“Paano aalis na ako? Nga pala Mr.Snowman ako si Abhie! Bagong estudyante ako dito!” – sabi ko saka inilahad ko ang kamay ko, tinanggap naman niya yon at napangiti ako ng pisilin niya ito..

Nagmadali na akong lumabas ng library para naman mahubad na ni Mr.Snowman yung costume niya..

Sobrang dami kong naencounter  sa first day ko sa Oecil Uiversity.. Una yung Student Terror na nakatawag ng pansin ko dahil sa picture nila sa bulletin board, pangalawa dito pala nag aaral si Monster ng kagwapuhan, hindi lang yon kapangalan pa siya ng Papa ko ko.. Pangatlo yung pag aaway ni Shane at Elle dahil break na sila, at pang apat nakilala ko si Mr.Snowman..

_________________________

Kinabukasan kahit nahihirapan akong gumising ng maaga pinilit ko pa ring tumayo para makapasok ako, kung sa dating school ko pang hapon ako dahil hinahati ang pasok ng mga estudyante para magkasya sa classroom, sa bagong school ka naman ngayon maghapon ang pasok! Nakakaantok nga eh tapos ang lamig lamig pa gawa ng aircon! Nandito na ako ngayon sa classroom nagsasagot ako ng work book ko, may meeting kasi yung mga Professors namin.

Parehong hindi pumasok si Shane at  Elle, sila palang naman yung kakilala ko dito sa Oecil University.. Nagulat ako ng biglang may tumabi saakin na lalaki, siya yung kumindat saakin kahapon nung inintroduce ko ang sarili ko..

“Hi! Abhie!” – masiglang bati niya.

“Hi.” – nakangiting bati ko, mejo gulo yung buhok niya pero bagay naman sakanya.. Kung titignan siyang mabuti sa pagkakaupo niya mas matangkad siya saakin, gwapo rin naman siya pero mas gwapo parin si Shane! Hihi..

“Busy ah, kumusta first day mo dito kahapon?” – tanong niya.

“Okay naman, hindi boring.” – bulong ko ng hindi inaalis ang tingin sa work book ko.

“Nga pala, I’m Stan..nakalimutan kong magpakilala sayo kinakausap na kaagad kita!” – natatawang sabi niya, Stan Shane Stan  Shane.. Puro S?

Crush Kita Konti LangWhere stories live. Discover now