Nagsisimula ang lahat nang dahil sa facebook. Siya ang unang nag chat sa akin dahil bored siya. Eh sa bored rin naman ako kaya pinatulan ko na rin. Masaya ang conversation namin at marami narin akong nalaman tungkol sa buhay niya. Hindi ko pa siya gaano kakilala pero magaan na ang loob ko sa kanya.
At dumating ang araw na gusto niyang makipagkita sa akin. At pumayag ako sa gusto niya.
Nagtext siya akin ng ganito.
" Hi Joyce. Gusto kong makipagkita sayo. Okay lang ba? "
" oh sure! Sige saan ba? "
" sure? Baka hindi ka payagan ng mama at papa mo "
" no its okay. Sa may chapel na malapit sa amin, doon tayo magkikita "
" sige. Papunta na ako "
Masarap ang paguusap namin at hindi ko namamalayan na gumagabi na pala. Masaya siyang kausap at parang nagugustuhan ko narin siya.
" John, kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako sa bahay. At ikaw, umuwi ka narin. Hahahaha "
" sige Joyce. Marami rami narin tayong napag usapan. Uuwi ako promise "
" salamat sa oras John. Sa susunod ulit, magkikita rin naman tayo sa school "
" oo nga naman. Ihahatid na kita "
" salamat "
Araw ng linggo, inayayahan niya akong magsimba. Syempre ako pumayag agad. Pero bago pang dumating ang araw ng linggo, inamin niya sa akin na gusto niya ako at gusto ko rin siya.
Sabi niya sa akin na di siya masyadong clingy at first time niya ito.
Matapos ang araw na iyon, may sinabi siya na nagpapaiyak sa akin.
" buddy, matagal ko narin itong napagisipan. Alam mo naman na gusto kong mag aral sa paaralan ng mga pari pero wag kang mag alala wala naman akong balak na magpari. Gusto ko lang matulungan sina auntie. Ayokong maiwan ka ditong nag iisa at ayokong malayo ako sayo.
Mas mabuti na siguro na pigilan natin itong nararamdaman natin. Bestfriends na lang tayo, okay ba iyon? Ayokong makita kitang malungkot at nasasaktan buddy. "
" oo alam ko naman iyon buddy. Naiintindihan naman kita buddy. Okay na iyon siguro na magkaibigan na lang tayo "
" salamat sa pag intindi mo sa akin buddy. "
At iyon ang pinakamasakit na sinabi niya. Di talaga kami pwede sa isat isa at kahit mahirap kailangan tanggapin.
Ilang araw na rin, unti unti akong nahuhulog sa kanya. Alam kong mali pero di ko talaga mapigilan at nung nalaman niya ang nararamdaman ko sa kanya.
" buddy, alam mo naman na bawal diba? Di tayo pwede eh. Pigilan mo iyang nararamdaman mo buddy masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo pa iyan "
" sorry buddy. Di ko mapigilan eh pero promise pipigilan ko ito, mag mo-move on na ako "
Move on? Mahirap at masakit pero kailangan talaga kasi ayokong masira ang friendship namin dahil lang sa gusto ko siya.
Isang araw, habang nag aaral kami sa bahay. Dumating iyong classmate ko na babae na nakakilala rin kay John. Sa tinopak ako kaya tinutukso ko silang dalawa at hanggang sa may nararamdaman na si John kay Therese. Nang malaman ko iyon, nasaktan ako pero pinigilan ko na lang.
Ilang araw narin di na siya nagpaparamdam sa akin. Bestfriend ko siya at syempre kailangan kong malaman kung ano ang ginagawa niya. Nagsesend ako ng message sa kaniya, tinatawagan ko siya at tinatanong ko sa bestfriend niya kung saan siya at ano ang ginagawa niya. Para akong obssessed na babae na palagi siyang hinahabol.
Nasaktan ako ng sobra sa ginagawa niya pero ito na iyon eh. Sabi niya di niya ako sasaktan pero ginawa niya eh at pinaiyak pa niya ako.
Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? Nagpaparamdam lang siya sa akin kapag gusto niya. Magpaparamdam lang siya kapag may kailangan siya sa akin at kapag wala naman siyang kailangan sa akin di siya magpaparamdam.
Isang araw, gustong makipag usap sa akin ang bestfriend ni John. Sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko kay John.
" masakit pala Diel. Lagi na lang akong umiiyak nang dahil sa kaniya "
" alam mo ba na iniiwasan ka niya? "
" oo alam ko yun. Halata naman eh, di nga siya nagpaparamdam sa akin. Nakalimutan niya siguro na may bestfriend siya. "
" iniiwasan ka niya dahil masyado kang aggressive. Kasi alam mo Joyce kaming mga lalaki gusto namin na cha-challenge kami. Sabi niya sa akin na parati kang nakabuntot sa kanya at kay Therese siya na cha-challenge "
" ahhh. Sinabi niya yon? Wow ah! Dapat siyang magpasalamat nang may naghahabol pa sa kaniya at di ko parin siya iniwan "
" ilang araw narin silang magkasama pag uwian na natin. "
" di ko iyan alam Diel. Ang sakit! Bestfriend niya ako eh, bakit di niya naikwento sa akin? Ayoko na gusto koa ng tapusin ito. Gusto ko na siyang iwasan. Iniiwasan niya ako? Pwes, kakalimutan ko na siya. "
" para kayong mga bata Joyce. Wag kang ganyan "
" tss. Tama na. Nagmumukha na akong tanga. Sige aalis na ako, bye. Salamat s oras "
At dahil sa sinabi ni Diel, napagdesiyunan ko na kailangan ko na talaga siyang kalimutan. Kaya nagsend ako ng message sa kaibigan niya ng..
' sabihin mo kay John na gago siya at kalimutan na namin ang isat isa '
Napaiyak ako sa ginawa ko pero alam ko na mas nakakabuti na ito. At para narin mawala itong nararamdaman ko sa kaniya. At masaya ako na nakaka move on na ako sa kaniya. Masaya narin ako kung saan siya masaya. After all, naging kaibigan ko rin siya.
Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko pero yun lang ang natitirang paraan.
At hanggang ngayon, di parin kami nagpapansinan at binura ko na ang number niya.
Salamat buddy, kahit konti napasaya mo ako. At salamat rin dahil tinulungan mo akong maka move on sa ex bf ko.
YOU ARE READING
Second Option (One Shot)
Short StoryMasaya sa simula at sa kalaunan iiwan kang mag isa. Di mo alam kung ano ang dahilan ng kaniyang pag iwas sayo. Seriously? Ano ito laro lang? Mga pangako na napako. Mga salitang hindi niya naman tutuparin. Sabi mo sa akin, kahit may mahal ka ng iba d...
