II

7 1 0
                                        

"Tanya," ang sabi niya.

"Talk to Mom" pagkasabi ni Tanya nun, lumabas na siya. Tumingin sa akin si Matvil Lorenzol. Mga tingin na nagsasabing "Lumabas kana" ganyan din yung mga tingin na naalala ko kapag naabutan niya akong nasa kwarto nila ng aming ina at maggogoodnight kiss. Tiningnan ko rin siya ng deretso sa mata. Bago ako lumabas, tumingin ako kay Mama.Tumango lamang siya. Ayoko sanang lumabas, pero si Mama na ang nagpahiwatig. Hindi ko matiis ang aking ina.

Nakita ko si Tanya sa gilid ng pinto, nakayuko siya. Nakatingin sa itim niyang sapatos. Napansin niya ako at ngumiti siya. She smiles weakly.

Bakit Tanya? Pagod ka na siguro sa nangyayari. Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit? Anong nagawa kong mali Matvil? Ano? SABIHIN MO! " rinig kong sigaw ni Mama. Nagkatinginan lang kami ni Tanya.

"I'm to blame! Kasalan ko. Forgive me Analie"

"Forgive you? Shame on you Matvil! Shame on you!" narinig kong humagulgol ang aming inang si Analie.

"Let's fix this Analie. I'm sorry. I'm really sorry" umiiyak na rin si Matvil Lorenzol.

Napaisip tuloy ako kung yung dating mga luha ni Matvil Lorenzol dahil sa naospital ang aming ina, totoong iyak kaya ang mga iyon? Isinugod si mama sa ospital nun, miscarriage. Nakita ko si mama na nakahandusay sa sahig. Nasa kusina siya at naghahanda ng makakain. Nagulantang ako.Puro dugo.Ang daming dugo.Agad ko siyang binuhat at isinugod sa ospital. Ilang oras ang lumipas dumating narin si Tanya.Pero si Matvil Lorenzol, wala. Walang Matvil Lorenzol na dumating. Lumabas ang Doctor.

"We did everything we can do.I'm sorry." yun lang ang nadigest kong sinabi ng doctor. Huli na ng dumating si Matvil Lorenzol. Pumasok siya ng kwarto. Si Tanya, nakahawak sa kamay ni Mama. Ako nakaupo lang sa gilid. Wala na. Wala na ang aming munting kapatid.Pang-ilang miscarriage na ba ito?

Lumapit si Matvil Lorenzol kay Mama.Nagtangis siya.Nagtangis si Matvil Lorenzol.Sa unang pagkakataon ay umiyak siya.

"Tingin mo ba maaayos pa ito? How could you do this to me? I hate you Matvil. I hate you." Sabi ng aming ina. Umiiyak pa rin siya.Umiiyak rin si Matvil Lorenzol. Naaawa rin siya sa asawa niya. Pero awa lang. Wala na ang pag-ibig sa puso niya.

"I'm sorry Analie. Kung alam mo lang, masakit rin para sa akin to"

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ng aking ina. Yumuko si Matvil Lorenzol. Naglaho na nga ang pag-ibig niya.

"Ako? I love you! How I love you Matvil! I love you!" mas lumakas ang iyak ng aking ina. Gusto niyang tumingin si Matvil Lorenzol ng deretso sa kanyang mga mata. Pero hindi niya iyon magawa.

"I'm sorry Analie" nakayuko parin siya. Umangat muli ang ulo niya at sinabi ang mga katagang nagwasak ng tuluyan sa puso ng aking ina.

"Let's divorce"  

Deep InsideWhere stories live. Discover now