"Tamang Panahon"

173 2 0
                                    


Sino ka nga ba?
At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?

Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Madalas nga ay hindi ako mapakali
Sa dami ng bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib.

Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat
Kaya dapat daw akong maging maingat
Pero sino ba sila para magdikta ng kung sino ang nararapat?

Inaamin kong ako'y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko
Pero ano nga ba ang magagawa ko,
Tila ang loob ko'y unti-unting nahuhulog sa iyo.

Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba'y aking gusto
Ngunit ang isip at puso ko'y nagsimulang magtalo
Maaring "hindi" ang bulong isipan ko
Pero nararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay "Oo".

May mga oras na isip ko'y gulong-gulo
Sapagkat hindi ko na malaman kung alin ba ang totoo
Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sayo
Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko.

Alam mo ba na mahirap kang basahin?
Kaya tila bang kay hirap mong mahalin
Sa takot na hindi mo ako kayang saluhin.
Ayos lang, basta kailanman ay huwag mo akong lolokohin.

Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso mo
At magbakasakali kung pangalan ko ba ang isinisigaw nito
Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo
Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo.

Sinubukan kong pigilan ang aking nadarama
Ngunit tila sa puso ko'y ikaw lang ang tanging makikita.
Dapat na bang aminin, aking Sinta?
Tama bang sabihin sa iyo?
Tamang panahon nalang ang hinihintay ng puso ko.


-- Maine Mendoza

February ThirteenWhere stories live. Discover now