11.

1.1K 26 3
                                    

11.


Daenna's POV


pumasok agad ako sa opisina at nakita kong tambak na talaga ang gawin. Bakit ko nga ba ito nakalimutan? Hay. Masyado siguro ako naging masaya kasama si baekhyun kahit na puro sakit lang ang nararanasan ko, ngayon. Oo ngayon, kasi alam kong matatapos naman na. Magiging one big happy family na kami.


Speaking of Baekhyun, pagkatapos nya akong halikan ay mas naging nailap pa siya sakin. He's stuttering and can't look into my eyes. Pabebe pa, kala mo naman... Sus! Ginusto din naman nya at alam kong namiss nya din ang mga labi kong nalapat sa labi niya.


"Miss Daenna" lumingon ako sa kumatok sa aking pinto, at tinawag ang pangalan ko. It was my secretary. "heto na po yung mga designs na pinasabi niyo" sabay lahad saakin ng portfolio.


There are mermaid cut dresses na alam kong fit na fit sa girls generation. Yung tux naman ng Super junior ay maganda din. by 3's. Ibig sabihin may tatlong magkakaparehas ng kulay ng damit pero alam kong iibahin ang designs. Hindi rin naman siguro big deal kung lalagyan ko ng sequins ang ibang damit para naman mag-stun yung iba. pero syempre lahat sila, mags-stun. They're Super Junior. One of the Legends. 


I kept myself busy at patuloy sa pagd-design kailangan na itong matapos. These past few days wasn't quite good. Ramdam ko iyon. I need to focus. Besides, may isa pang pinapautos ang ceo sakin ng Sm Entertainment. again, to make one of their songs. To be honest, ayoko na. Kasi paniguradong aalahanin ko lahat, baka hindi ako makagawa ng kanta. Isa pa, wala pa naman siyang hinihinging deadline. Alam kong may papasok sa utak ko, and I'll wait for it. Pero ayoko ring biguin ang ceo. Ayokong patagalin pa ito dahil ayoko rin naman na ng connections sa kanila. Ang hirap lang din namang tanggihan kasi, I'm also a big help to them before. 


"Miss?"


"Hmm?"


and gestured her to come in without looking her. "May nagpapabigay po" at doon lamang ako tumingin. It's almost lunch time. At lunch box ang inabot ng secretary ko.


"Sinong nagpapabigay?" nakakunot noo kong tanong. 


"hindi po nagpasabi pero, He hoped that you'll enjoy daw po" sabi niya. "Have a great lunch, Miss" at lumabas na sa office ko. Wala namang nagpapadala saakin ng lunch eh, madalas ay kumakain na lang ako sa labas at yayain si Mina kung hindi siya busy. O kaya nama'y kakain at babalik after 2 hours. Sino naman kaya ang magpapadala? but I find this, sweet. Binuksan ko ang lunch box, bumungad ang kimchi, hanwoo, at mga gulay na may iba't ibang hugis, Pero pa-heart shape ang form ng gulay tapos nasa gilid ang kimchi at hanwoo. kinuha ko ang chopsticks at kumuha ng hanwoo. Hmm! medyo raw but edible naman kaya nginuya ko. 


Baek-Aegi:

- Got your lunch?


So siya pala ang nagpadala? Tumikhim ako at nagreply.


Me:

- Yep, who helped you to cook? Thanks by the way :)


binaba ko ang cellphone ko at kumain ulit. He did this before. Hindi lang ulit ako makapaniwala. Hindi naman mae-effort si baekhyun sa pagluluto dahil alam kong may chance na masunog ang bahay. Well, noon pa naman. Magaling si baekhyun magluto ng noodles.. instant noodles to be exact. Malapit ko ng maubos ang pagkain nang tumunog ulit ang cellphone ko. 

We're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon