Chapter 6

62 3 2
                                    

*Kesha's POV*

Kadarating lang namin ni Hans. Nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin ni lola. Medyo madilim na rin kasi wala ng araw. Bukas na rin ang mga street lights. Bukas na rin ang ilaw sa loob ng bahay namin. Siguradong hinihintay na 'ko ng lola ko.

"Sige pasok na ako best." Kumaway pa 'ko sa kanya at pumasok na nga ako sa gate namin.

"Sige pasok na rin ako." Nakita kong ipinasok nya ang kotse sa loob ng garage nya. Ayon naghiwalay na nga kami ng landas.

Pagpasok ko sa bahay agad akong nagpunta sa kusina dahil alam kong sa mga oras na 'to nandun sya. Nakita ko nga syang busy sa pagluluto.

"Hmmm. Mukhang masarap na naman ang ulam. O(∩_∩)O" Excited kong sabi.

"Oh. Andyan ka na pala. Kumusta ang date nyo?" Ayan na naman si lola, tinutukso na naman ako.

"'Lola talaga. Hindi naman date 'yun eh. Ok naman po 'yung lakad namin. Isa pa hindi kami magkasintahan o nagliligawan para matawag na date 'yun. Haha" Oh di ba? Ang saya namin. 'Yan ang lola ko. Masarap syang kausap.

"Ang ganda ng kwentas mo." Napansin pala ni lola.

Tinanong nya kung saan ko 'to nabili at kung saan kami nagpunta. Kaya ayun, I told here everything. Pati ang tungkol kay Kenzo at Kaye. Sinabi ko rin sa kanya na may planong bumisita ang dalawang 'yun. Natuwa naman sya nung nalaman nya 'yun. Sinabi nyang excited nga syang makita sila ulit. Pagkatapos ay kumain na kami at hinugasan ko ang mga pinagkainan namin ni lola. Pumasok na ako sa kwarto. Si lola naman ay nanunuod ng TV. Nagpalit muna ako ng pantulog ko at nagsipilyo.

"Teka lang, asan na nga ba ang cellphone ko?" Ay naku, nakalimutan ko na naman kung saan ko 'yun inilagay.

"Bakit di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran.." Ay teka nagriring ang cp ko.

"Nandito ka lang pala. Ay teka tumatawag si best. Ano na naman kaya kailangan sa'kin nito?" Oh di ba? Pati cp ko kinakausap ko. Hehe Nandito pala sa pants na suot ko kanina.

"Hello best? Ano na naman?" Haha Ang bait kong bestfriend noh?

"Gusto ko lang ipaalala sayo na magsisimba tayo bukas kaya matulog ka ng maaga." Ok. 'Yun lang naman pala.

"Opo. Ito na nga at nakahiga na ako." Nakakatawa talaga sya noh? Para naman akong bata.

"Sige bye." Ganun lang 'yun.

"Ok. Bye." Makatulog na nga.

Nagpray muna ako bago matulog. Pagod ako kaya naman tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko at nakatulog ako agad.

Good night soulmate.

Kinabukas nga ay gumising ako ng maaga, dumating si Hans para sunduin kami ni lola. Nagsimba kami, pagkatapos ay kumain kami sa Chowking. Then, umuwi na kami. May gagawin pa kasi ako para sa lesson ko bukas.

Nasa kwarto ako ngayon at gumagawa ng lesson plan at instructional materials na gagamitin ko bukas. Nagsa-soundtrip din ako. Nakaplay ang kantang Valentine by Kina Grannis.

" Love, it's a special day
We should celebrate and appreciate
That you and me found something pretty neat
And I know some say this day is arbitrary

But, it's a good excuse
Put our love to use, baby
I know what to do, baby
I, I will love you
I'll love you
I'll love you

Love, I don't need those things
I don't need no ring
I don't need anything
But you and me, 'cause in your company
I feel happy, oh, so happy and complete

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Soulmate Is A Vampire ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon