It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)

Start from the beginning
                                        

Matapos nilang kumain ay hinatid na ni Drew si Amber.

Second Day.

Holiday ngayon kaya naman okay lang kahit late na gumising si Amber. Dalawa lang sila sa bahay ng kapatid nya, may business trip kasi sa Singapore ang magulang nya samantalang yung mga katulong naman nila ay day-off ngayon. Ayos lang din naman sa kanila kahit walang katulong kasi marunong din naman sa gawaing bahay ang dalaga.

“Ate..bumangon ka na nga dyan? May naghahanap sayo!”

“Ahkahdjgskjnxmnhkml”

“Ate wala akong maintindihan sa sinasabi mo!”

“shatap! I’m so sleepy!”

“Kuya pumasok ka na nga lang sa kwarto”

Pagkarinig ni Amber sa sinabi ni Andrei, napabangon sya bigla at nakita nyang nasa harapan na nya si Drew.

“What are you doing here?!”

“Dinadalaw ka”

“WHAT! Don’t waste my time so please get out!”

“A-yo-ko”

“WAAh! Andrei, bakit mo sya pinapasok dito”

“Ayaw mo pa kasing bumangon eh.. Ayy kuya Drew, salamat nga pala sa chocolates”

“You’re welcome, hayaan mo sa susunod ulit”

“WAAH! Sinuhulan mo pa ang kapatid ko!”

Asar na asar na bumangon at pumuntang cr ang dalaga.Makalipas ang isang oras, nakatapos na rin itong maligo. Dumeretso sya agad sa kusina para magluto ng kakainin nila para sa breakfast.

 Pinuntahan naman sya ni Drew.

“Wow! Marunong ka pala magluto”

“Ako pa!”

“So ano bang kakainin natin for breakfast?”

“FYI, kami lang ng kapatid ko ang kakain”

“Ah ganon?! Eh pano yung deal natin”

“Oo na..oo na, wag mo lang lalaitin yung luto ko!”

“Ahaha..kahit ano pang lasa nyan basta ang Mine ko ang nagluto..okay lang!”

Ramdam na ramdam ni Amber ang pag-init ng mukha nya nang marinig yung sinabi ni Drew. Pero ang pinagtataka nya ay ang pagbilis ng tibok ng puso nya.Naguguluhan man  sya sa nangyayari sa kanya, pero binaling na lang nya ang atensyon sa niluluto.

“Grabe! Ang sarap naman ng luto mo ate, iba talaga pag inspired”

“Manahimik ka nga dyan Andrei, magaling lang talaga akong magluto”

Napatingin si Amber sa kumakain na binata, natuwa naman sya nang makitang halos maubos ni Drew yung niluto nya.

“Ate, matutunaw na si Kuya Drew”

“Shut up!”

“Ang sarap talaga ng luto mo, sa susunod ipagluto mo ulit ako”

“Yun eh kung may next time pa”

“Meron yan!”

Pagkatapos nilang kumain, niyaya ni Andrei si Drew na magvideo games. Si Amber naman, pagkatapos maghugas ng pinggan ay umupo lang sa isang tabi at pinanuod lang ang dalawa. Maya- maya ay nilapitan naman sya ni Drew.

“Tara!”

“Huh?! San naman?”

“Basta!”

It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)Where stories live. Discover now