Game 2

1.7K 40 16
                                    

Snow's POV

"S-sorry." Shit! Ba't ako nauutal? Nakayuko lang ako kaya hindi niya makita ang mukha ko.

"Tss." Sabi niya at linagpasan na niya ako. Hoo! Buti nalang. Hindi pa kasi ngayon yung time para sa misyon ko. Maghahanda pa ako.

Agad na akong naglakad at may nabangga na naman ako! Ano ba!? Bakit ang malas ko at ngayon?

Tinignan ko kung sino yung nabangga ako. "V-viel?" Oo si Viel, Viel Navarro. Siya yung crush ko noon pa. Shit! Chance ko na 'to.

"Huh? Kilala mo ako?" Sabi niya at pinagmasdan ako.

"Haha. Oo naman sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo?" Sabi ko at tumawa. Tinignan niya lang ako at ngumiti. Omg! Ngumiti siya! Saakin! Saakin siya ngumiti! Waaaaaaah pwede na akong mamatay!

"Haha. Sige una na ako." Sabi niya at umalis na.

Siya si Viel Navarro, Basketball player, heartthrob, sikat, mayaman, at gwapo, at higit sa lahat ay mabait. Hindi niya barkada sila Darren 'no.

Matagal ko na siyang crush. Hihi. Nung highschool palang kami. May time nga na lumapit siya saakin at tinulungan ako para buhatin yung mga dala ko dahil binubully nila ako noon. Wala kasi si Jane na nagtatanggol saakin eh.

Nanlisik yung mata ko nung makita ko ang mga barkada ni Montefalco, sila Ezekiel Torres, Eleven Anderson, Nathan Cordoval, at Skyler Javier. Sila ang tinaguriang "Breakers" Oo halata na sa pangalan nila.

Pero sisiguraduhin kong ang leader nila ang mabibigo at makakaranas ng Break.

Maghanda ka lang Montefalco.

※※※

"Jane, sigurado ka ba? Baka linuloko ka lang nung Darren na yun ah. Kilala siya bilang heartbreaker." Sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng meryenda namin.

Tumingin siya saakin ng seryoso.

"Snow, ano ka ba. Sure ako mahal ako ni Darren. Nanliligaw ba naman siya kung hindi niya ako mahal?" Sabi niya at ngumiti. Hayy ang ganda niya talaga. Para siyang anghel na bumaba mula sa lupa. Ayaw ko siyang masaktan, hindi siya karapatdapat na masaktan dahil lang sa lalaki. Kilala si Darren bilang isang Casanova at lahat ng babaeng nilalapitan niya ay sinasaktan niya. Bakit ko alam? Dahil sa sikat siya sa school na 'to.

"Nako, Jane Gonzales ah. Pag sinaktan ka talaga ng Darren na yan ako ang sasapak sayo. At wag mong sabihing hindi kita binalaan."

He's a PLAYER, She's a GAMER [DE] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon