CHAPTER TWO

6.9K 145 4
                                    

LARAWAN ng perpeksiyon ang kabuuan ni Patricia. Tila isang diyosa na nakalatag ang kanyang kahubdan sa dambana. Bahagya siyang nakatagilid paharap sa pintor, nakatukod ang kanang kamay upang umangat ang itaas na bahagi ng kanyang katawan, habang ang kaliwang kamay naman ay payapang nakasampay sa kanyang beywang.
Ang mahahaba niyang biyas ay nakaunat maliban sa kaliwa na ayon sa instruksiyon ni Vaughn Eric ay bahagya niyang itikas, bagay na nagbigay ng sapat na pagitan upang magkaroon din ang lalaki ng mabuting punto de vista sa kanyang kaangkinan.
Kanina bago nagsimula ang sesyon ay halos mawalan ng ulirat sa kahihiyan si Patricia. Ngunit sadyang mahusay ang panghihikayat ng lalaki. Anito, "I totally understand how you feel, pero isipin mo na ang lahat ay isang professional performance lamang. You do your job, I'll do mine. Malice is completely out of this."
Humugot ng malalim na hininga si Patricia habang tumatangu-tango. "P-pasensiya na," aniya habang ibinababa niya ang sarong, hanggang sa ito ay ganap na malaglag sa kanyang paanan.
Mabuti siyang pinagmasdan ni Vaughn Eric. Mula ulo hanggang paa, tila isang metal detector ang mga mata nitong nagpabalik-balik sa kanyang kabuuan. "Magnifico!" agas at mahinang sambitla ng lalaki. "You got it all, Trish. You got it all."
Trish. He was the only one who called her Trish. Lahat ay Pat ang tawag sa kanya, maging ang kanyang nobyong si Paolo.
At that point, tungung-tungo si Patricia. Nagsimula siyang humakbang patungo sa dambana na may limang metro lamang ang layo. Narinig niyang tinawag siya ng pintor. Huminto sa paghakbang si Patricia, bahagya lamang ang kanyang paglingon.
"Wear this," ani Vaughn Eric. Pumaikot ito kay Patricia at mula sa harapan ng dalaga, isinuot nito ang isang malaking kwintas. It was a platinum-chained necklace na ang palawit ay isang malaking sapiro na hugis ng isang malaking patak ng luha.
Sa proseso ng pagsusuot ng lalaki sa kwintas ay muling inakyat ng pangingislig ang kabuuan ng dalaga, lalo pa nang sumayad sa ibabaw ng kanyang mga balikat ang mga kamay ng lalaki, na ang mga balahibo'y animo libu-libong tukso na gustong pukawin ang init mula sa kanyang kaibuturan.
Ang tear-shaped sapphire stone ay higit pang naging walang kasinghalaga sa paanan ng matatayog niyang dibdib. Tila iyon hudyat ng higit pang kayamanang matatagpuan sa rurok ng dalawang bundok.
"Perfect."
Walang kakayanan si Patricia na kilatisin ang alahas, katunayan ay wala siyang gaanong hilig sa mga ito. Okay na sa kanya ang isang maliit na diamond-studded earings at isang manipis na gintong kuwintas. Hula niya ay huwad lamang ang sapphire na kanyang suot, baka puwitan din lamang ng kung anong botelya.
Ang kanyang posisyon sa ibabaw ng dambana ay alinsunod siyempre sa kagustuhan ng pintor, at ang dalaga, bagaman alumpihit, ay walang lubay na tumatalima. Anupa't pagkaraan ng ilang saglit ay tila kalmado na rin ang pakiramdam ni Patricia. Bahagya lamang siyang napapaiktad tuwing nagbibigay ng dagdag na instruksiyon ang pintor.
Katulad ngayon, muli siyang napakislot nang marinig ang tinig ng lalaki. "Bahagya pang liyad, Trish. Konting-konti lang."
Pasinghap na tumalima ang dalaga. Anupa't ang dati nang nagtutumayog na dibdib ngayon ay tila higit pang nagmamatigas.
"That's it, hold it."
Ilang sandali ng katahimikan ang sumunod. Maliban sa mabining hampas ng alon sa dalampasigan at lawiswis ng mga dahon tuwing sumisimoy ang hangin ay halos wala nang marinig pa si Patricia.
Napatingin siya kay Vaughn Eric na marubdob sa gawain mula sa likod ng canvass. Maya't-maya ang sulyap nito sa kanya, saka muling ibubunton ang atensiyon sa ginagawa. Naisip ni Patricia, hindi kaya nangangati ang lalaki? Naalala niyang hindi ito nagbanlaw mula sa saglit na pagtatampisaw sa dagat. Nang umahon ay isinuot lamang muli ang white sleeves saka nagyayang magsimula na sila. Katulad ng dati, unbuttoned ang damit ng lalaki. At bagama't ikinukubli ng canvass, alam na ni Patricia ang hubog ng katawan ni Vaughn Eric. Namumutok ang dibdib na higit pang nagiging katangi-tangi sa maliliit na balahibong nakakalat doon.
Napapikit si Patricia. Sa balintataw niya ay malinaw na nakakintal ang nakausling nipples ng lalaki, outlined with a darker, circular skin color at nagigilid din ng mga buhok.
Her recollection went down his body, and she wondered how much time Vaughn Eric has para makapag-mantine ng ganoong pigura. Damn right, he got himself a six-pack abs! Iglap ang bahagyang paghahabol ng hininga ni Patricia. Mas mariin siyang pumikit habang ang diwa'y naglalakbay sa sikmura ng lalaki, and down further. Suddenly those tiny hairs from his torso have gone wiry and in greater abundance mula sa ibaba ng pusod hanggang sa, well, malay ni Patricia kung saan nagwakas ang damuhang iyon.
Nanagana ang imahinasyon ni Patricia. Naisip niya kung papano ba ang makulong sa mga bisig ng lalaki, kung papano ang madurog sa ilalim ng katawan nito, with all those muscles pressed to hers?
Tuluyang nabuhay ang apoy mula sa kailaliman ng dalaga. Ngunit bago pa siya tuluyang natupok, naulinigan niya ang pag-uusisa ni Vaughn Eric. Awtomatiko siyang dumilat. Napatingin sa lalaki. She was engrossed sa mga isipin kaya totoong hindi niya naunawaan ang sinabi ng lalaki.
"How's your mom?" ulit ni Vaughn Eric.
Tiyak ni Patricia na mabuting nailatag ni Lito sa kaalaman ng lalaki ang pinagdadaanang sitwasyon, na siyang dahilan kaya nabuo ang proyekto.
"I think she's fine," sagot niya. Ang alinsangan na ngumatngat sa kabuuan niya kanina ay iglap nang naglaho. "Pero hindi pa siya nakakalabas ng ospital. Sana pag-uwi ko, nasa bahay na siya." Nakikipag-usap siya sa pintor na bibig lamang ang gumagalaw. Ang kanyang katawan ay nananatiling tila naka-formalin.
"Nice to hear," anang lalaki na hindi tumitigil ang kamay sa pagguhit sa canvass. Alam ni Patricia na ang pakikipag-usap sa kanya ni Vaughn Eric ay bahagi pa rin ng pagsisikap nito upang higit siyang maging komportable. "Matagal ka na sa ganitong trabaho?"
Matuwid siyang napatingin sa lalaki. Nakatungo ito sa canvass. "Ito ang trabaho ko, sinabi saiyo ni Lito?" tanong niya.
"No, no, I mean sa modelling."
"Once a year lang akong may project, kapag maglalabas sila ng mga kalendaryo. I work as a fitness instructor."
"I can see."
I'm sure you can, naisaloob ni Patricia.
"So, you're the breadwinner?"
Ang lahat pala tungkol sa kanya ay tila alam na ng lalaki. "OK lang naman sa akin. Mahal ko ang pamilya ko." Maliban dito, ano pa kayang impormasyon ang naibato ni Lito?
"Hindi ka nahihirapan?"
Maluwat na napatingin si Patricia, pagkuwa'y bahagya siyang ngumiti. "Kung mahal mo ang ginagawa mo at ang iyong pinaglilingkuran, hindi mo mararamdaman ang hirap," tugon niya. Nakadama siya ng bahagyang bigat sa kalooban. Sa totoo lang, nahihirapan talaga siya. Bakit ay nakaatang sa kanyang mga balikat ang pagtataguyod sa pamilya. Araw-araw kailangan niyang tiyakin na may makakain ang kanyang pamilya, na papasok sa eskwela si Carlo at may madudukot siyang pambayad sa mga bayarin – ilaw, tubig at pang-matrikula ni Carlo. Mabuti na lang at nakapundar ang kanyang ama ng bahay na bagaman hindi pa ganap na tapos ay ligtas at komportable nilang nasisilungang mag-iina.
"Napakabuti mong anak," komento ng pintor. "Responsableng babae."
Kailangan, piping sagot ni Patricia. Siguro nagmana siya sa kanyang ama – matatag and a very good provider. Mga katangiang hindi man lamang tinaglay ng kanyang Kuya Ed. Na sa halip na antabayanan muna siyang makapagtapos ng pag-aaral ay pinili nitong magsimula ng sariling pamilya.
"Baka napapabayaan mo naman ang sarili mo?"
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Alin sa mga ito: matapat sa mga sinasabi si Vaughn Eric, sumasagap lamang ng iba pang impormasyon o sadyang tsismoso?
Anu't-anuman, naghatid ng realisasyon kay Patricia ang tanong ng pintor. Napapabayaan nga ba niya ang sarili? Hindi naman siguro. Malakas ang pangangatawan niya, sapat na oras ang kanyang tulog at iba't-ibang food supplements and vitamins ang nilalagok niya upang masigurong hindi siya magkakasakit. Iyon ba ang ibig sabihin ni Vaughn Eric?
"You have needs – bilang babae."
Luho? Well, matagal nang wala sa bokabularyo niya ang luho. Ang ibibili niya ng bagong damit ay ibibili na lang niya ng matinong sapatos ni Carlo. Kung bakit kasi pudpurin ang sapatos ng kanilang bunso? Mabigat ang katawan o sadsad kung maglakad?
"H-hindi ako bumibili ng hindi ko kailangan," sagot niya. "OK na sa akin na may nagagamit ako. I need to spend wisely."
"Time."
Biglang kumislap ang mga mata ni Patricia. "Time na tayo?" As required, dalawang oras tuwing umaga sa loob ng tatlong araw lamang silang magta-trabaho. Pinili ng lalaki ang umagang-umaga dahil ayon dito, hindi gaanong mainit at ito rin umano ang pinakamainam na oras para sa outdoor painting, at maging sa photography.
Sa narinig ay bahagyang tumawa si Vaughn Eric. Agas ang tinig ng lalaki na tila nagbibigay ng haplos sa kamalayan ni Patricia.
"B-bakit ka tumatawa?"
"I was talking about time," paliwanag ng lalaki. "Time para sa sarili mo."
"I don't need much time."
"You do not go out, do you?"
"Kung minsan, kumakain kami sa labas ni Camille. Minsan kami ni Paolo."
"Who are they?"
"Si Camille, siya ang boss ko. Si Paolo – boyfriend ko."
"Oh, you got a boyfriend?"
Nagkaroon ng tamis ang kanyang ngiti. "OO naman," aniya.
"Tell me about him."
"B-bakit?"
Nagkibit-balikat si Vaughn Eric. "Hmm, wala naman. Ayaw mo bang ibida ang mahal mo?"
"Well, bidang-bida naman siya sa akin," ani Patricia. Lumawak ang matamis niyang ngiti habang inaalala ang nobyo. "Mag-iisang taon na kami," dagdag niya.
Nakilala niya sa fitness salon si Paolo. He was then dating ng isa sa kanilang kliyente. Ewan niya kung ano ang nangyari sa dalawa pero nang sumunod na mga araw, nag-quit sa kanilang session ang babae, at nang sumunod na araw pa, muling sumungaw sa salon si Paolo.
"Ay, sir, she's gone," wika niya habang papalapit sa tsinitong binata. Napansin niya ang bugkos ng pulang rosas mula sa kamay nito. "'Di ko alam kung ano'ng nangyari pero may ilang linggo na siyang hindi pumapasok."
"I know," malawak ang ngiti sa mga labi ni Paolo. "Ang totoo niyan, ikaw talaga ang sadya ko."
"Oh, siyanga?"
Inabot sa kanya ng lalaki ang mga rosas. "For you."
Sa simula, preskung-presko ang dating sa kanya ni Paolo. Inisip niyang baka ginu-goodtime lamang siya nito sapagkat ano namang style iyon? Para lang isang mangingisda na nang walang kumain sa pain ay lumipat ng lugar at doon muling naghulog ng pain?
Ngunit sa kabila ng malamyang pakikitungo na ipinakita niya sa lalaki ay naging masigasig naman ito. Araw-araw siyang sinusundo at inihahatid. Sa ikalawang linggo, pinagbigyan ni Patricia na kilalaning lubos si Paolo.
Isa pala itong engineer sa isang establisadong construction firm sa Makati. Dating seminarista. Siguro hindi kinaya ang alinsangan ng abito kaya lumayas mula sa monasteryo. O sadyang mas masarap at mas malinamnam ang maalsang tinapay sa labas kaysa sa mga tuyot at flat na ostiya ng simbahan.
Dalawang Ate ni Paolo ay pawang nasa Roma, mga madre, samantalang dalawa naman ang nakapag-asawa. Bunso si Paolo kaya senyoritung-senyorito sa kanilang pamamahay.
Ang mga impormasyong ito tungkol sa pagkatao ni Paolo ang nag-udyok kay Patricia na tugunin ang pag-ibig na iniluluhog ng binata. At tila hindi naman siya nagkamali. Mabait si Paolo, Maalalahanin. Maunawain. Mahilig. Alin, kung hindi siya nag-iingat ay baka matagal na siyang nabuntis ng lalaki.
Mahal niya si Paolo. Nauunawaan nito ang kanyang kalagayan kaya't hindi siya napipilit magpakasal. Gayunma'y ipinangako niya, sa sandaling makapagtapos si Carlo ng pag-aaral ay magpapakasal na sila.
"Masuwerteng lalaki," untag ni Vaughn Eric. "Para siyang nanalo sa lotto."
Gustong pamulahan ng mukha ni Patricia, lalo't nakikita niyang nakakaloko ang ngiting nakapamilaylay sa mga labi ng pintor, kung papanong malisyuso rin ang kislap ng mga mata. Anupa't bigla siyang na-conscious. Dahan-dahan niyang kinipit ang mga paa, sa pag-asang maitago kahit kaunting piraso ng kanyang kaselanan. Gusto rin niyang sapuhin ng kaliwang kamay ang dibdib ngunit pinigil niya ang sarili. Kung gagawin niya iyon, matatambad sa kaalaman ni Vaughn Eric na ultra-sensitive siya. Kung gagawin niya iyon, masisira ang kanyang posisyon. Kapag nasira ang posisyon, baka mag-demand ng take two ang pintor, ibig sabihin, magtatagal sila. Gusto na niyang matapos ang bangungot na ito na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan.
Maya-maya, narinig niyang tumawa si Vaughn Eric. "What's wrong with you?" tanong nitong tumuwid mula sa pagkakatungo.
"B-bakit?"
"Nangangawit ka na ba? Bigla kang parang naging piki!"
Hindi pala nakalusot sa mga mata ng pintor ang kanyang pagkipit sa mga paa.
"You need a break?"
"No." Awtomatikong ibinuka ni Patricia ang kaliwang paa. Kung bakit kasi mayroon pang ganoon, e, nagmumukha tuloy siyang parang daing. Maliban pa ang pakiwari niyang tila nanunuot mula sa kanyang lagusan ang simoy ng hangin. Dalawang oras na ganito, siyento por syentong kabag ang aabutin niya.
"Nice."
Hayup ka, naghihimagsik ang kaloobang sambit sa sarili ng dalaga. Siguro nga'y pinagti-tripan siya ng lalaki. Pinukol niya ito ng tingin at bahagya siyang nahambal sa nakita. Kagat-labi ang pintor habang abalang-abala ang mga kamay sa pagguhit.
Dumako sa ilalim ng canvass ang paningin ni Patricia, at sapol na sapol ng kanyang mga mata ang hinahanap: ang pamamakat ng sagisag ng pintor na tila nag-uumalpas sa manipis na puti at indigong kulay ng surfing shorts.
For a while gusto niyang itigil na ang sesyon dahil pakiramdam niya ay Bastusan na ito, pero nagpigil siya dahil kung tutuusin ay parang amanos lamang. Hindi ba't kanina'y halos magliyab siya sa nadaramang atraksiyong-sekswal sa lalaki? Ang kaibhan lamang ay walang remarkable mass sa kanyang katawan na nagtutumikas sa hampas ng libido maliban sa bahagyang pag-iigting ng kanyang mga dunggot at paglalawa ng kanyang kasarian.
Ok, fine, normal reaction, napahinuhud niya ang sarili. Muli niyang pinagmasdan ang anyo ng lalaki. He was engrossed sa harap ng canvass. She could tell na parang nag-iinit ang mukha nito, o baka yaon ay repleksiyon lamang ng intensidad mula sa mga mata?
Muling inamin sa sarili ni Patricia na guwapo ang pintor. Matangos ang ilong, prominente ang mga panga ngunit tila mapanganib ang bibig. Basta hindi nakakalasaon, parang welcome ang lahat sa bibig na iyon.
Nag-aagaw sa pagiging unat at kulot ang buhok ni Vaughn Eric. Ang mga dulo ay tila mga usbong ng ferns na nalulukot sa mga gilid. Kung naging maputi ang lalaki, iisipin ng dalaga na may lahing Griyego ang pintor.
"Time out na tayo."
Pagkasabi'y agad pumihit si Vaughn Eric at patakbong lumusong sa dagat. Dumayb. Naiwang nagugulumihanan si Patricia.
Tumuwid siya ng upo. Ngayon niya naramdaman ang pangangawit. Nag-inat siya. Tumunog ang kanyang mga kasu-kasuan. Pinukol nya ng tingin si Vaughn Eric. Para itong naghuhuramentadong pating sa paglalangoy.
Dahan-dahan siyang tumayo, pumihit at mahinay na humakbang patungo sa kanyang sarong. Bigla ang pag-ahon ng hinala mula sa kanyang isip. Hindi kaya pumapatay ng sunog ang pintor sa dagat? Na hindi nito kinaya ang tanawing kanyang ipinamalas? Na higit sa kanya, inulaol din ito ng matinding silab ng damdamin at paghahangad?
Puwes, humanda siya, sabi ni Patricia habang binabalot ang sarili ng sarong. Pinagti-tripan mo ako, paglalaruan din kita.

Breathless EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon