Una't Huli

26 2 0
                                        



"Sapagkat ako ay nakatali na sa tanikalang tadhana, ako ay imposible nang makawala." Ito ang mga huling salita na aking isinulat sa isang pirasong papel at aking iniwan sa aking kinahihigaan bago ako lumisan. Malalim na ang gabi at ito'y masasabi na atang madaling araw. Hindi ko matandaan kung anong oras ako lumabas sa ospital na aking tinutuluyan. Napaka sarap ng simoy ng hanggin sa ganitong oras. Tahimik ang paligid. Kaka-unti lang ang tao at sasakyan. Napaka payapa. Sana'y ganto nalang lagi. Walang kahit anong bakas ng kaguluhan. Ngunit matapos akong mapaisip. May isang bagay akong napag tanto. At ito ay ang hindi naten malalaman kung gaano kahalaga ang pag kakaroon ng kapayapaan kung ni minsan hindi naten o hindi tayo nakaranas ng kaguluhan. Kagaya na lamang ng hindi naten malalaman kung gaano kahalaga at kung gaano kasarap sa pakiramdam ang pagiging busog kung ni minsan ay hindi tayo nakaranas ng matinding gutom. Dapat talaga ay balanse ang ating mundo. May mga bagay talaga na kahit hindi naka bubuti para sa atin ay dapat paring manatili.

Nag lakad ako sa isang kalye, kalyeng naiilawan lamang ng mga ilaw sa poste at minsan ay ng mga ilaw ng mga kotseng napapadaan. At sa aking pag lakad ay may nasaksihan akong sinaryo. Sinaryong pang karaniwan na para sa lahat. Isang kuting na nabundol ng isang rumaragasang sasakyan. Imposibleng makaligtas ang kuting na iyon. Ngunit normal na lang iyon. Lahat naman tayo ay darating sa punto na tayo ay mamamatay din. Nabubuhay tayo na alam nating tayo ay mamamatay din. Pero hindi tayo nabubuhay para lang mamatay. Dahil sa pang yayareng iyon ay sumagi sa aking isipan kung bakit nga ba ako nasa ospital kanina. Mamamatay na nga rin pala ako. Bilang na ang aking mga araw dahil sa sakit ko sa baga. Balita ko ay kanser ito. Natawa nalang ako ng aking maisip na baka ako na ang sumunod sa kawawang kuting na iyon.

At sa patuloy kong pag lalakad ay nakarating ako sa isang lugar na kung tawagin nila ay iskwaters erya. Malayo layo naren pala ang nalakad ko. Pinag masdan ko ang paligid. Marami rami naren ang taong gising na. Napansin ko rin na dikit dikit ang mga bahay na gawa sa tagpi tagping yero at kahoy na kung mag kasunog dito ay parang itinumba lang ang mga dikit dikit na domino. Maswerte naren siguro kung may roong ply wood na makikita rito. Hindi ko alam kung paano natitiis ng mga tao dito ang ganitong pumuhay sa lugar na puno ng kalat at dinag dagan pa ng masukal na amoy. Pero ang pinaka takaw pansin para sa akin ay ang isang pamilyang sa tabi ng kalsada naninirahan. Sa karton na nga lamang sila natutulog. Kumirot ang aking dibdib sa aking nakita, hindi dahil sa ako ay naawa sa kanila kundi dahil sa ako'y naiinggit. Kahit sa kalagayan nilang iyon ay tila mas mayaman pa sila sa akin. Meron silang isang bagay na ni minsan ay hindi ko nakamit. At iyon ay ang pamilyang sama sama. Sila'y sama sama kahit ganun ang kanilang sitwasyon. Ngunit ang aking pamilya, kahit sa isang salu salo ay hindi nag sama. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may pamilya kang kasama.

Sa patuloy kung pag lalakad ay hindi ko namalayan na sumikat na pala ang araw at ito'y tirik na. Dahil dito nag hanap ako ng lugar kung saan pwede ako makapag pahinga. Naramdaman ko naren ang kapaguran dulot ng mahaba haba kong nilakad. Kumakalam naren ang aking kalamnan. Mabuti nalang ay dala ko ang aking pitaka at ako'y bumili ng aking makakain at maiinom. Pupunta na sana ako sa isang palaruan upang doon kumain ngunit may lalaking kasing edaran ko siguro ang lumapit sa akin. Kinalabit ako at umambang nang hihingi. Hindi ko alam kung bakit pero binilhan ko siya ng panibagong pag kain at inumin.

Sabay kaming nag tungo sa see saw ng paluran na binibigyan ng silong ng mga matataas na puno sa paligid nito. Pag kaupo na pag kaupo palang namen ay kinain niya agad ang ibinigay kong pag kain senyales na siya ay gutom. Agad ko naman siyang pinigilan at sinabing mag dasal muna bago kumain. Dapat pasalamatan muna ang Diyos sapagkat kame ay may kinakain. Sumunod naman siya sa aking sinabi at sinundan ako sa pag darasal. At nang matapos kameng kumain ay nakausap ko siya. Madame dame rin kameng napag usapan. Tinanong niya ako kung bakit daw niya dapat pasalamatan ang Diyos kung ako nga ay hindi niya pinasalamatan para sa binigay kong pag kain para sa kanya. Tsaka ko lang din napag tanto na hindi niya nga ako pinasalamatan. At base sa kanyang tanong at tono ng pananalita halatang may pag dududa siya sa Diyos. At alam kong kung sasagutin ko ang kanyang tanong ay mag tatalo lang kame sapagkat mag kaiba ang aming paniniwala. Kaya mas minabuti kong iwasan ang tanong niya at tinanong ko na lamang siya kung bakit hindi niya ako pinasalamatan. Natawa ako sa kanyang reaksyon. Iniisip niya siguro na ako'y kakagat sa tanong niya.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now