TMD 2

10.4K 274 3
                                    


Chapter two

Parang sasabog ang ulo niya. Sapo ang ulo,pilit na bumangon siya,upang magtaka lamang kung nasaan ba siya.Then it hit him,nasa isang hotel room siya.Sa hotel room na naka-book sa kanya courtesy of his brother.

Pagkatapos ng wedding reception, nag-decide ang mga newly weds,ang kapatid niyang bunso na si Ronny,at ang bride nitong si Kensi,at ang iba pang miyembro ng entourage na ituloy ang party sa bar ng hotel.Nag-book na rin ang mga ito ng mga kuwarto para sa kanila,for an overnight.

Nauna na ang iba. Nagpaiwan siya, dahil nakiusap ang girlfriend niyang si Lynnette.Mayroon daw silang dapat pag-usapan.Agad naman siyang pumayag dahil plano niyang kumbinsihin ang kanyang girlfriend na magpalipas na rin ng gabi doon.

Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang babae. Ito ang dahilan kung bakit nagpakalunod siya sa alak kagabi, at ngayon ay may grabeng hang over.Ngunit nang mapansing hubo't hubad siya,tila nawala ang hang over niya.Inilibot niya ang paningin sa silid.Was he with someone last night? Ngunit kahit ano'ng isip niya, wala siyang maalala.

Iyun ang dahilan kung bakit iniiwasan niyang malasing. Para siyang may amnesia, na hindi niya maalala ang mga pinaggagawa at pinagsasabi niya kapag lango siya sa alak.

Bumangon siya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.May bahid ng dugo ang kubre kama.Ini-inspection niya ang kanyang kahubaran.Ngunit wala naman siyang makitang sugat.Saan nanggaling ang dugo?Iisa lang ang konklusyon na pumasok sa isip niya.Did he took someone's innocence last night?

Biglang bumalik ang sakit ng ulo niya. Kailangan na siguro niyang mag-shower para mahimasmasan. Patungo na siya sa banyo nang mahagip ng tingin niya ang isang hair pin.Hindi iyun ordinaryong hairpin.Pinasadya iyun ni Kensi para sa mga abay.Sigurado siya doon,dahil sila ni Ronny ang pumik-up sa delivery noon.So,isa sa mga abay ang kasama niya kagabi? Doon lalong tumibay ang paniniwala niya na may kasama nga siguro siya kagabi.Ngunit sino? Sino sa kanila?Parang diyahe naman na,lalapitan niya isa-isa ang mga abay,at tatanungin:Miss,sa iyo ba ito?

Parang wala sa sarili na nag-check out siya ng hotel.

Dala ang overnight bag, tinungo niya ang kanyang pick up truck sa parking area.

"Kuya Reece," nilingon niya ang tumawag sa kanya,at nakita niya si Kensi kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba niya ang mga ito o iignorahin na lang. Ngunit parang ang bastos naman niya kung hindi niya papansinin ang mga ito.Inilagay niya sa likod ng pick up ang dala niyang bag,at lumapit nga siya sa mga ito.

"Nag-check out na rin ba kayo?" kaswal niyang tanong.

"Oo.." si Kensi ang sumagot. "Kailangan muna naming umuwi para ayusin yung mga ibang gamit,at itabi yung mga regalo,bago kami umalis bukas...ikaw? Bakit mukhang nagmamadali ka? Don't tell me na kahit Linggo may trabaho ka?".

"Hindi naman," sagot niya. "Pero katulad niyo, marami din akong dapat ayusin sa bahay..." kasalukuyan siyang nagpapatayo ng bahay malapit sa ancestral house ng mga Villa Roman. Nainggit siya sa kapatid,kaya ang balak niya ay magpo-propose na rin sana siya kay Lynnette.Ngunit,iyun nga naunahan na siya ng babae.Muling nagtagis ang bagang niya,ngunit pilit niyang kinalma ang sarili.

"Ganoon ba? Sige,we won't keep you long...hinihintay lang namin si Ronny."

"Puwede ko nang isabay ang mga kaibigan mo..." alok niya, kahit na lihim niyang ipinapanalangin na sana ay tanggihan ng mga ito ang alok niya.Wala siya sa mood para makipagsosyalan.

Lihim siyang nakahinga ng mahigpit na tumanggi ang mga ito.

Ngunit bago siya makabalik sa sasakyan niya, ay dumating naman si Ronny.

"Where were you last night?" tanong ng kapatid. "Sabi mo, susunod ka,pero tapos na ang selebrasyon,wala ka pa..."

"Pasensiya ka na, nakatulog na ako."

"Sus, nakatulog ka diyan...sabihin mo kasama mo si Lynnette,kaya nakalimutan mo na kami.Nasaan nga pala siya?" tanong pa.

Hindi niya pinansin ang tanong ng kapatid.

"Really need to go, bro. Talk to you later...ladies," paalam din niya. At bago pa maka-react si Ronny ay iniwan na niya ang mga ito.

Medyo malayo na ang sasakyan niya,ngunit nakatingin pa rin siya sa mga magkakaibigan sa pamamagitan ng side view mirror niya.

Paano kung isa sa dalawang bestfriends ni Kensi ang kasama niya kagabi?Pero bakit wala namang reaksiyon ang mga ito?Kung isa kina Annie at Carrie,imposibleng hindi magtatapat ang mga ito kay Kensi.Sabi nga ni Ronny,parang magkakadugtong na ang bituka ng mga ito.Sa high school nga,ang tawag daw sa kanila ay 'the inseparable trio'.Hindi naging hadlang sa closeness nilang tatlo ang ilang taong paninirahan ni Kensi sa abroad.Time and distance didn't matter.

Lalo siyang napaisip.Kaya ba siya tinawag kanina?To test the water,'ika nga.Sinusubukan siya kung may naalala siya,at malamang ay inoobserbahan ang reaksiyon niya,kung ibubuking niya ang sarili?Napailing siya.Ngayon naman ay nagiging paranoid na siya.

Ngani-ngani siyang bumalik at tanungin na ng diretsahan ang mga ito. Nakapagpigil lamang siya,baka mapahiya lang siya,kaya itinuloy na lang niya ang pagmamaneho palayo sa mga ito.

It has been two months since that night. Ngunit hanggang ngayon,wala pa rin siyang lead kung sino ang nakasama niya ng gabing iyun.At lalong wala pa rin siyang maalala.Iyun nga lang nitong huli,hindi lang iisang beses siyang nanaginip na may ka-holding hands siya.But the face of that someone has always been blurry,isa lang ang malinaw: ang hairpin sa buhok nito.

He tried the process of elimination,upang imbestigahan ang puzzle na gumugulo sa kanya.Sa anim na abay,isa ay menor de edad na anak ng pinsan nila sa mother side.Ang isa naman ay pinsan ni Kensi na engaged to be married na,kaya imposibleng papayagan nitong may mangyari sa kanila.Lalong siguradong hindi si Penny,ang executive secretary ng father ni Kensi.Siguradong papatayin siya ni Ricky,ang kapatid na sumunod sa kanya,if he ever lay a finger on Penny.So his suspects ?Ang kaibigan ni Kensi,na sa abroad naka-base,si Carrie at si Annie.Ngunit sino sa tatlo?

"PArang mas malalim pa doon sa lumang balon nina Lola ang iniisip mo, ah," hindi niya napansin ang paglapit ng isa sa mga pinsan nila, na si Hans Alexander.

"Kung anu-ano ang napapansin mo," wika niya. "Bakit hindi mo na lang balikan yung date mo, hayun at mukhang pinagkakaisahan na ng buong angkan."

"She's not my date. She's a business contact..."

"Yeah right...business contact? Who brings a business contact to a family gathering?" may family gathering sila nang hapong iyun bilang selebrasyon sa pagbabalik bansa ni Halden,ang nakababatang kapatid ni Lex.

"Sino pa? Eh, di ako." Pilosopong sagot ni Lex. "Hindi nga, bakit mukhang problemado ka?Si Lynnette pa rin ba?".

"Kahit naman sabihin kong hindi,maniniwala ka ba? Ilang beses ko nang sinabi na naka-move on na ako, pero may naniwala ba sa akin?".

"Paano kami maniniwala kung madalas ka namin makitang parang wala sa sarili? Come on, cuz, forget her...hindi siya worth kung hindi ka naman niya kayang ipaglaban."

"Paano ko siya makakalimutan, kung maya't maya ay ipinaaalala niyo siya sa akin?" tanong niya.Pero sa totoo lang,nitong nakaraang dalawang buwan,ni hindi na niya masyadong naalala ang dating girlfriend.Lalo na nang mag-umpisa ang mga paniginip niya.That faceless someone with a hairpin has been keeping him awake at night.

"Okey, fine.Wala na akong sinabi..." suko ni Lex. "But we better join them...kaya ka napagkakamalang broken hearted pa rin dahil mas gusto mong mag-isa.Dumating na sina Ronny,at kasama ni Kensi ang mga kaibigan niya..." pilyong wika pa ng pinsan.

"At ikaw naman, kaya ka napagkakamalang playboy,dahil lahat na lang pinapatulan mo...Leave Kensi's friends alone...hindi mo dapat kinakatalo ang mga yun." Hindi lang niya masabi na baka isa sa mga iyun ang kanyang mistery lover.

"Asus, at nagsermon si Father Rizal....oo na,mag-i-stick na lang ako doon sa business contact na kasama ko."

"Ogag ka talaga.." natatawang wika niya.Gago ang ibig niyang sabihin.Binaligtad nga lang ang mga letra.

The Marriage DealTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang