Under Your Spell

19 2 3
                                    

Under Your Spell (One Shot)

A short story written by ShielaPottie

__________________________________


People are stupid when they're under the spell of love.

Humans are frozen when they're under the spell of time.

We are weak when we're under the spell of pain.

And if you're under that entire spell, then you're probably an idiot.

But the most ironic part is that I am one of those nut-headed people who can endure everything just for the small amount of love.


"What do you think? Ano sa tingin mo yung kailangan kong gawin? He's been like that ever since we became together." Saglit akong nakarinig ng hikbi mula sa babae sa kabilang linya. Ang pinakamalapit kong babaeng kaibigan... at ang babaeng mahal ko rin. "I think he's not taking our relationship seriously."


Napabuntong hininga na lang ako. Pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko dahil sa mga sinabi nya. Inayos ko ang pagkaka-upo ko sa aking kama bago huminga ng malalim para sagutin yung tanong nya.


"Makipaghiwalay ka na." Diretsong sagot ko sa kanya. Sandali syang napatahimik sa kabilang linya bago ulit ako nakarinig ng hikbi. "As easy at that. Palagi ka na lang din naman nyang sinasaktan, diba? Wala na syang ibang alam gawin kundi ang paiyakin ka." I pinch the bridge of my nose to control whatever feelings I am feeling at the moment.


"Know what, Lane, there's still plenty of men way better than your dick-head boyfriend is."


Pinisil ko ng pinisil yung hawak kong stress ball dahil sa sobrang inis. Nabubwiset ako sa boyfriend nya. Palagi na lang syang niloloko, sinasaktan. Pinagmu-mukhang tanga. Sa tuwing mahuhuli nya naman lahat ng ginagawa sa kanya, isang sorry at paglalambing lang sa kanya, pinapatawad nya agad.


Yeah, that's how stupid my bestfriend is dahil sa sobrang pagmamahal nya sa gagong yon.


Palagi na lang syang nagbubulag-bulagan. She just keeps on accepting her boyfriend's obvious sins.


Kapag nahuhuli nyang niloloko sya, wala na syang ibang nagagawa kundi ang umiyak. And by that, I always knew that she would end up calling me. Sa akin sya maglalabas ng lahat ng hinanakit nya na hindi nya masabi sa iba.


That's where my role, her best friend, will show up. It's my role to comfort and wipe her tears away even though I'm dying inside knowing I can do better than her retarded boyfriend.


Ganito na ang set up naming dalawa for two years. Ako ang tatawagan at iiyakan nya. Ako naman si tanga, ito, kahit sobrang nasasaktan na sa lahat ng mga sinasabi nya, nandyan pa rin para patawanin at mahalin sya kahit na alam kong hindi nya kayang ibalik yong pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.


She just sees me as her best friend, nothing more, nothing less. Damn it.


Narinig ko yung malambing nyang tawa sa kabilang linya kapalit ng mga hikbi nya kanina.


"It's not that easy to break up with him. Alam mo namang mahal na mahal ko yon, diba?"

Under Your Spell (One Shot)Where stories live. Discover now