BARRACKS

123 2 1
                                    

"Cadet Echeverri Sir?" tawag sa kin ng isang Third Class Cadet.

"What?" Tanong ko

"Sir, you have a visitor at the bodle bar sir." Sabi niya.

"Why?" Sabi ko.

"Sheree sir," Sheree? Ngek siya na naman?

"Sabihin mo nag OB (Official Business) ako." Naiinis na sabi ko.

"Yes sir," sabi ng underclass.

Si Sheree yung babaeng bisita ng bisita sa kin. Stewardess siya, sexy, morena at magaling kumanta. Hindi ko type. Yung mga mistah ko kung anu-ano sinasabi. Pagbigyan ko na daw. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga magustuhan. Nag date nga kami dati eh kaso ang landi kasi. Oopppsss tama bang sabihin ko yun? Pano lapit ng lapit. Nung nagdinner kami minsan daig pa ang ahas kung pumulupot at tuko kung makakapit sa kin. Siyempre pa cool lang ako kaya di ko siya hinagis palabas ng bintana ng resto. Nakapanlilimahid ang kanyang kalandian.

Pinaka ayaw ko sa lahat mga malalanding babae.

"Cadet Echeverri, Sir" tawag sa akin ng parehong underclass. Pag lingon ko sa kanya may mga hawak hawak siyang mga supot ng mga pagkain at may malaking box ng regalo.

"ANO?" inis na akong nagtanong.

"Ma'am Sherie wanted you to have these sir." Naks sa English ang underclasman. Bawal kasi magtagalog pag kausap ang Upper Classman. Ako yung Upper Class man siyempre. Ang dami namang pagkain at kung anu-ano na naman to.

"May dalaw ka ba?" Tanong ko sa underclass, Gomez ang apelyido niya.

"None sir." tipid niyang sagot na may halong pagtataka.

"Sige kunin mo na lahat yang hawak mo, sa yo na." sabi ko

"Sir?" nagtatakang sabi nito.

"Kunin mo na at umalis ka na dito. Kung ayaw mo ibigay mo sa mga plebo o sa mga room mates mo." sabi ko sabay talikod sa kanya. Matutulog ako eh iniistorbo.

"Uy, teka...Akin na yang cake diyan nang maumpisahan na dito." Sabi ng mistah kong si Gray na kapapasok pa lang ng room. Kinuha niya yung cake na hawak nung underclass.

"Sige scram ka na," sabi niya dito pagkatapos.

"Permission to leave ..." sabi i Gomez.

"SCRAM!!!" ang sabay naming sabi Gray.

_____________

Will update this chapter

please read on and if you have any suggestions on how you want the story to end or go please feel free to sggest. Thank you

MY ONE AND ONLYWhere stories live. Discover now