Scale 1: Into the Deep

9 0 0
                                    

Author's note: Credits to owner of fanart* ^_^v


Scale 1: Into the Deep


Walang Forever.

Bakit ko nasabe? Escape goat lang naman yan ng mga umaasa sa afterlife. At dahil hamak na hampas lupa lang tayo, gawa-gawa na lang yung me mapupuntahang langit.

Hindi ako Pessimist.

Rational pa nga kesa sa mga ninunong unggoy.

---

"Cairo." May anak ng pating na tumawag saken. "Paki-basa ng susunod na paragraph." tuloy pa nung prof kong idol yata si Samurai Jack. Mamang nakapony tail na mukang adik.

Wala e. No choice. Kuha libro -- Flip-flip muna--

"Ni page ba ng binabasa natin alam mo?"

Ambot.

*Sigh "Mahina ka na nga pumick-up ng lessons, ni Makinig di mo pa magawa." gatong pa nun.

Nah. Di na ko sumagot. Di ko naman talaga trip makinig. Pinag buntong hingaan na lang ako, "Sa office ka dumiretso after class."

Tango-tango na lang.

--

Tumunog yung school bell pasado alas tres, recess na daw. Me subject pa pagkatapos pero tamad na ko. "Tikas mo pre." sabi ng kebigan kong sumulpot bigla sa likod nang patayo na. "Bengga ka nanaman this year nyan!" gatong pa ng loko.

'To si Fid. HS ko pa tropa -gang ngayong 2nd year college. "Thank you, bait mo g*go." sagot ko.

"HAHAHA! Welcome!" na may kasamang tapik sa balikat. Tas, sumama na sa girlpren nyang si Marise. "Regards ke Jack!"

"Uy. Okay ka lang ba?" Si Monica nagsalita papunta saken. President ng klase.

"Ba't hinde." ako. Sabay kuha ng bag nang makalayas na.

"San ka pupunta, Cairo?" sabi pa neto habang sunod ng sunod gang sa pinto. "Uwi ka? May klase pa, tsaka may appointment ka kay Sir Royales."

"walang me pake." Paghawi ko sa kakaharang ng babaeng to.

"Oy lagot ka nyan, makinig ka nga jan." sabay hila neto sa bag ko. "susumbong kita!"

Tinabig ko na lang tas umuwe na ko.

--

*10 hours later. Hating gabi.*

*CLANG*

Bagsak nung kawali. Tas sunod-sunod na kalabog na sa kusina.

Si Alicia na yon. Sakit sa ulo.

Bumangon na ko tas bumaba hagdan. Nakapasok na yung dalawang goons nang makita ko, buhat buhat Nanay ko. Mapapakamot ka na lang talaga ng ulo.

"Sinabihan naman namin syang magdahan-dahan lang, Bata." Si Adolf.

"La namang bago." ako. "iwan nyo na. ako nang bahala." kinarga ko si Alicia sa likod. "Salamat uli sa paghatid dito."

"walang problema." nagsingitian si Adolf at Ruel saken tas umalis na din.

Anong wala?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saving SerenityWhere stories live. Discover now