KAIBIGAN 03/20/2016

7 0 0
                                        

Matagal na tayong magkaibigan. Halos 5 years na? Naaalala ko pa din yung mga pangako natin sa isa't-isa, yung ako lang ang best friend mo at ikaw lang ang best friend ko. Yung kahit anong mangyari hindi ka mawawala sa tabi ko.

Sabi mo ipagtatanggol mo ako sa lahat ng aaway saakin, proprotektahan mo ko sa lahat ng taong gustong manakit saakin.

Alam mo lahat ng sekreto ko, alam ko din lahat ng sa'yo.

Ayokong mawala ka saakin, ayokong masira yung pagkakaibigan natin.

Walang makakasira sa friendship natin noon, kahit anong pagsubok yan hinaharap natin lagi ng magkasama.

Pag may problema ako nandyan ka lagi para pangitiin ako, ginagawa mo ang lahat para mapagaan ang loob ko.

Masyado kang abnormal kaya nawawala yung lungkot ko, kinakantahan mo ko pag bored na ako.

Kinakanta mo yung favorite nating kanta, yung "Count on me".

Hindi tayo mapaghiwalay noon, walang makakapigil saatin.

Walang nagtangkang sirain ang pagkakaibigan natin kasi alam nilang matatag tayong dalawa.

Kasi nangako tayo na wala tayong paniniwalaan sa mga sinasabi ng iba tungkol saatin.

Close ka sa pamilya ko at ganoon din ako sa pamilya mo.

Kaya pag may outing kami kasama kayo pag kayo naman ang may outing kasama kami.

Parang tinuring na nating pamilya ang isa't-isa.

Pag minsan iniisip ko, baka magkapatid talaga tayo kasi sobrang compatible ng ugali natin sa isa't-isa.

Pag napapahamak ako lagi mo ako pinagtatakpan sa pamilya ko, hindi mo hinahayaang mapagalitan nila ako, ikaw yung kasama ko lagi sa mga kalokohan ko, ikaw yung partrner in crime ko. Pag wala ka wala ako, pag wala ako wala ka.

Tanda mo ba nung nag 1st year tayo? Yun yung una kang nainlove diba? Kay Nicole?

Nagpatulong ka sakin nun, at masaya ako kasi nakikita kong masaya ka pag nakikita mo siya. Yun lang naman ang gusto ko ee yung maging masaya ka kasi gusto kong masuklian lahat ng pagpapasaya mo saakin, lahat ng tulong na naitulong mo sakin.

Pero dumating yung araw na nadurog ang puso ko, nung pumunta ka sa bahay namin. Nakita kitang umiiyak. Lumapit ka agad saakin at niyakap mo ko. Bigla nalang din tumulo ang luha ko at sumikip ang dibdib ko. Nalulungkot ako na malungkot ka. Kinwento mo saakin ang nangyari sayo, sabi mo saakin binusted ka niya, nalaman mo na may gusto pala siyang iba at hindi ikaw yun.

Sinamahan lang kita at pinakinggan hanggang sa gumaan na ang nararamdaman mo. Sinabi ko sayo na hindi kita iiwan hangga't ganyan ka pang kamiserable. Sinamahan kita araw-araw. Pinapatawaka kita kasi ayokong nakikita kang malungkot.

Sinasabi ko sayo na marami pa namang ibang babae dyan na mas deserve mo. Yung mamahalin ka ng totoo, sinabi ko din sayo na wag kang mag alala kasi nandito lang ako. Hindi kita iiwan.

Dumating yung araw na nakalimutan mo na siya, masaya ka na ulit. Bumalik na yung dati mong sigla.

Ikaw na ulit yung nagpapangiti saakin. Nagpasalamat ka saakin kasi hindi kita iniwan. Sabi ko naman sayo na walang iwanan diba?

Bumalik na ulit tayo sa mga kalokohan natin.

3rd year tayo nung naramdaman ko itong kakaibang feeling.

Pag kasama kita, wala ng mas sasaya pa saakin. May kakaiba akong nararamdaman pag lumalapit at ngingiti ka saakin.

Hindi na ako makatitig sayo mag kinakantahan mo ako. Iba na yung feeling.

KAIBIGAN [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora