(a/n: Lahat po nang mga tulang mababasa ninyo dito ay pawang mga kathang isip ko lang po.)
Plagiarism is a crime.
**********
**PANGARAP**
Sa bawat minutong nagdaan
Sa isipa'y ikaw lang ang tanging laman
Sa bawat minutong lumipas
Pag-ibig ko sa iyo'y hindi kumupas
Ikaw ang laging laman nang panaginip
Pati sa paggising ikaw ang unang iniisip
Mukha mo sa isipan ay hindi nawaglit
Mukhang nakangiti na tila nang-aakit
Kay saya nang araw ko
Kapag sa tabi mo ay naroroon ako
Kay sarap sa pakiramdam
Kapag kamay mo ay hawak ko
Ni sa hinagap hindi ko akalain
Na ikaw ay magiging akin
Pangarap ko ay natupad
At sa puso mo ako ay napadpad
Subra-subrang kasiyahan
Ang aking naramadaman
Dahil ang dating pangarap
Ang ngayon ay kayakap.
************
Vote and Comment
Prince_R
