. Medyo kinakabahan ako dahil pag may nangyaring hindi maganda, makakaapekto ito sa trabaho ko at sa kredibilidad ko bilang isang wedding planner.

Matapos ang ilang oras, dumating na din ang mga guests na part ng entourage. Pati din mga media na magccover ng kasal, andito na din. Dumating na din ang groom at parents nya. Kaya naman naghihintay na ang lahat sa pagdating ng bride.

Matapos ng 30 minutes, dumating na ang bride at nagsignal na ako sa mga co-planners ko na magsstart na ang ceremony. Ayun nagsimula na.

Mukhang masaya ang groom, sya ung una sa entourage. Kasama nya ang parents nya. Sunod- sunod naman ang best man, primary sponsors, abay at flower girls. At heto na nga nagmmartsa na ang bride. Ang ganda nya talaga. Perfect couple talaga sila. Nakatingin na si Sir Justin sa kanyang bride at tila masayang-masaya ito. Pagdating sa altar, binigay na ang kamay ni Ms. Penelope kay Sir Justin. At dun na nga nagsimula ang ceremony.

“Mr. Justin Michael Guevarra, do you take Ms. Penelope Kate Arguelles as your beloved wife?” Priest

“Yes, father.” Justin

“Ms. Penelope Kate Arguelles, do you take Mr. Justin Michael Guevarra as your beloved husband?” Priest

Matagal bago sumagot si Ms. Penelope. Hindi ko alam kung bakit ganun. Mukhang paiyak na sya.

“I am sorry Jus. I can’t. I’m sorry Tito Ezekiel and Tita Jo, Mom and Dad. I think I should stop this.” Penelope

Nagulat ako sa nasabi ni Ms. Penelope. Akala ko mahal nya si Sir Justin. At tumakbo na siya palayo sa aisle. Unti- unting nagkagulo ang mga tao sa simbahan. At si Sir Justin mukhang napahiya dahil sa nangyari. Agad sumakay ng kotse si Ms. Penelope at pinaharurot ito palayo. Si Sir Justin naman hindi pa din tumitinag sa pagkakatayo nya.

“Son, are you okay?” Mr. Ezekiel

“Mamang, Papang I think I need to go somewhere.” Justin

Tumakbo na si Sir Justin palabas. Ako naman ay nakapwesto sa pinto. Ngunit bigla laking gulat ko nang bigla akong hilahin ni Sir Justin palabas.

“Sir, teka sir, nasasaktan po ako sir.”

Hindi kumikibo si Sir Justin. At tuluyan nya akong pinasok sa kotse nya.

“Son wait, son!” Mr. Ezekiel

At tuluyan na kami nakalayo sa simbahan.

--end of Grace’s POV

Justin’s POV:

Akala ko ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Akala ko makakasama ko na yung babaeng pinakamamahal ko habang buhay. Akala ko magiging forever na ang pagmamahalan naming. Yun pala isa lang itong “maling akala”.

Andito ako ngayon sa kotse. Kasama ko ang isang babae. Actually siya ang wedding planner naming. Hindi ko alam kung bakit ko sya kinaladkad palayo kasama ko. Siguro dala na din ng ego ko kaya ginawa ko yun.

 Nagddrive ako at hindi ko alam kung saan kami tutungo. Basta, gusto ko makalayo sa lugar na ito. Sa malayo. At bigla na lang nabasag ang katahimikan ng nagsalita na ang babae.

“Sir saan mo ba ako dadalhin? At bakit mo ko kinaladkad kanina sa simbahan.”

“sorry miss, kelangan kita ngayon”singhap ko naman.

Medyo naiiyak na ako, ngunit pinipigilan ko na tumulo ang mga luha ko.

“saan ba tayo pupunta?” Grace

“kahit saan. Basta malayo dito”

“by the way sir, ako pala si Grace de Leon. Sir Justin right?”Grace

“Justin na lang. basta wag mo ako iiwan.”

At ayun, nakilala ko na din ang babaeng kasama ko ngayon. Mukhang matutulungan nya ako sa problemang hinaharap ko ngayon. Sana nga…

 ---------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkakilala na sina Justin at Grace. Saan kaya sila makakarating? Ano naman ang balak ni Justin?

Excited na ako magupdate.. sige next time na lang…

-myheartxoxo

My Girlfriend is a Wedding Planner (on going)Where stories live. Discover now