Episode 33 - Pretend

465 8 6
                                        

Episode 33 – Pretend

< Ashra’s PoV >

“MAGSORRY KA!”

“….”

“ANO BA?! NARIRINIG MO BA AKO HA?! SABI NANG MAGSORRY KA EE!”

“….”

“GUSTO MO BANG MAMATAY HA?! SABI NANG MAGSORRY KA EE! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ‘TO!”

“….”

“KIKIBO KA O PAPATAYIN KITA HA?!”

“Tss. Ang ingay mo. Magpakamatay ka na.”

Aba! Hinahamon talaga ako ng lalaking ‘to ah!

Tumalikod siya sakin pero iniharap ko siya sakin tsaka ko siya itinulak sa pader. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, kinuwelyuhan siya at pinanlisikan siya ng mga mata.

“Bakit mo ginawa yung kanina ha?! Bakit mo siya tinamaan sa bola ha?!” galit na tanong ko sa unggoy na ‘to.

Wala na akong pakialam sa takot ko siya noon. Parang ngayon, nawala lahat ng takot ko sa kanya tsaka napalitan ng galit.

Galit na galit ako sa ginawa niya sa field niyang pagsipa sa bola kaya natamaan si Cloud. Galit na galit.

“Ikaw ang may kasalanan alam mo ba yun ha?” iwinisik niya ang kamay ko sa kwelyo niya tsaka inayos yung uniform niya. As usual, poker face parin.

“Ako pa ang may kasalanan ha?! Ako ba ang sumipa sa bola ha?!” galit na sigaw ko sa kanya.

“Kasalanan mong masyado akong naging malakas kanina. Sino bang matinong tao ang magbibigay ng chocolates sa isang Nyle Sobremonte?” sabi niya sakin sabay sneer. “Bago ka gumawa ng mga bagay na walang katuturan, alamin mo muna kung ano ang magiging kinalalabasan niyan. Or else you’ll suffer.”

“Anong pinagsasabi mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Ewan ko sayo.” Sabi niya sabay walkout.

Seriously, hindi ko talaga kuha yung mga pinagsasabi ng isang yun. Eh ano naman kung binigyan ko siya ng chocolates nun? Ano ang connection nun sa tinamaan si Cloud sa bolang sinipa niya?

And the worst thing is, sa ano pa ni Cloud tumama yung bola. Kung hindi lang talaga si Cloud ang natamaan, malamang tumatawa na ako ngayon.

Flashback //

“Cloud…magkakaanak ka ba kaya niyan?” bulong ko sa sarili ko tas tumakbo na ako papunta kay Cloud na nakahiga sa field.

Nauna naman si Clover sakin kaya siya yung nasa tabi ni Cloud habang siya ay namumulupot sa sakit. Namumutla si Cloud at halatang masakit na masakit ang tama nun sa ari niya.

“Cloud! Cloud! Oh please…nandito na si Clover. Halika, dadalhin kita sa clinic!” tarantang sabi ni Clover kay Cloud habang nakalagay sa batok nito ang kamay niya.

“Cloud.” – ako

Napalingon si Clover sakin at tiningnan ako ng masama. Lalapit na sana ako nang…

“DYAN KA LANG! I won’t let you take Cloud away from me this time!” sigaw niya sakin.

Nagsidatingan naman yung mga tao at yung ibang mga soccer players. Inalalayan nila si Cloud papuntang clinic.

Bespren Kong Bakla (Condemned Version)Where stories live. Discover now