It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)

187 5 2
                                        

“Ano na naman ba iniiyak mo dyan ha?!”

Tanong ni Amber sa kapatid nya na kanina pang umiiyak mula nang dumating ito galing computer shop. Nagpaalam kasi ito sa Ate niya na maglalaro daw sya sa kalapit na comp.shop.

“Ate..ate.. natalo kasi ako sa Dota”

“Eh yun lang pala, edi bumawi ka na lang sa susunod”

“Hindi na, wala na akong pera”

“Wag mong sabihin ipinusta mo yung 1 week mong allowance”

Hindi na umimik ang kapatid niya at umiyak na lang ito nang malakas.

“Pwede ba tumahan ka na dyan! Sige na hahatian na lang kita sa allowance ko pero wag mo na ulit ipupusta yun ha”

“Ate, may paraan pa para makuha ko yung allowance ko”

Nagtaka naman si Amber sa narinig niya. Sa isip isip nya, ano bang yung paraan na tinutukoy nito.

“Talunin mo sya ate!”

O_o

“Sinabi ko kasi na expert ka sa Dota at kayang kaya mo syang talunin”

“Bakit mo naman sinabi yun?!”

“Ewan ko yun na lang lumabas sa bibig ko eh pero sabi naman nya pag natalo mo nga sya ibabalik nya allowance ko”

“Ikaw talagang bata ka! Ano namang alam ko sa larong yan!”

“Please Ate..please!please!”

Nag-isip muna si Amber, nakita nya na sobrang lungkot ng kapatid nya. Alam nya rin naman na papagalitan ito pag nalamang wala na itong allowance, kaya naman pumayag na sya. Hindi nya alam kung matatalo nga nya yung lalaking nakalaban ng kapatid nya pero sa tingin naman nya baka mapakiusapan pa nya ito na ibalik na lang yung pera kahit half lang.

 Pumunta na nga agad sila sa Computer shop. Sa pintuan pa lang, rinig  na agad yung ingay sa loob. Binuksan na nya ang pinto at napansin nya na puro lalaki ang customer ng shop na ito.

Masikip at halos hindi na magkaumayaw ang mga naglalaro ng Dota at ng kung anu-ano pang computer games.

“Ate..ate..ayun yung mayabang na lalaking tumalo sakin!”

“Ah! Yun ba, tara.. lapitan natin”

Nung makalapit sila sa lalaki na kasalukuyang nakatitig sa monitor ng computer, napansin nya na pamilyar ito sa kanya. Hindi nga sya nagkamali kasi ang lalaki pa lang ito ay si Drew, isang heartthrob at Mr. Casanova sa school nila. Sya rin ang itinuturing ni Amber na mortal enemy nya.

“Oy Amber, bakit ka nandito, namiss mo ba ako?”

“Let’s start the game!”

Halata ang pagtataka sa mukha ni Drew pero agad naman nyang napansin ang isang batang lalaki sa likod ni Amber.

“Ah.. so ikaw pala ang kapatid ni Andrei na makakatalo daw sakin”

“Ang dami mo pang satsat, game na!”

Naghiyawan naman sa loob ng computer shop. Agad din naman binigyan si Amber ng pwesto.May nag-offer pa nga sa kanya na sila na lang magbabayad ng renta nya sa computer. Hindi nya rin naman alam kung sakto ba ang dala nyang pera kaya pumayag na rin ito sa offer.

Nagsimula na nga ang laro nilang dalawa. Halos palibutan na sila ng mga taong naroon. First time daw kasi silang makapanuod ng laban ng isang babae at isang lalaki.

Tumagal din ng isang oras ang laban ni Amber at ni Drew ngunit sa huli… Si Drew pa rin ang nanalo..

“Drew, pwede bang kahit half lang nung allowance ng kapatid ko ay mabalik mo”

It all started with a stupid Game: A Short Story (Completed)Where stories live. Discover now