Chapter 1

11.9K 161 24
                                    

Chapter 1

Fifteen minutes before Showtime starts and I'm still here prepping up. Na-late kasi ako nang gising. I'm almost done. Lipstick na lang ang kulang. Mag red lipstick kaya ako today? Para maiba naman.

*Knock Knock*

"Pasok! Bukas yan." Sabi ko habang naglalagay ng lipstick. Dahan dahan bumukas yung pinto. Oh, it's Vice. "Ikaw pala Vice. Good morning! Kararating mo lang din?" Naglalagay pa rin ako ng lipstick. He ignored my question. Sinara niya yung pinto. Nakayuko siyang naglalakad papalapit sakin.

"Ay!" He suddenly hugged me from the back. Sobrang higpit ng pagkayakap niya. Nanlalambing nanaman si Vicey. 

"Karylle.." Sabi niya. Wait, is he crying? Bigla siyang humagulgol habang nakayakap pa rin siya sakin. 

"Vice? Anong nangyari?" I asked him.

Hinigpitan niya yung pagkayakap niya sakin. "Wala na.. wala na kami ni Baby Boy.." Humagulgol pa siya lalo. 

Inalis ko yung kamay niya sa pagkakayakap niya sakin at humarap ako sakanya. Yumuko siya at umiyak pa lalo. "Hey hey.. Vicey.." hinawakan ko ang magkabilaang psingi niya at inangat ang ulo niya paharap sakin. Oh God.. Magang maga yung mata niya. I hate seeing him like this. It breaks me apart. 

"Umupo muna tayo.. Tell me what happened." Inupo ko siya sa chair at umupo ako sa harapan niya. 

"Iniwan na niya ko.." His voice cracked. Yumuko siya ulit. "Sabi niya.. sawang sawa na daw siya sakin.." He cried some more.

I didn't speak. Hinintay ko siya matapos magsalita. I just sat there listening to him. Walang tigil ang pag tulo ng luha niya habang nagsasalita siya. It hurts me seeing him like this. I hate him. I hate that guy for leaving Vice. He's suck a jerk. Vice is a good person. He deserves to be happy. Wala siyang ibang ginawa kundi maging mabuting tao. 

"K.. Bakit ganun? Bakit lagi na lang ako talo pag dating sa pag-ibig? Ang daya naman.. ang daya daya naman.." Pinapadyak padyak niya yung sahig.

"Porke't ba bakla wala nang karapatang maging masaya? Ano bang kasalan ang ginawa ko?" I covered his lips with my index finger and I shook my head. "Shh.. Wala kang kasalanan. It's his lost dahil pinakawalan ka niya. Don't blame yourself, Vice. Mabuti kang tao." Pinunasan ko yung luha niya.

"Pero mahal ko siya.." Muling bumuhos ang luha niya. He really loves him. This isn't the first time na umiyak siya dahil sakanya. Maraming beses na rin sila nagkaroon ng away na umuwi sa hiwalayan pero nagkakabalikan pa rin sila. Kaya lang naman sila nagkakabalikan dahil si Vice mismo ang lumalaban. He would do anything for him. Pero kahit naman na nagkakabalikan sila, hindi nagtatagal umuuwi rin sa away. Minsan nga pinapagalitan ko na 'tong si Vice e. Ayaw niya kasi makinig sakin. Ang tigas tigas ng ulo. Well, pag-ibig nga naman.

"Mahal na mahal ko pa rin siya.. K.. Anong gagawin ko..?" Vice, please.. Kung pwede lang pakinggan mo na ko this time. Ayoko ng masaktan ka pa. 

Kung Ako Na Lang Sana | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon