First Chapter

105 11 10
                                        




"Tol wala kaba talagang maisip kung anong meron bukas!??" sabi saken ng bestfriend kong si Mia. Tanghaling tapat palang at nakaupo kame ngayon sa Mcdo habang kumakain ng fries and sundae.

"Ano ba toh! Paulet-ulet? Wala nga akong alam! Anong date na ba bukas?" Inirapan nya na lang ako. Hay nako tong babaeng toh talaga! Nagtatanong tapos mang iirap. Tss. Pabayain na nga kung anong meron bukas.

"Wait..." Napaisip ako. Nako! sana hindi!

"Bukas na ba yung test!?? Nako omaygadd wala pa kong nasisimulan! Nabigay naba yung mga pointers? Bes pahingi naman oh, wala akong nasulat niisa eh. Tapos yung mga proj..." Hindi ko na natapos yung mga sasabihin ko dahil bigla na lang siyang tumawa at nagsalita

"AHAHA ibang klase ka talaga! Walang test bukas! Jusko Rina bakasyon ngayon walang pasok okay?? Kakaiba ka talaga. Sige na nga una nako may gagawin pa ko eh. Ikaw na bala dyan ha! Babye!!" at patuloy na syang umalis habang naiwan ako. Hay salamat nakahinga nako ng maluwag. Walang test bukas YES!!! Pero anong meron meron bukas at parang may importanteng mangyayare bukas? Hayy bala na nga siya don.


Mia's POV

Pagkalabas ko ng Mcdo ay agad-agad kong tinatawagan ang daddy ni Rina.

"Hi Tito! Ready na po ba for tomorrow? ... osige po ... ako na pong bahala sa kanya ... ahaha! wala nga po syang alam eh ... ok po. Bye tito!" (end call)

Hay nako eto talagang si Rina hindi man lang natatandaan ang sariling birthday! Oo, birthday na nya bukas at napagkamalang may test bukas. Hay nako.

Since maaga pa, mag hahanap na lang ako ng pedeng gamitin para bukas. Mag ssurprise party kame sa kanya since hindi niya alam kung anong meron bukas.

Since mag isa lang ako, tinawagan ko yung iba naming katropa ni Rina at nag pa tulong ako para bukas.


The next day ...


Rina's POV

Kakamulat pa lang ng mata ko ay binuksan ko na agad ang phone ko para tignan kung anong oras na pero nagulat ako nung nakita kong punong-puno ang phone ko ng mga notifications. Ano toh? Ba't puro mga Happy birthday? Baka naka log-in acc dito ni mia? Wait birthday niya?? Ayyyyy nakakatamad mag isip ohh mamaya na nga lang.

Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na lang ako sa baba para kumain ng bfast.

Pero nung lalabas na ko ng kwarto ko, nakita ko sa sahig sa may labas ng pintuan ko parang may kalat yung sahig. Parang mga confetti na gulo-gulo na naka ayos tapos parang naka pathway style. Weird. Dirediretso akong nag lalakad papunta sa kitchen at nung pagkababa ko nagsigawan silang lahat ...nice...

"Happy birthday Rina!!" bati nilang lahat saken habang naka party hats na parang bata na may balloons at may hawak-hawak silang banner. Napangiti na lang ako habang niyayakap nila ako.

"Ano ba yan bes! hindi mo ba man lang tinignan sarili mo sa salamin? may laway pa yang gilid ng labi mo!" Nanlaki ang mata at tumakbo ako agad-agad sa cr. Nung nakita ko ang sarili ko omaygad. Mukha akong basura. Jusko. Nag hugas agad ako ng mukha, nag suklay ng buhok, at nag ipit.

Nang mukha na kong decenteng tao, lumabas na ako ng cr.

"Oh anak. Nagustuhan mo ba yung surprise namin?"

"Opo, daddy. Kaya pala tong si Mia tanong ng tanong kahapon kung anong meron mgayon. Bday ko pala" Napangiti naman si Mia sa sinabi ko

Halos lahat ng mga family members ko nan dito pati narin yung mga katropa ko nan dito narin. Habang kumakain ang lahat, tumawag si mommy kaya lumabas muna ako ng bahay para kausapin sya para hindi masyadong maingay. OFW kasi si mommy sa Dubai eh kaya nag tatawagan lang kame.

Pag katapos non bumalik na ako sa loob.

Pagka pasok ko sa bahay, tinawag ako ni daddy at hiningi ang atensyon ng mga tao sa loob ng bahay.

"Uhm magandang umaga sating lahat. May gusto lang akong sabihin sainyo at sa aking anak. Last month may pinagusapan kame ng mother ni Rina tungkol sa pag-aaral ni Rina dito sa pinas" medyo naguguluhan ako sa sinasabi ni daddy kase wala akong alam dito. Ano kaya toh? Medyo mukhang seryoso mukha ni daddy ..

"Since alam niyo nanamang lahat na malilipat ako ng trabaho sa ibang bansa kung saan nakadestinasyon ang nanay ni Rina, ay napag isipan namin na isama si Rina papunta sa ibang bansa para makasama niya ang kanyang mommy"

Wow. Nagulat ako don ah! Wala man lang akong kaalam-alam tungkol dito.

"Talaga daddy? Pede ko nang makasama si mommy sa ibang bansa?" tanong ko kay daddy habang nakangiti.

"Yun ay kung gugustuhin mo" Bigla namang lumaki ang mata ko sa saya. Minsan lang kasi kami mag kita ni mommy.

"Ofcourse daddy!"

"Then it's settled" sabi ni daddy nang nakangiti. Nagingayan ang lahat tapos niyakap ko yung mga kaibigan ko pgakatapos.

Napansin ko naman na may parang may lungkot na nararamdaman si Mia habang nakangiti. Pano ko nalaman? Tss bestfriend ko kaya toh.

"Tol wag ka nang malungkot. Mag uusap parin naman tayo eh. Para narin makasama ko si mommy. Wag kang mag alala hindi kita papalitan. Kahit na magkaroon ako ng maraming kaibigan sa ibang bansa, kayo parin ang tropa ko. Ayan nagiging corny na tuloy ako. Kain na nga tayo!" napatawa naman si Mia at yung iba ko pang mga kaibigan. Pagkatapos non, nagpatuloy na lang kame sa mga programs na inihanda nila.





_______________________________________________

Author's Note:

Okayy soryy kung boring yung first chapter. It's my first time writing a story here in wattled eh. Pls. bear with me.

Pero gagandahan ko na talaga sya next time. AHAHA ok

And pls don't forget to comment para malaman ko kung anong thoughts nyo and yeah

VOTE.COMMENT.FOLLOW :)

Started with HelloStories to obsess over. Discover now