“Hoy Stan! Ano pang ginagawa mo? Isuot mo na yang costume na yan! Naghihintay yung mga bata sa labas! Galingan mo ang pag-giling ha!” – may halo ng pang aasar na sinabi yon ni Tita A..

“Aish!!” – sigaw ni Stan saka umalis na sa harapan ko.. Si Stan..si Stan si Mr.Snowman!!

“Abhie! Halika panoorin natin si Stan, nahuli ko  nanaman kasi siyang nagcutting kahapon kaya ayan ang parusa niya, hindi  pa rin nadadala yan. Pangalawang taon na niyang sinusuot yang costume nay an tuwing mahuhuli ko siyang nag cucutting siya.” – hindi ako makapag salita, hinila ako ni Tita A palabas ng university at nakita ko ang mga bata don na nagsisigawan dahil sa isang mascot, si Mr.Snowman, at si Stan yon..

“Mga grade 1 students yang mga yan.” -  sabi ni Tita A, may elementary department  kasi itong school namin.. Tinignan ko si Stan at parang ang liksi liksi niya sa pag sasayaw sa loob ng costume, nakikipag apir pa sakanya ang mga bata.

“Ah..Tita kay Stan ba yang costume na yan?” – tanong ko..

“Hmm, hindi.. School ang may ari niyan, pinorovide ng Student Terror yan nung nakaraang taon.. Invited kasi sila sa Christmas Party ng Oecil Uiversity, at yang costume na yan sinuot ng isang member nila para mapasaya yung mga elementary..Nakatago yan sa Station 10 ng library..” – paliwanag ni Tita, so hindi si Stan? Pero..ahh basta! Kakausapin ko siya!!

Pagkatapos sumayaw ni Stan tinanggal na niya yung ulo ni Snowman sa ulo niya.. Pawis na pawis siya at gulo gulo ang buhok niya, grabe ganyan pawisan si Mr.Snowman kapag suot niya ang costume na yan?!

“Siguro naman magtatanda ka na?” – singhal ni Tita A kay Stan.

“Hindi.” – nagbelat naman si Stan kay Tita saka kumindat..

“Pasaway ka talaga!!”

“Kasi naman Ma’am! Ang boring boring sa klase! Sinong hindi magca-cutting!!” – sigaw ni Stan..

“Kesa naman maging repeater ka!!” – suway ni Tita A..

Nagkamot lang ng ulo si Stan..

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon