I Need A Boy 11

1.4K 24 1
                                    

I Need A Boy 11 : Symptoms

Sharlene's Point Of View

Lintek talaga si Jairus. Palagi na lang niya ako pinagtitripan. Huhu. Naaalala ko tuloy yung mga ka-sweetan dati ng mga bestfriends ko sakin.

"Ma'am . Why are you sad?" Angeli. Sa totoo lang di ko kayang magalit sa babaeng 'to. Malay ko ba!

"You don't care." Taray ko e!

"Taray niyo Ma'am. Meron ba kayo?"

"Gaano ka na ba katagal dito? Ikaw lang ata ang walang alam sa buhay ng amo mo e."

"Hehe! Sorry naman po. Alam niyo naman pong gadgets and accesories ang trabaho ko sa bahay naa ito e. Di ko nga po alam kung bakit nagawa kong maglinis at maglaba kahapon."

"Ahh. Ganon. Nagrereklamo ka ba ha? Patanong lang ha. SI-NO BA ANG A-MO DI-TO?"

"Hehe. Hindi po. Kayo po ang amo ko. Hehe."

"Mabuti naman. Kung ayaw mong mabasa ang buong history ng pamilya namin magtino ka."

"Opo. Hehe. Sige Ma'am. Alis na po ako." At umalis na. Ang sungit ko no. Kainis si Jairus e.

"Hoy! Busangot na naman mukha." Speaking of the devil.

"Pakialam mo?" Tanong ko.

"Taray mo talaga, Bes. Pagkakaalam ko naman wala ka ngayon. Hmm. Bakit kaya?"

"Ugh. Jairus, pwede ba! Tigilan mo ako."

"Bakit ka ba ganyan? Ha?" Sabi niya na parang nagtataka.

"Ang landi mo e. Pati yaya namin, nilalandi mo. At sa pamamahay ko pa." Mataray kong sabi. Duh! Sa pamamahay ko pa talaga? Di ba pwedeng sa ibang lugar siya makipaglandian?

"Tsh. Ewan ko sayo kung bakit ka ganyan. Oo nga pala, mamaya susunduin kita. Ipapakilala kita sa girlfriend ko." Sabi ni Jairus sabay talikod. Ako? Nabigla, girlfriend?

Ipapakilala kita sa girlfriend ko.

Ipapakilala kita sa girlfriend ko.

Ipapakilala kita sa girlfriend ko.

Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang huling sinabi ni Jairus. Parang may isang milyong pako ang bumaon sa puso ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan nuon. I shake my head hysterically. Wala to. Wala, kung sumuway man siya wala na akong magagawa.

Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto at nahiga sa kama ko. Pero hindi pa ko nakakaisang minutong nakahiga e tumayo na ulit ako at nagdiretso sa banyo.

Tinimpla ko ang bath tub at nilagyan ko ng sabon. Naghubad ako at nilublob ko ang sarili ko. Unti unting bumabagsak ang luha at mabilis ko namang pinahid.

"Ano bang problema mo Sharlene?! Anong iniiyak iyak mo dyan? Ano, lumambot na ba ang puso mo? Haharapin mo na ang girlfriend ng bestfriend mo, maging masaya ka naman! Ha ha ha!" Pag- momonologue ko , tawa - iyak ako. Ano bang nangyayari sakin?

Ano ba itong nararamdaman ko?

3rd Person's Point Of View

Umiyak lang ng umiyak si Sharlene sa banyo pero hindi niya alam na narinig lahat ni Jairus ang kanyang sinabi.

Kumirot ang puso ni Jairus, hindi niya alam kung bakit. Nalilito rin siya, dahil ngayon nakita na niya ang childhood sweetheart niya, may mga proof itong naipalita kaya walang pag-aalinlangang niligawan niya ito at ngayon litong lito siya. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya dahil kay Sharlene o matutuwa dahil nakita na niya ang childhood sweetheart niya.

Nang marinig ni Jairus na tapos ng maligo si Sharlene ay dali dali itong umalis sa kwarto nila.

Samantalang si Sharlene naman ay nakangiti, pekeng ngiti, ng lumabas ng banyo niya humanap siya ng isang cocktail dress at 3 inches na high heels. Naglagay rin siya ng light make up at mascara para maitago ang namamaga niyang mata.

Bumaba siya ng kwarto niya at nakangiti si Jairus na nasa may sala at malayo ang tingin. Nilapitan niya ito at niyakap na parang walang nangyari sa kanya sa banyo.

"Bestfriend. Tayo na, baka iniintay na tayo ng girlfriend mo. Sige ka baka magtampo yun sayo. Haha." Nakangiting sabi ni Sharlene habang nakayakap kay Jairus si Jairus naman ay nabigla pero nakabawi din naman agad.

"Haha. Hindi yun katulad mo patient di katulad mo impatient. Haha." Sabi ni Jairus para namang may tumusok sa dibdib ni Sharlene pero di niya pinahalata.

"Che. Lumabag ka na naman sa rule natin ah. Haha. Tayo na nga." At sabay silang lumabas ng bahay si Angeli naman ay nakamasid dahil alam nitong may mali sa dalawang mag bestfriend. Alam nitong umiiyak si Sharlene at si Jairus ay hindi masaya.

"Hay. Magiging love cupid na naman ba ako?"

*

Binago ko na po ito. Short Story na lang po ito. Magpapasukan na po kasi at mawawalan na ako ng net. :) Okay. Thank you for Waiting.

Independent (Jailene Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon