Chapter 4

21 1 0
                                    

Cassandra's POV

Pagkadilat ko ay nasa kwarto ko na ako at si Andrei at ako nalang ang Tao sa kwarto

"Ohh gising ka na pala ano bang nangyayari sayo lagi ka nalang nahihimatay?"tanong ni Andrei sakin ng nagaalalang mukha

"Nanaginip ako,may isang lalaki tinawag nya akong anak at makakapaghiganti na daw kami" sabi ko

"Si Prince Erico,ang tatay mo kaya nyang pumasok sa panaginip" sabi nya

"Nasaan sya?bakit sa panaginip ko lang sya nakikita?"tanong ko Kay Andrei

" Kailangan nilang bantayan ang Academy para Hindi mapasukan ng taga Dark Land ang White Land"sabi nya

Tatayo na sana ako ng bigla nanaman akong nahilo

"Wag ka munang tumayo magpahinga ka muna" sabi nya

Humiga nalang ulit ako at pumikit

Pagkadilat ko ay nasa ibang lugar nanaman ako andaming patay na Tao at madami ring naglalaban yung lalaki nakita kanina sa panaginip ko ay nakita ko ulit may kasama syang babae na may dalang sanggol binigay ng babae ang sanggol sa babaeng naka kulay putting damit at bigla nalang nagkaroon ng portal sa harap ng babaeng naka kulay puting damit at pumasok sya soon at ang babae at lalaki naman ay nakikipaglaban sa mga nakakulay itim na cloak at natalo nila iyon at naubos na ang lahat ng naka itim na cloak

Bigla nanaman ako nahilo kaya napapikit ulit ako pagka dilat ko ay nasa kwarto ko na ako at ako nalang ang Tao

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko?

--------------------

Andito na ako ngayon sa kitchen kumakain ako nalang ang kumakain kasi tapos na silang kumain

Pagkatapos Kong kumain ay naligo na ako at nagbihis pupunta na sana ako sa sala ng bigla akong tawagin ni Meisha

"Bloody Princess may nagpapabigay po sa inyong sulat galing po sa lalaki ayaw nya pong sabihin yung pangalan nya sabi nya po kasi ibigay ko nalang po sa inyo Ito" sabi nya ng hinihintay hingal PA

Kinuwa ko na ang sulat at binasa

Dear Venice

'Anak pumunta ka ngayon sa cafeteria malapit sa campus nyo wag kang magdadala ng kaibigan mo'

Ang iyong magulang,
Prince Erico

Yan ang nakasulat sa papel

Kaya agad akong nagpalit ng damit at sumakay na ng taxi pagtingin ko sa pinto namin ay nakita ko si Andrei na may nagtatakang mukha

--------------------

Pagkadating ko sa cafeteria ay agad akong nagbayad sa taxi at pumasok na ako sa cafeteria

Hinanap ko yung lalaki sa panaginip ko at Geez!nakita ko agad sya at agad akong umupo sa harap nya

"Ikaw ba si Cassandra?"tanong nya sakin

"Ako nga" sabi ko ng may nagtatakang mukha

Pano ba naman kasi ngayon ko lang sya nakita alam nya agad pangalan ko

"Alam mo na ba ang totoo mong pangalan?"tanong nya sakin

"O-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya

"Kailangan ka na namin Venice,kung Hindi dadalian ang pagkilos mo ay maraming mamatay ng dahil sa kabagalan mo" sabi nya at bigla nalang syang naglaho

Pagkatingin ko sa pinto ng cafeteria andun sila Andrei sinundan nila ako

Kaya tumayo na ako at pumunta sa direksyon nila

"Bakit kayo nandito?"tanong ko sa kanila

Bumuntong hininga si Andrei "akala namin napahamak ka na" sabi nya

"Bakit ka kasi umalis ng bahay ng walang paalam?"tanong nya sakin ng may nag aalalang mukha

" Basta may pi-eche uminom lang ako ng cape"sabi ko sa kanya

"Tara na uwi na tayo" sabi ko sa kanila

"Tara na" sabi ni Ace at pumara na ng taxi

Andito na kami sa bahay kumakain

"Bat ka nga pala pumunta sa cafeteria ng campus nyo?"tanong sakin ni Jhane

" Uminom lang ng cape"palusot ko

"Ehh ano namang nakasulat dun sa papel kanina?"sabi ni Phoenix

" Ahh yun?wala kaklase ko lang yun"palusot ko ulit sa kanila

"Patingin nga" sabi ni Andrei

"Ahh?ehh naiwan ko sa cafeteria kanina ahh" palusot ko

Hindi na sila nagtanong ulit

Pagkatapos Kong kumain ay dumiretcho na ako sa kwarto ko at humiga na sa kama

Sino ba talaga sya?bakit sinabi nya na magulang ka sya?at tyaka bakit sya naglaho nung pumunta sila Andrei sa cafeteria?

Naalala ko bago naglaho yung lalaki kanina may sinabi sya

*flashback*

"Wag mo sasabihin sa kanila na nagpakita ako sa iyo at Dalian mo ang pagkilos mo dahil sayo nakasalalay ang maraming buhay" sabi nya at naglaho na

*End of flashback*

Bigla namang may kumatok kaya tumayo agad ako at binusan ang pinto ng kwarto ko

"Ohh bakit?"tanong ko Kay Meisha

"Pwede mo ba ako samahan sa labas?"tanong nya sakin

"Bakit?"tanong ko naman sa kanya

"Basta may bibilhin lang ako" sabi nya at hinila hila na ako

Kaya napilitan nalang ako

Pagkatingin namin sa tindahan ay bumili sya ng 5 Milo,3 biskwit,at isang Juice

"Anong gagawin mo dyan?"tanong ko sa kanya

"Para pagkagising ko bukas ay Hindi na ako bibili" sabi nya at umuwi na kami

*Chapter End*

********************

AN/ayan na po sana po mahaba na po yan hahahaha

Immortal AcademyWhere stories live. Discover now