"Who are you?" galit niyang sabi habang tinititigan ako. Ang mga matang puno ng pagmamahal kung titigan ako ay nabahiran ng sakit at galit. Wala na akong ibang makita kundi galit, pagkamuhi, pandidiri, at sakit sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Please let me explain." sinubukan ko siyang hawakan pero umiwas na para bang may nakakahawang sakit ako. Natigilan ako sa kaniyang kilos at ang mga namumuong luha na kanina pa gustong kumawala ang nag siuunahan nang dumaloy. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang magmahal. Hindi ko alam na ganito pala kahirap mag panggap. Dahil kung alam ko lang hindi na sana ako pumayag.
"Uulitin ko ang tanong. WHO.ARE.YOU!?" galit na galit siya at alam ko iyon. Sino ba namang taong hindi magagalit kung yung pinakamamahal ko ay nagsinungaling sayo. Kung yung taong pinahalagahan mo ay may tinatago palang malaking sekreto na ikagugunaw ng mundo mo. Sa mga oras na ito, wala na akong ibang maisip kundi ang sabihin ang totoo. Alam ko pagkatapos ko sabihin ang totoo ay mawawala na sa akin ang lahat. Lahat na pinaghirapan kong abutin. Lahat lahat mawawala sa akin.
"Ako si Realin Saldiva. Kakambal ng yumaong kasintahan mo." halos bulong ko ng sabi habang nakatingin ng deritso sa kaniyang mga mata. Alam ko kahit ngayon, bukas, o sa makalawa ko man sabihin ay masasaktan at masasaktan ko parin siya. Hindi ko gustong malaman niya sa ganitong paraan. Hindi gustong makita niya ang text ng aking ama. Hindi ko ginusto lahat ng ito.
Yumuko ako at nakita ko ang pag atras ng kaniyang mga paa. Masakit. Sobrang sakit na makita ang taong una mong minahal ay unti unting lumalayo sayo. Parang binibiyak ang aking puso sa tuwing nakikita ang kaniyang mga paang umaatras.
"No hindi yan totoo. Buhay pa si Relani. Buhay pa siya." sigaw niya habang umiiling at lumuluha. Hindi ko alam na may isasakit pa pala na makita siyang umaatras palayo. Mas masakit pala na makita siyang umiiyak. Hindi ko siya matingnan ng deritso. Hindi ko kaya. Nang bigla siya natumba ay akma ko sana siyang tutulungan ng bigla siyang sumigaw ulit.
"STOP RIGHT THERE. WAG KANG LALAPIT DITO." sigaw niya na nagpatigil sa akin. Tiningnan niya ako ng masama.
"You know what? Umalis ka na, ayaw na kitang makita. Pinagsisihan ko ang nangyari sa atin kagabi. Pinagsisihan kong minahal kita. Pinagsisihan kong nakilala pa kita!." tuluyan ng tumigil ang mundo ko at natulala nalang sa kaniya. Ang mga luhang walang tigil sa pag agos ay mas lalo pang dumami. Nanlalabo na ang paningin ko pero wala na akong ibang magawa. Pinulot ko ang damit ko at lumabas na sa kaniyang silid. Sa banyo na ako sa sala nag bihis at umalis na sa unit niya.
Ako si Relani Saldiva at ito ang kwento ng kapatid ko.
YOU ARE READING
Eyes Of Everyone's Secret
RomanceWe try to hide our secrets but we forgot that our eyes speak
