"Babe, sorry na. Hindi mo na ba ako mapapatawad?" Sabi ni Kuya Paul.
"Kuya! Tigil-tigilan ako pwede? Hokage ka ha!" Sabi ko habang tumatawa.
"Maka 'kuya' ka ha! Mas matanda ka sakin ng 2 araw uy!" Sagot niya.
"Hindi pa rin maka-move on sa age natin no? Nasa higher grade ka kaya kuya kita." Tugon ko.
"Pero hindi pa rin magbabago na mas matanda ka sa'kin!" Sabay tawa.
Paul Irvine Reyes. Grade 9 na siya. Ako naman ay Grade 8. Naging close kami nito dahil sa isang H.S Project at naging magka-grupo kami.
"Thalia babe! Libre mo 'ko." Sabi niya sabay akbay sa'kin.
Landi talaga nito. "Hokage ka ha! May pang-DOTA, pambili ng pagkain wala?" Sigaw ko sa kanya.
"Babe... sige na, please?" Ayan na naman niya. Yang ganyang galawan niya ang hindi ko matiis.
"Hay... Oo na! Oo na." Ewan ko ba. Minsan hindi ko talaga kayang tanggihan ang isang 'to.
"Love you babe!" sabi niya.
I love you, too... Pero hanggang isipan ko na lang yon.
FLASHBACK
Crush ko na siya simula nung lumipat ako dito sa Two Moons Academy. Natuwa ako sa kanya kasi sobrang friendly. Parang boy version ko siya. Sobrang kulit, matalino (hindi naman sa pag mamayabang pero totoo) matakaw, at palangiti.
Sportfest namin tapos ginawan niya ako ng banner. Ang naka lagay:
"Go Thalia! Fighting!"
-Irvine
Dahil do'n mas lalo akong na-attract sa kanya at naging close kami. Yung tipong palagi kaming magka-text, magka-chat at magkausal sa telepono.
"Bhe, may sasabihin ako sa'yo." Bulong sakin ng best friend kong si Rhia at kinikilig-kilig pa.
Ako naman, medyo chismosa. "Ano ba yo'n at may pagngiti ka?" Tanong ko.
"Kasi... nakatext ko yung crush ko kagabi." Sabi niya sabay hampas sa'kin. Sadista rin 'to minsan e.
"Oh? Anong nangyari?"
"Edi ayon. Tanungan about sa mga interests namin, mga gano'n. At! Eto pa..." Kinikilig parin siya.
"Ano? Huwag kang pa-bitin!" Sabi ko habang natatawa.
"Diba nag-gm (group message) ako kagabi ng Dare game?" Tumango naman ako. "Na-receive niya ang GM ko tapos nagreply siya. Saktong pangatlo siya. At ano yung nasa number three? Eto oh! Basahin mo."
Pinakita niya sakin ang GM niya.
DARE GAME!
Ipasa mo sa lahat ng contacts mo at tingnan natin kung anong makukuha nila dito. Reply ka lag nag 'game'. Kung pang-ilan siyang nagtext yun din ang dare niya. Eto ang mga dare:
YOU ARE READING
Hokage Ko
Teen FictionOne-shot. Naranasan mo na bang magmahal ng dalawang beses sa iisang tao? Oh well, pwede sa iyo ito. Baka makarelate ka pa.
